Prologue
"YES MR. CHAIRMAN, I'll tell that to Sir Benjamin."
Nagmamadaling naglalakad papasok sa Starbucks coffee si Evie habang nakaipit lang sa balikat niya ang phone habang kausap nito ang chairman ng Yu Solar Panels Inc.
Kaagad siyang pumila sa likod ng mga taong nakatayo sa counter habang dinudukot sa bag niya ang wallet niya.
"Sure, Mr. Chairman. I'll email the details first thing in this morning when I get to the office. -- The Consuji Constructions emailed me the order requests and I sent them the quotation. It has been approved by Sir Benjamin."
Patuloy nitong pagkausap sa phone niya habang umuusad naman ang pila. Nakapaling pa rin pakaliwa ang ulo niya para maipit ng balikat niya ang phone habang hinahalukay naman niya sa Italian hand-stitched shoulder bag niya ang reddish plum matte shade na favorite lipstick niya. Dinukot niya rin ang face powder niya at binuksan para makapagpasalamin doon habang kaunting naglalakad sa pausad namang pila.
"Sir Benjamin have already informed the Consuji's when we'll gonna have our meetings with them, that includes in our emails and quotations I've sent to them." patuloy niyang pagsagot sa kausap habang nilalagyan ang labi niya ng lipsticks. Inayos niya ang kulorete sa labi at inalis ang kaunting lumagpas gamit ang daliri.
Nang mapansin niyang siya na ang susunod sa counter, kaagad niyang ibinalik ang mga gamit sa loob ng bag at hinawakan na ang phone niya. Binaling naman niya ang leeg pakanan bilang paguunat pa.
"Copy Mr. Chairman --"
"Good morning Ma’am! What's your --" napatigil ang kahera na magiliw na bumati sa kanya ng senyasan niya ito ng kanang kamay niya.
Tila pinapakinggan naman ni Evie ang sinasabi ng kausap sa phone. Inaudible siyang napabuntong hininga at bahagyang napaikot ang mata na saktong natama sa kahera na tila nakatulala sa kanya at nagiintay.
"Miss? Hindi ka pa ba mag-o order? Ang dami pang --
"Ah shushushh!" mabilis na pagsuway ni Evie sa babaeng nasa likuran niya at dinampi ang kanang hintuturo sa labi nito. Tila nabigla rin ang babae at nainis sa ginawa niya. Napatingin naman ito ng masama sa kanya ngunit focus pa rin si Evie sa kausap.
"I'll tell that to Ben -- Sir Benjamin. Okay Mr. Chairman. Bye."
Kaagad na naibaba ni Evie ang phone at nakahinga na ng maluwag saka humarap sa counter at napatingin sa kaherang pilit na lamang ngumiti sa kanya dahil pinagintay niya.
"Pumpkin spiced latte with extra milk and caramel sweetener, venti size. Cappuccino duppio with extra pump of chocolate fudge syrup also in venti size. Ham and cheese sandwich and -- pecan brownies." Dire-diretsong saad nito sa kahera na natataranta namang magsulat sa cups at pindot sa POS ng mga orders." Ay! Sorry! Huwag na lang pala ng pecan brownies, ham and cheese sandwich na lang din. Thanks. "
"Okay po Ma’am." masugit namang pagsunod sa kanya ng kahera.
Kaagad ring inabot ni Evie ang card niya upang doon kuhain ang pambayad sa orders niya. Suki na siya roon kaya lagi itong may load doon.
Habang abala ang kahera sa pag-settle ng payment niya, napalingon naman si Evie sa likuran niya dahil naririnig niya ang munting ngitngit ng babaeng sinuway niya kanina.
Tinarayan niya ito ng tingin na tila taray na taray din ang pagkakatingin sa kanya.
May kababaan ito sa kanya at mukha namang disente rin. Minasdan niya ito mula paa hanggang ulo.
Napansin niya ang two-inch black doll shoes, pencil cut black skirt with white polo blouse on top and black blazers. Nakapusod ang buhok nito na may naka-side bangs. Nakikipagtaasan ng kilay ito sa kanya at bahagya siyang napa-smirk sa pustura nito.
Office clerk na office clerk naman ang pormahan? Boring!
Tiningnan niya ito na tila nangiinsulto siya dahil kumpara sa babaeng iyon, kahit typical office attire ang suot niya, she's allowed to wear more elegant and respectful as she was the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc.
