HABANG ABALA si Evie sa pagsasalansan ng mga papeles sa bawat folder nito na gagamitin sa bidding ni director, halos hindi naman na siya makaupo sa limang set ng legal files, quotations at certificates na hinanda niya. Madalas niya rin itong ginagawa kaya kahit marami pang requirements ay set ang kailanganin ay nagagawa naman din niyang lahat bago ang deadline.
"Huy! Magpahinga ka naman! Kung makakayod ka diyan, para kang may binubuhay!" tila pagbibiro pa ni Benjamin ng nakadungaw sa cubicle niya. Mukhang nainip na ito sa opisina niya.
"Tapos mo na bang review-hin ang requirements na nandito? Galingan mong makuha yung project sa bidding ah. Makaka-quota kaagad tayo nun second quarter palang." medyo seryoso naman niyang saad habang hindi pa rin tumitigil sa paglalagay ng papel sa folders.
"Ang baba nga ng budget nila, hindi kaya lugi naman tayo dun?"
"Eh di bawasan mo ng freebies! Saka, bagong housing projects yun, malay mo sa susunod nilang projects somewhere, kunin tayo ulit. Aba! Complete sets with preventive maintenence ang offers natin noh!" confident naman niyang paliwanag rito.
Nakasandal pa rin ang dalawang kamay ni Benjamin na nakapatong sa glass divider ng cubicle at nakapatong rin ang baba nito doon habang minamasdan ang pagka-busy ni Evie sa ginagawa.
"Ayaw mo ba talagang magahente, ha? Sigurado akong lagi ka rin makaka-quota."
"Ayoko ng pressured na maka-quota taon-taon. Saka nakakapagod mag-area, though hawak mo ang oras mo, masyado exposed sa germs. Maghahanap at mamimilit ng possible clients, nagmamadali sa kung saang lupalop ng bansa or abroad, makikipag-bidding. " paliwanag naman nito na kinatutuwaan lang ng boss niya.
"Ay wow? Eh hindi ba, ginagawa mo naman na yun?"
Napatigil naman si Evie sa ginagawa at hinarap na ang boss niya. "Exactly! And I don't much like it." sabay ngiti rito at talikod ulit balik sa ginagawa.
Tila nangingiting tagumpay naman ang boss niya tumutungo-tungo pa. Naglakad na ito papasok sa cubicle niya at naupo sa swivel chair nito. Nagpaikot-ikot ito na tila naglalaro roon.
"Ayaw mo talaga akong iwan noh?" tila pangaasar naman nito sa sekretarya.
"Sige, kapag nakahanap ka na ng sekretarya mong kayang higitan ang ginagawa ko, I'll resign!"
Napahinto naman si Benjamin sa pagikot at tumapat kay Evie na abala pa rin sa ginagawa. "Huy! Walang ganyanan, Evz! Ang -- ang hirap kayang makahanap ng sekretaryang --"
"Kasing galing at ganda ko?" pagsabay naman din ni Evie sa kakulitan ng boss niya. Nilingon pa niya ito saglit at saka nginitian.
Hindi naman maiwasang mapatingin si Benjamin sa sekretarya at nakaramdam ng kaunting kaba. "Buhat bangko ah?" sagot pa niya na pilit hindi mautal.
"Aminin, Benjamin!"
"Oo na! Saka gustong-gusto ka rin ni daddy. Kung pwede lang sigurong gawin ka niya kaagad na director, baka ginawa na niya?"
"Hahaha! Hindi naman ako naghahangad ng ganyan. Okay na sa aking sekretarya mo ako. I enjoy this job."
"And I enjoy working with you. You've done so much for me too and for this company, Evz."
"You owe me!"
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ng boss niya at kahit pa kasama niya ito ay sinagot nito ang tawag.
"Oh hello, Sofie."
Napangiti naman si Evie na tila nangaasar sa boss niya kaya napalingon ito sa kanya.
"Ah eh, may tinatapos pa kasi ako dito sa office. May bidding kasi ako bukas."
Nagpipigil man ng tawa ay inaasar naman ni Evie ang boss na kinikilig siya para dito.
"Ah, sure ka? Ahm-- sige. Kung ayos lang sayong intayin akong matapos sa ginagawa ko."
Napalingon naman si Evie sa kanya na tila na-gets nito ang pinaguusapan ng dalawa.
"Okay sige. See you. Bye."
"Aba! Dadalawin ka na kaagad dito?"
"O -- oo."
"Hmm.. Mukhang type ka rin naman niyang Sofie na yan ah? Ayaw mo pa bang ligawan?"
"Ahm.. Hindi naman sa ganun. Alam mo naman, ang dami ko na ring nakaka-date na hindi naman din nagwo-work out. Sobrang panandalian lang."
"Don't tell me hindi ka pa rin nakaka-move on dun sa crush mong nasa Batanes? Si -- si --"
"Si Carly?"
"Oo yun! Eh kasal na yun di ba? Ang bongga nga ng kasal nila nung pumunta tayo nila chairman. Nakakainggit!"
