HABANG BUSY PA rin si Evie sa ginagawang pag-review sa mga paper works niya, halos hindi na niya namalayang may papalapit na sa kanyang katrabaho.
"Excuse me, Miss Evie. Ito na po yung mga requests pa for director's approval." paglapit ng empleyadong kanina niyang kausap sa b****a ng cubicle niya.
"Leave it there." sagot lamang niya ng hindi man lang ito tinitingnan dahil focus ulit siya sa pagbabasa sa hawak na papel.
Makalipas ng isang oras ay pumasok siya sa opisina ng director upang dalahin sa kitchenette ng opisina na nasa 5th floor ang kape at sandwich nito. Ininit niya ito sa microwave at kaagad na bumalik sa palapag ng opisina nila.
Nang mailapag niya muli ito sa mesa ng boss ay lumabas na siya at nagtungo sa cubicle niya. Inihanda na niya ang mga naka-sort ng papeles at iniwan ang mga siya na lamang ang gagawa.
"Good morning, gorgeous!" pormal man ang tono ng pananalita nito, sa kanya lamang ito palagay na maging hindi masyado maging pormal sa pakikipagusap kapag nasa trabaho.
"Good morning, director!" nangingiti namang bati niya rito.
Dumiretso na ito sa opisina niya at kaagad naman din binitbit na ni Evie ang mga papeles at kasunod na pumasok sa opisina ng boss niya.
Nakita niyang nakaupo na ito kaagad sa swivel chair na nakatalikod sa kanya. Napansin niya ring mukhang hawak na nito ang kapeng inihanda niya rito.
"Ah, ahm.. Here's are the requests from the engineering department, audit, logistics and accounting. I've already sent back the unnecessary files and I took the one I'm gonna make a quotation." inilapag ni Evie ang mga papel sa mesa nito. May hawak din siyang file board na tila isang listahan ng schedule ng director sa araw-araw. "As I mentioned on the phone, sa mga M.M Manpower ka lang may meeting ngayon, nai-email ko na rin kay Engr. Rey na siya ang makakasama mo sa meeting mamaya."
"Bakit siya? Nasaan si Gab?"
"Unfortunately, Mr. Villarias is on paternity leave." tugon naman niya rito.
Pumaikot naman na si Benjamin paharap kay Evie habang nakaupo pa rin sa swivel chair niya at hawak ng dalawang kamay ang kape.
"Oh? I didn't --"
"He filed last month and you've already approved it! Don't you remember?"
Nakunot labi naman ito at napailing lang bilang tugon kay Evie. Napairap na lamang si Evie at natatawa sa arte ng boss.
"Come on, Benj. You have to take seriously for those employees on the lower floors. Someday, you'll gonna take over managing them. You must be aware!" tila pagsesermon naman niya rito.
"Mas kilala mo nga sila eh, ikaw na lang kaya maging director?"
"As if kaya mong maging executive secretary ko di ba?!"
Natigilan at napaisip naman si Benjamin sa sinabi nito.
"Oo nga noh? Pagbangon pa nga lang ng maaga at pumasok on time, ang hirap na! Paano pa kaya yung mga ginagawa mong beyond job description? Haay! Ikaw nang super woman! Tatanda kang dalaga niyan sige ka."
Napakunot noo naman ito sa boss niyang tila nangaasar.
"Was that a complement?"
"Oo noh! Oh sya! Sisimulan ko na toh -- ahh... Haaay! Nang makauwi na, antok na antok pa ko!"
"Call me when you need me!" natatawang saad na lamang ni Evie at lumabas na sa silid ng opisina ng boss niya.
Sinimulan na rin niya ang mga nakatakdang gawain niya ngayon na tila maning-mani na ito sa kanya.
Sumapit ang tanghali at hindi naman namamalayan na ni Evie ang oras. Naramdaman niyang lumabas na ng opisina nito ang boss.
"May lunch date kayo ni Miss Sofie?" panimula niya.
"Ahm.. Oo eh, nangungulit. Gusto mong sumama?"
Tinigil niya ang pagta-type sa computer niya at pinaikot ang swivel chair niya paharap sa b****a ng cubicle niya kung saan naroon ang boss na nakatayo at nakasandal.
"At bakit naman ako sasama?! Ipag-take out mo na lang kaya ako?"
"Eh baka matagalan akong makabalik, alam mo naman yun mamimilit pang magpahatid sa opisina nila sa Makati, as if hindi matrapik di ba?" tila may inis sa tono naman nito.
