Chapter 3

1928 Words
HABANG NASA LOOB ng kanyang sasakyan at binabaybay ang kahabaan ng Taft, naisipan niyang magtungo muna ng mall upang makapag-grocery. Matapos niyang makapag-park ay sa may S. Maison Mall siya pumasok dahil alam niyang mas kaunti ang mga taong nagpupunta roon kumpara sa MOA mismo. Pumukaw ng pansin niya ang Tiffany Co. store na naroon sa first floor at hindi niya napigilang hindi pumasok. "Good evening Ma’am. Would you like to check our latest display jewelries?" magiliw namang bati sa kanya. "Ahm.. No thanks, I just --" tila pagtanggi naman niya rito dahil hindi niya akalaing mapapansin pa siya nito. "It's okay Ma’am, malay niyo maisipan niyong pang regalo, o di kaya sa inyo mismo?" pagngiti pa rin sa kanya ng sales lady. Hinaya siya nito sa pinakalikod na cabinet at racks ng mga set jewelleries. Namangha naman siya rito at inisa-isa ang mga naka-display roon. Makalipas ng ilang minuto, lumabas na rin si Evie ng store. "Thank you, Ma’am! Come again!" "Thank you!" Unexpectedly, napabili si Evie ng isang 24k white gold necklace. Ang totoo, hindi siya mahilig sa alahas, ngunit napukaw ng kwintas nito ang kagustuhan niyang disenyo. Manipis ang lace nito na may pendant na nakahigang letrang 'S' na napapalibutan ng 1k diamonds. Napahawak pa siya sa kwintas na nasa dibdib niya na tila may naaalala. Mapait siyang napangiti at bumakas sa mga mata niya ang lungkot na nadama ngunit kailangan niyang ipagsawalang bahala na lamang ito dahil matagal na ring panahon ang lumipas. Napatuloy siya sa pakay niya na tumagos mula S. Maison mall patawid ng MOA. Ngunit madadaanan nila ang connecting way na ito na bahagi rin ng isang five-star hotel na Conrad. Palabas na siya ng connecting way nang tila may napansin siyang dumaan sa harapan niya patungong elevator ng naturang hotel. Napahinto siya sa paglalakad ng bigla siyang nakaramdam ng matinding kabog ng dibdib niya. Ni hindi siya makagalaw. Nagtaasan ang mga balahibo niya at nagsimulang habulin niya ang hininga niya. Ni hindi rin siya makakurap. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang bumalik sa pinanggalingan o habulin ito. Ngunit sa wakas ay nanaig ang curiosity niya kung kaya't nanakbo siya patungo kung saan niya nakita nagtungo ang pamilyar na katauhan. Nahinto siya sa may elevator na saktong sumara na ito. Sinubukan niya pang pindutin ito ngunit huli na dahil paakyat na ito sa palapag ng hotel. "Baliw ka ba, Evie? Bakit mo hahabulin yun?" bagsak balikat niyang nasaad na lamang sa sarili niya at naglakad na muli pabalik ng connecting way. Narinig niyang bumukas ang isa pang elevator na nadaanan niya ngunit ni hindi niya ito nilingon na. SA kabilang banda, patungo si Silver kasama ang ilang mga clients at staff niya para sa isang dinner out meeting sa isang five star hotel, nangunguna na ang mga ito sa paglalakad ng tumunog ang phone niya kung kaya't lalo siyang nagpahuli sa paglalakad patungong elevator. "Hello? Silver Alessandro speaking." pormal naman din niyang pagsagot. "Mr. Benjamin! Yes, I remember, Mr. Benjamin Yu, solar panels." saad pa niya. (Yes, Mr. Alessandro. My secretary called your staff yesterday but they couldn't relate at you directly so she just asked your direct email but still didn't give it to her.) "Ah yes, my secretary also mentioned that to me too. I'm about to call your secretary by tomorrow actually. About the meeting? I prefer to come to your office." (That would be great. Well, I'll see you tomorrow then?) "By tomorrow? Ahm.." sakto namang pumasok na sila ng mga kasamahan niya sa elevator at sumara naman kaagad yun. "Well, I'll ask my secretary first about my schedule tomorrow. If I'm free, I'll give you a call." (Sure then, Mr. Silver.) "Thank you, bye." Saktong pagbaba niya ng phone niya ay bumukas ulit ang pinto ng elevator dahil sa overloading. "Mauna na lang po kayo Sir sa taas, sa next elevator na ko." saad naman ng sekretarya ni Silver na nasa unahan. Nasa may likod kasi siya nakapwesto. Tinunguan niya ito at tila hindi na naibalik ang wisyo niya sa nakita. Hindi maaari niyang makalimutan ang pamilyar na mukha na nakita niyang naglalakad sa likuran ng sekretarya. Nakapayuko man ito ngunit alam niyang hindi siya namamalikmata. Dumaloy ang kaba sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang sikmura dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Ni hindi siya nakakurap at hinabol lamang ng paningin niya ang babaeng nakita niyang dumaan sa harapan. Nais niya sanang lumabas ng elevator ngunit saktong nagsara na ito at napahampas na lamang siya sa saradong pinto nito. "Ah, may problema ba Mr. Silver?" takang tanong naman ng client niyang kasama sa loob. "Ah, open this up! I need to get out!" tila natataranta siya at hinahanap kung saan maaaring button ang pindutin upang bumukas