"Wala naman na sa isip ko yung si Carly but I do really admire her, sana kagaya niya rin ang magiging girlfriend ko na. Yung pangmatagalan, seryoso, yung kaya akong kilalanin at alagaan talaga." pasimple namang tumingin si Benjamin kay Evie na tila nagpaparinig rito ngunit abala pa rin ang dalaga sa ginagawa.
"Eh di dapat magjowa ka ng caregiver?" sarkastiko pang pangaasar ni Evie rito.
Napabuntong hininga naman si Benjamin na kinatawa ni Evie.
Sinulyapan ito ni Evie na mukhang sumeryos ang mukha ng chinitong boss. Kahit pa makapal ang kilay nito ay hindi masyado malago ang bigote at balbas nito sa mukha. Tila mas makinis pa itong tingnan kaysa sa kanya. Tamang-tama ang fitted body nito sa 6-foot height niya.
"Alam mo, hindi yan hinahanap. Kusang darating yan. Kung para sayo, darating siya. Hindi mo kailangang hanapin. Hindi mo kailangan ipilit." paliwanag naman ni Evie rito para gumaan naman ang loob ng boss.
"Natagpuan ko na sana kaso mukhang ayaw naman.."
"Ano yun?"
"Ang sabi ko, natagpuan ko na yung stapler ko kaso hindi gumagana!"
Sabay abot naman aa kanya ni Evie ng stapler niya. Kinuha naman ito ni Benjamin sabay tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya. "Balik na ko sa office." dire-diretso nitong labas sa cubicle niya.
"Isusunod ko na rin 'tong mga toh. Matatapos na!"
Lagpas alas sais na ngunit naroon pa rin sila sa opisina. Narinig ni Evie na tumunog ang elevator kung kaya't napalingon siya roon. Nabigla siya ng may isang babaeng lumabas sa elevator.
Naka-dress skirt ito na asul above the knee kaya litaw na litaw ang hubog ng balingkinitang katawan nito. Nakalugay ang mahaba at nakakulot sa dulo na buhok nito. Naka-pumps ng nasa 3-inches at full pack ang make up. Litaw din ang kaputian nito lalo na ng braso at binti.
Napa-smirk naman si Evie ng makita ang dalaga at palagay niya si Sofie na ito. Ang bagong dini-date ng boss niya.
Naglalakad ito patungo sa cubicle niya kaya binitiwan niya muna ang mga hawak na papel.
Ganitong-ganito pa rin talaga ang mga tipuhan ng boss niya. Laging nakapustura at magaganda. Nararapat lang din naman siguro dahil matipuno ito na mahahalintulad sa isang oppa. Nakailang babaeng dini-date na ito noon na halos ganito palagi ang pormahan. Kaya hindi nakakapagtakang mabilis rin nitong pinagsasawaan.
"Ahm, good evening. Excuse me? Is Benjamin inside his office?" nakangiti namang bati nito sa kanya ng makalapit kaya ginantihan niya rin ng ngiti.
"Yes. I'll let him know."
Kaagad na lumabas si Evie sa cubicle niya at kumatok ng silid ng opisina ni Benjamin.
Dinungaw nito ang ulo niya pagkabukas niya ng pintuan.
"She's here --" nanlaki naman ang mata ni Evie ng nakitang natutulog ang boss. Nakapangalumbaba pa ito sa solid metal table niya habang kaharap ang mga paunang bidding papers na pinapapirmahan na niya rito kanina.
Kaagad na sinara ni Evie ang pinto ng opisina nito at hinarap ang bisita ng boss.
"Ah eh.. Just a moment." pagaalangan niyang pagpapaintay rito sa labas ng opisina at kaagad naman siyang pumasok sa opisina ng boss.
"Pss! Benjamin!" malumanay pa niyang pagtawag rito ngunit hindi man lang nagising.
Naglakad na siya papalapit rito at tinapik ang balikat. "Sir Benjamin!"
Mukhang nagulat naman ito at kaagad na nataranta ng magising.
"Ah, anong nangyari?!"
Napasapo na lamang ni Evie ang ulo at nagpamewang sa harap ng boss.
"Magayos ka nga! Nandyan na yung Sofie mo!"
"Ha? Si Sofie? Nasaan?"
"Nasa labas! Ayusin mo buhok mo, baka makita ka nung busabos!" paghawi pa ni Evie sa buhok nitong bahagyang nagulo.
"Ah, sige papasukin mo na lang."
Nangingiti na lamang si Evie rito at napapailing habang nagmamadali naman si Benjamin na ayusin ang buhok nito at ang suot na polo.
Nagtungo si Evie sa labas ng opisina at sinalubong naman ng ngiti rin ang dalagang nagiintay roon.
"Come on in." pinaghawak niya pa ang pinto upang makapasok si Sofie sa opisina.
"Hi! Am I disturbing you?"
"Ah, no! No! Come in!"
Sumenyas naman si Evie na lalabas na siya at nakita ito ni Benjamin.
Nang matapos na rin si Evie sa huling batch ng bidding files na papapirmahan sa boss niya, kaagad niya itong dadalahin doon at nakalimutan na niyang kumatok muli.