Natawa naman si Evie sa sinabi ng boss niya.
"Bakit kasi hindi mo pa ligawan? Type mo rin naman, di ba?"
"Eh -- oo. Type ko naman siya. Maganda, sexy, disente, professional din."
"So, anong problema? Bad breath ba? May putok? Ano?!"
Napatingin naman ng masama si Benjamin sa kanya.
"Grabe ka naman sa mga tanong mo? Hindi naman sa ganun."
"Eh dati kinikilig-kilig ka pa noong unang nagkakausap lang kayo sa i********:, ngayong nag-meet na kayo at nagso-so called na date, bigla ka yata umaatras?" pagsita pa nito sa boss niya.
"Ahm, gasgas man, pero alam mo yun? Syempre getting to know each other." malumanay pang paliwanag nito sabay ngiti na tila mapupukaw yata ang lahat ng kababaihang mapapatingin rito dahil sa chinito ngunit malakas ang masculine side ng tisoy na boss.
“Pero nag-s*x na kayo?!” tila sarcastic na tanong nito.
Hindi naman mapigilan ni Benjamin na matawa ng bahagya sa tanong ni Evie.
“Hahaha! Wala pang ganun noh!” natatawa pa rin nitong tugon pero inirapan lang siya ng sekretarya.
"Ah huh? Baduy mo! Umalis ka na nga! Ciao!" pagtataboy nito sa boss niya na natatawa na lamang sa kanya.
"See yah later, Evz!"
Naiiling na lamang ito na bumalik sa ginagawa. Magpapa-deliver na lamang siya ng pagkain niya dahil hindi niya rin naging ugaling kumain kasama ang ibang empleyado ng kompanya. Kung minsan ay sinasama siya ng boss sa mga lunch out meeting, o hindi naman kaya ay silang dalawa lamang ng boss niya ang kumakain. Noong una ay naging usap-usapan sila sa opisina ngunit ng kalaunan ay nasanay na rin ang mga ito dahil ilang beses na rin binibisita ang boss niya ng mga babaeng dini-date nito roon.
Nang dumating ang pagkain niya ay hindi pa rin siya natigil sa ginagawa. Habang kumakain ay pinagpapatuloy niya ang quotations nang tumunog ang notification sa kanang ibabang bahagi ng screen ng computer niya na nagpapakita ng may importanteng email siya.
Kaagad niya itong pinindot at nabuksan. Email ito galing sa possible client na ipinasa sa kanya mula inquiries.
"S.A Construction Company, huh? Hmm.. Not bad ang projects nila. Mukhang ito na yata ang sinasabi ni chairman na upcoming client sa Palawan? Hmm.. "
Binasa niyang mabuti ang description ng possible client nila at mukhang kainteresante ito. Tiyak siyang matutuwa si Benjamin na makuha din nila ang bago lamang na construction company. Kaagad niya itong ini-email sa boss niya upang mapaaprubahan.
Halos ganito na lamang ang takbo mg trabaho niya sa araw-araw, kung minsan ay magpapatawag ng board meeting ang chairman at director, at palagi rin siyang naroon. Kinakailangan niyang mai-take note ang lahat at bawat usapan dahil madalas itong nawawaglit sa isipan ng boss niya. Dahil rito ay siya na lamang din ang humaharap sa mga suliranin nito sa opisina. Ginagawa niya ito dahil alam niyang kaya niya. Tila kahit wala sina director at chairman sa opisina ay kaya niyang patakbuhin ito at manduhan ang mga empleyadong naroon.
Malaki ang tiwala na ibinibigay sa kanya ng mag-ama kung kaya't mas napapaigting ng mga ito ang branches ng kompanya nila sa iba't iba lugar sa bansa at ibang bansa man. Minsan ay nakakasama rin siya sa mga ito ng travel mapa-domestic man o abroad. Minsan na siyang nabigyan ng offer na maging manager at maging parte ng board members ngunit tinanggihan niya ito sa kadahilanang mas gamay na niya ang trabahong unang pinasok rito. Lalo na ang mabait at kasundo niyang boss.
Hindi nalalayo ang edad nila ni Benjamin kaya gayun na lang din siguro ang bilis ng pagkakasundo nila. Tatlong taon lamang ang tanda sa kanya nito kung kaya't alam na alam nila ang mga hilig at ibang bagay na maaari nilang mapagkasunduan.