Evie loves to wear slacks and pair it in different kinds of tops like chiffon blouses or polo blouses, she's also loves to wear colourful and more fashionable blazers or coats, depends on her mood or occasions relating to office works. She's seldom wearing dresses that stop her from moving more, and she wears always three or more inches of heeled shoes.
She has always been presentable as she often faces clients and investors at all times. She sometimes mistaken as the agent, a supervisor or even the product expert as she knows all the job descriptions of these. But she most enjoys being the secretary of Benjamin Yu as they bonded more than just subordinates.
Tinabunan niya ito ng isang matinding pangiirap at saka humarap ulit sa counter at ibinalik na sa kanya ang kanyang card.
Kaagad na dumiretso si Evie sa kotse niya at pinaharurot ito patungo na ng opisina.
At dahil kagaya ng mga board members, kilala at ginagalang na higit si Evie ng mga empleyadong naroon hindi dahil takot sa kanya, kundi dahil siya ay approachable at kagalang-galang talaga. Pantay-pantay ang tingin ni Evie sa lahat ng empleyado kahit pa sa nakakababa sa kanya.
"Good morning, Ma’am Evie!" bati ng gwaryang sampung taon ng nagtatrabaho sa kompanya.
"Good morning din po, kuya Jorge! Pogi natin ngayon ah?" biro niya pa rito.
"Syempre Ma’am!" pagayos pa nito sa suot na sumbrerong uniporme.
At dahil puno ang kamay ni Evie sa hawak na kape at paper bag ng pagkain, pinagbuksan naman na siya ng gwardya ng salaming pintuan na halintulad sa mga mall.
"Salamat po!"
Sinaluduhan naman siya nito bilang tugon.
"Good morning Ma’am!"
"Good morning, Miss Evie!"
Bati ng mga empleyadong nakakasalubong niya at binabati naman din niya ang mga ito.
Dali-dali namang naglalakad ng mabilis upang makahabol sa kanya at para makasabay sa paglalakad niya ang isang empleyado mula sa accounting.
"Good morning, Miss Evie. Sorry po, medyo maaga ang pangiistorbo ko sa inyo, pero kailangan na po kasi itong maaprubahan ni director ngayon. Bukas na po kasi kailangan mai-deliver ang mga solar panels sa Cagayan. Urgent na po talaga." natataranta naman nitong paglalakad.
"Oh di ba napapirmahan ko na yan last week pa?" tila nagtataka naman si Evie habang diretso pa rin ang paglalakad patungong elevator.
"Oo nga po, Miss Evie kaso na-postponed yung deliveries last Friday. Yung permit to deliver kailangan po ulit mapirmahan ni director." pagaalala pa rin nito.
"Ganun ba?" sakto namang nahinto na sila sa tapat ng elevator. "Sige, iakyat mo na lang sa akin lahat ng yan pati yung iba pang requests niyo. I'll tell that to director immediately."
"Thank you po talaga, Miss Evie."
Nang makarating sila sa may elevator, may mga nakakasabay din siyang ibang empleyado, at kapag nakakasabay siya ng mga ito lalo kapag kasama niya ang director ay pinapauna na siyang makasakay.
Nasa pinakataas ng building ang opisina ng Director, naroon rin ang conference room at office table niya, tila tanging siya lamang ang nagiisang empleyado ng kompanyang nananatili roon maliban sa director. Walang sariling opisina roon ang chairman dahil hindi ito doon sa building namamalagi kundi sa main branch nila sa Makati.
Nang makarating sa 10th floor ng building, tila patay pa ang ilaw roon at napakatahimik. Dahil sanay na siyang laging mag-isa sa palapag na iyon, siya na lamang ang nagbubukas ng mga ilaw, nagbubukas ng aircon sa buong palapag at naghahanda sa opisina ng kanyang boss.
Inilapag niya muna ang mga bitbit na pagkain at saka dumiretso sa silid ng opisina ng director. Binuksan niya ang mga kurtina sa bintana nito, binuksan ang air-conditioner upang malamig na ang silid pagdating ng boss niya at gayun din ang mga ilaw. Siya na lamang din ang nagpupunas ng mga alikabok sa mesa, sa name plate, swivel chair at kahit sa salamin ng bintana ng opisina nito dahil ayaw na ayaw ng boss niyang may ibang nakakapasok sa opisina niya ng hindi niya nalalaman. Inihanda na niya rin ang almusal nitong personal niya pang binibili para rito. Mainit pa ang kape at ang sandwich na nilagay niya sa serving plate.