Dire-diretso siyang pumasok ng opisina at nakalimutan yatang naroon pala ang bisita nito.
"Last file na -- oh my!" kaagad siyang napatalikod dahil nakayuko siya ng pumasok at nang pagtingala niya ay bumungad sa kanya na nakakandong si Sofie sa lap ni Benjamin at kahalikan ito.
"Oh!!!" tila nabigla rin si Sofie sa pagpasok ni Evie. "Don't you know how to knock?!" singhal nito na may pagtataray kaya takang napaharap si Evie sa kanila. Nakita niyang inaalalayan ni Benjamin makatayo naman ito mula sa pagkakaupo sa kandungan.
"Don't you know this is an office not a hotel room?" sarkastiko namang sagot niya rito.
"Ugh?!" hindi naman makapaniwala si Sofie sa pagsagot ni Evie sa kanya. Inaayos niya pa at hinihila pababa ang dress skirt.
"Enough na! I'm sorry, my bad." tila nakaramdam naman ng hiya si Benjamin.
Hindi na bago kay Evie ang eksenang ganito ng boss niya sa mga nagpupuntang babae nito roon. Natatawa na lamang siya kapag nahuhuli niya ang mga ito.
Napairap naman si Evie kay Benjamin sabay pinandilatan ng mata ito, alam na nito ang ibig niyang sabihin.
Lumapit si Evie sa mesa at medyo padabog na inilapag ang makapal na folder ng bidding files.
"Pakitapos kaagad pirmahan yan, Sir! Iaayos ko pa yan sa isang folder para hindi mo mawala, Sir!" saad ni Evie na pinagdidiinan ang salitang Sir. Kahit naman close silang nito ay hinding-hindi nawala ang paggalang niya rito lalo kung sa harap ng ibang tao at mga katrabaho nila.
Maasim na ang timpla ni Sofie dahil napahiya ito kay Evie. Nakapaikot ang kamay nito sa harapan at iniirap-irapan si Evie ngunit hindi siya makatingin ng tuwid rito.
"Thanks, Evz."
Kunwari'y bumalik na si Benjamin sa pagpirma ng mga papel.
Napalingon naman si Evie kay Sofie na nakikipagtalasan ng tingin na sa kanya. Sa isip-isip niya, mukhang hindi maganda ang tabas ng dila nito ah?
Napa-smirk na lamang si Evie rito at naiiling bago tinalikuran at iniwan ang mga ito sa opisina ng boss niya.
"Who is she?!" tila pagtataray pa rin ni Sofie habang nakatayo sa gilid ni Benjamin.
"Siya? She's my executive secretary -- Evie."
"Why she seems jealous?"
Napalingon naman si Benjamin sa dalaga.
"Jealous? Hahaha! No! Evie is such a close friend of mine. She's working here for more than two years."
"Oh well, she insulted me?!" pagmamaarte naman nito.
Nagpipigil naman ng matawa si Benjamin dahil pasalamat pa nga siya at yun lamang ang sinabi ni Evie sa kanya. Sanay na siya sa pagiging taklesa at taray din ni Evie dahil lagi rin siyang tinatarayan at nasesermunan nito.
"She was just shocked. You shouldn't yelled at her." mahinahon lang ding saad ni Benjamin habang nakatutok muli sa pagpirma ng mga papeles na nasa mesa.
"Ugh?!" Sofie's face is full of disbelieve. Halatang mas kinakampihan ni Benjamin si Evie.
Nang matapos na sila ay sabay-sabay na silang sumakay ng elevator pababa ng building.
Nakakapit naman si Sofie sa bisig ni Benjamin sa kanan nito, at nakatayo naman si Evie sa kaliwang banda ni Benjamin habang nakapulupot ang mga braso sa harapan niya.
Nang dumating sa ground floor, nauna si Evie sa paglabas ng elevator, mabilis naman ding naglakad si Benjamin kahit pa makaladkad niya si Sofie para mahabol si Evie.
"Ahm, Evie. We're gonna have a dinner. Would you like to join us?" pormal namang tanong ni Benjamin na hindi man lang tinanong ang kasamang babae kung pumapayag ba itong isama siya kaya napanlakihan ito ng mata ni Sofie sa pagkabigla.
Natigilan saglit si Evie bago napangiti na lang din. Napansin din niya ang reaksyon ni Sofie.
"Ah, no thanks Sir. I'll need to go home." kalmado naman na nitong tugon.
Napatingin naman si Benjamin sa kanya na tila nagsusumamo na iligtas siya sa sitwasyon na ito.
"Enjoy your dinner. I'll see you tomorrow." pagngiti pa niya rito na tila nangaasar dahil si Sofie ay nakasimangot pa rin sa kanya.
Ngayon alam na niya kung bakit ayaw itong ligawan pa ni Benjamin. Mukhang disente man ito bilang isang medical representative, ngunit may ugaling hindi kaaya-aya. Nababasa niyang hindi magtatagal ang relasyon nito sa boss niya.