At dahil alam ni Benjamin na nagiisa na lamang sa buhay si Evie, palagi niya itong inaaya kahit mapa-family gathering upang hindi naman ito malungkot. Napalapit na rin si Evie sa pamilyang Yu na tinuturing na rin siyang malapit na kaibigan.
"Nakapag-request na ko ng audit sa makalawa, kailangan yun bago maapbrubahan ang magiging budget natin sa Christmas party. May suggestion ka bang theme?" bungad naman ni Evie ng makapasok muli sa opisina ng boss niyang abalang nakatutok sa laptop nito.
"Ah, ikaw ng bahala! Kahit ano naman eh."
Napabagsak balikat naman si Evie sa kanya.
"Oo kahit ano, kasi ako rin naman ang maghahanap ng susuotin at props mo!" medyo sarkastiko nitong saad.
Natawa naman ang boss niya sa kanya.
"Eh maghahanap ka rin naman ng sayo, idamay mo na ko di ba?"
"Nako Benjamin ah? Tanda-tanda mo na. 'Nung akala mo sa akin? Nanay mo?"
"Hindi naman. Slight lang!" pag-describe pa nito ng maliit sa daliri.
Pinandilatan naman siya ni Evie na tila nagbabanta.
"Kapal mo ah? Dapat talaga triple bonus ko!"
"Hahaha.. Yun lang pala eh!"
"Ay teka? Nabasa mo na ba yung ini-email ko sayo kahapon?"
"Alin dun?"
"Yun na yata yung sinasabi ni chairman na project sa Palawan. And also, kapag naging successful ang project natin sa kanila, baka mag-invest din yun sa company."
"Hmm? Not bad. Sige, I'll check later."
MATAPOS ang nakakapagod na namang araw sa opisina, kahit pa hanggang alas cinco lang ang trabaho ay madalas nag-o overtime si Evie ng isa hanggang apat na oras dahil alam niyang wala rin naman siyang ginagawa sa tinutuluyan niyang apartment.
Simula ng magsimula siyang magtrabaho sa Yu Solar Panels Inc. ay humanap na rin si Evie ng matutuluyan sa Metro. Noong una ay kinakailangan pa niyang mag-commute sa pagpasok ngunit netong pangalawang taon na niya sa kompanya ay pinayagan siyang gamitin at dalahin ang isa sa mga company cars na tanging ahente at board members lang ang the usual na may privilege.
Umuwi siya sa apartment niyang nirerentahan lamang niya. Nasa 50sqm lamang ito at isa lang ang kwarto. Unti-unti siyang nakapaglaan ng gamit sa bahay at ngayo'y kompleto na rin siya. Ang iba'y regalo sa kanya ng boss niya at ng kompanya tuwing Christmas party, ito kasi nilalagay niya sa wishlist.
Kaagad na nagbihis si Evie at naghanda ng hapunan niya. Madalas siyang bumibili na lang ng pagkain ngunit kung minsan ay nagluluto pa rin siya depende sa mood niya.
Arf!
“Hi baby! Na-gutom ka na ba?”
Matapos ng hapunan ay magsha-shower na muna siya bago pumuwesto sa tv at manonood ng balita. Kung minsan kapag maaga siyang nakakauwi ay nakakapanood pa siya ng pelikula o hindi kaya series sa Netflix.
*Kriing.. Kriing!
Naabot niya kaagad ang phone na tumunog na nakapatong sa center table at tiningnan muna ang caller ID ng tumatawag.
"Oh? Napatawag ka?"
(Sorry, nakalimutan kong sabihin. Pakitawagan naman bukas ng umaga yung sa S.A constructions, pakisabi sila nilang mag-set ng meeting at kung gusto pa nila sa office natin o office nila magmi-meeting.)
"Sana tinext mo na lang?"
(Baka makalimutan ko eh. Pasensya na sa istorbo. Good night!)
"Good night, Benj!"
Alam niyang hindi talaga natatapos ang pagiging sekretarya niya sa loob ng opisina at sa oras lamang ng trabaho. Ngunit handa naman at willing siyang gawin ito dahil na rin sa nakahanap siya ng bagay kung saan alam niyang doon siya magaling at nag-e enjoy rin naman siya.
The company pays her well plus all the benefits and privileges she has while working there. Sapat na ito sa kanya upang mabuhay sa araw-araw.