Sa araw-araw ay ganito ang gawain niya na kinatutuwaan naman ng boss niya. Marami na ring naging sekretarya itong nauna sa kanya ngunit siya pa lamang ang nagtatagal. Kinatutuwaan din siya ng chairman na ama ng boss niyang si Benjamin Yu dahil sa sipag niya at maabilidad. Hindi rin siya mareklamo o mapili sa gawain, tila kahit ano yatang iatang sa kanyang trabaho ay kaya niya itong gawin, at kahit kung minsan ay labas na sa job description nito ay willing pa rin siyang akuin ito at nagagawan ng paraan.
Nang matapos niyang ayusin ang opisina ng boss ay tinuunan naman niya ng pansin ang cubicle sa gilid ng labas ng silid ng opisina ng director. Binuksan niya rin ang bintana niyang over-looking rin sa mga mas nagtataasang building, nagpunas rin ng kaunting alikabok sa kanyang mesa at computer set.
Sunod ay kinuha na niya sa table sa labas ng cubicle office niya malapit sa elevator ang gabundok na namang papeles na inilalagay at iniiwan lamang roon ng ibang empleyado upang siya na ang maghatid sa boss nila. Isinalansan na muna niya ang mga ito at dinala sa table niya. Kinakailangan pa kasi niyang maisa-isa ang bawat papeles kung ano ang dapat gawin roon bago tuluyang ibigay sa boss niya upang mapapirmahan na lamang.
Naupo na siya sa mesa niya pagkabukas niya ng monitor ng computer set niya. Kaagad niyang kinuha ang cappuccino duppio niya at sa unang langhap niya rito ay nabuhayan na siya.
"Hmm.. Haa.." kaagad niya itong ininom habang iniisa-isa ng basahin ang mga papeles sa harapan niya.
Habang hawak ang binabasang papel, hawak din ng isa pa niyang kamay ang sandwich at kinakain ito habang nagbabasa. Nakasandal siyang mabuti sa kanyang swivel chair at tila ipinapaikot ito.
*Kriing.. Kriing!
Kaagad na natigilan si Evie sa pagkain at kaagad na inilunok ang nasa bibig niya. Inilapag niya ang papel at inabot ang phone na nasa mesa niya.
"Good morning, Benj!" pagsagot nito sa phone.
(I can't believe you were at the office already!) tila hindi naman makapaniwala nitong komento. Napa-rolling eyes na lamang si Evie sa kanya na tila natatawa.
"What's new? Lagi naman akong dapat mauna dito di ba? Still hangover?"
(Oo noh! You took me home at three? --)
"Four!" sagot pa nito sabay kagat sa sandwich niya.
(Yeah! So -- argh! Why you didn't wake me up?!)
"I know you were so drunk, so I let you rest for awhile." kapag kasi gustong makipaginuman ng boss niya, siya kaagad ang unang pumapasok sa isip nitong ayain. Kung minsan ay kasama din nila ang mga nagiging girlfriend nito at kabarkada kung kaya't nakikilala niya itong lahat.
Kagabi ay nasa birthday party sila ng kaibigan ng boss niya at alam niyang wala itong magagawa kapag pinilit na painumin kung kaya't pumayag na siyang samahan ito upang maihatid niya rin pauwi sa condo nito.
"I've already sent to chairman our indeed proposals sa mga Consuji, he asked me kung kailan ang meeting, sabi ko iintayin pa natin ang sagot nila and then we'll see if they gonna take our offers. For sure naman, kakagat na mga yun kahit pa napakakuripot nila!"
(Oh, thank God, Evie!)
"Oh, by the way, pinapasabi ni chairman na hindi siya makakasama sa mga board meetings this coming month. Balik Korea siya, and --" napalunok naman siyang mabuti ng kinakain. "Make sure na makukuha daw natin ang next target na construction project sa Palawan."
(Oh wow? Palawan? Well, he'd already mentioned that to me last week. Hindi ko lang maalala masyado yung details kasi ang dami-dami niyang bilin. Nahihirapan akong alalahanin.)
"Well, that's why you better talk to him when I'm with your side para naman naririnig ko at napapaalala sayo. Anyways, get up and hurry up here! Marami-rami ka pang pipirmahang request dito at saka --" napa-browse naman siya sa monitor ng computer niya. "may meeting ka sa 7th avenue mamayang 5pm."
(At sino naman ang ka-meeting ko?)
"The M.M Manpower."
(Argh! Alright, alright! Be there in an hour.)
"Alright! Ciao!"
Pagkatapos ng paguusap nila ay uminom naman uli ng kape niya si Evie at saka bumalik sa ginagawang pagbabasa ng mga papeles.