ang pinto ng elevator. Tila nagkatensyon sa loob ng elevator dahil natataranta si Silver na makalabas ng elevator ngunit papaakyat na ito. Nang makarating sila sa sumunod na palapag sa taas ay nagmamadali siyang lumabas ng elevator na halos sagasaan niya ang mga nasa unahan niya. "I'm sorry, I'm claustrophobic." yun lamang ang paliwanag niya at kaagad na lumabas ng elevator. Hinanap niya ang fire exit area at malakas na naitulak ang pintuan nito at bumaba siya sa hagdan. Hindi nawawala ang kaba sa dibdib ni Silver at hindi niya malaman kung bakit biglang siyang naging sabik sa nakita niya. Tatlong taon man na ang lumipas ngunit hinding-hindi niya maaaring malimutan ang imahe ng babaeng nasilayan niya kanina. "Oh, Sir? Bakit po kayo nandito?" takang tanong ng sekretarya niya ng makita siyang humahangos papalapit sa kanya habang nagaabang pa rin ng elevator paakyat. "Matt, na -- nakita mo ba?" nagmamadaling tugon kaagad nito. "Sino po Sir?" "Yung babae! Yung dumaang babae sa likod mo kanina." "Sa likod ko?!" napalingon naman ito sa paligid at sila lamang ng boss niya sa elevator area na iyon. "Wala naman po akong --" Nanakbo si Silver palabas ng connecting way. Dahil nasa pagitan ng papuntang S. Maison at MOA, hindi niya malaman kung sa kaliwa o kanan ba siya maghahanap. "s**t!" malutong niyang sigaw ng napahinto na lang at napamewang dahil sa mga tinatanaw niyang taong naroon at naglalakad, hindi na niya makita ang hinahanap. "Sir? Sino po ba yung hinahanap niyo? May utang po ba sayo --" "Nevermind!" inis naman niyang sagot na lamang at tumalikod na sa sekretarya niya. Bumalik na sila sa elevator at nagaabang muli ng elevator paakyat sa hotel. NANG matapos ang meeting niya ay imbes na magpauwi na sa driver niya ay nagpadiretso na muna siya sa palaging tambayang bar sa Eastwood. Madalas na siyang doon umiinom bago pa man niya nakilala ang nagiisang babaeng minahal niya ng higit sa sino man. Ngunit sa loob ng tatlong taon na pagkakawalay niya rito ay hindi man lang ito naalis sa isip niya. Aminado siyang naging kasalanan niya rin ang mga nangyari sa kanila kung bakit nawala ito sa kanya. Hindi niya rin akalaing mawawala pala talaga ito ng tuluyan sa kanya. Ang akala niya kinakailangan lang nito ng oras upang makapagpahinga sa sakit na naidulot nila sa isa't isa ngunit sa lipas ng panahon ay hindi na ito muli pang nagparamdam sa kanya. Doon niya hindi napigilang hindi hanapin ang minamahal ngunit sa dami ng taong napagtanungan niya kahit ang pamilya nito ay hindi man lang siya nabigyan ng impormasyon kung nasaan na ito ngayon. Hindi sa ganun natigil ang paghahanap niya ngunit dahil na rin sa takbo ng negosyo niyang kinakailangan mapagtuunan ng pansin, nalilibang niya ang sarili sa nararamdamang pangungulila. Malaki ang pagsisisi niya kung bakit niya ito pinakawalan pa noon. Nainom ni Silver ang isang bote ng green label na mag-isa bago siya umalis ng bar. Nang makauwi siya sa condo niya sa Pasig, nagbukas naman siya ng bote ng beer at sinimulang inumin muli ito habang nasa balkonahe ng unit. Natatanaw niya ang mga naglalakihang gusali sa paligid, ang ilaw mula rito at sa mga sasakyan sa kalsada at ang maliwag na kalangitan dahil sa mga bituin. I'm sorry... Tila nagsusumamo ang mga mata niya na hindi na niya mapigilang mangilid ang luha roon. Dahil sa nangyari kanina, tila nabuhayan siya sa ideya ng baka sakaling makita na niya itong muli ng personal. Ngunit, hindi kalaunan ay binawi ang pagkasabik at saya na naramdaman niya kanina ng masilayan niya ito. Bakit hindi pa rin pupwede pagkasahanggang ngayon? Bakit hindi niyo kami hayaang magkita na at magkasama? Mga tanong niya sa Diyos magpakamula noon. Isang taon nagtagal ang relasyon nila, isang taon na tunay siyang lumigaya sa piling ng mahal niya. Alam niyang totoo ang nararamdaman nila sa isa't isa. Ngunit kailangan ng wakasan.    INAAYOS ni Evie ang conference room dahil nag-confirm na sa kanila kahapon ang sekretarya ng may-ari ng S.A Constructions Company. Ngayong araw naka-schedule ang visiting meeting nito kung kaya't matapos ang mga ginagawa niyang quotations ay sinimulan na niyang ayusin ito para sa presentation nila. Nasa kanya na rin ang mga gagamiting PowerPoint presentation ng mga engineers nila para sa presentation ng mga gagawing buildings nito sa Palawan. Na-send na rin sa kanya ang kinakailangan ng S.A Constructions kung kaya't na-relate na rin niya ito sa engineers at sa boss niyang si Benjamin. "Miss Evie? How about our snacks po? What would you like?" tanong ni Fe na isang product expert nila. "Ahm, tuna sandwiches at donuts na lang. And of course, coffee. Don't forget the bottled waters ah. Baka oozy yung mga yun at hindi umiinom ng tubig from dispenser." sagot lang ni Evie rito habang inaayos ang projector. "Copy, Miss Evie. Darating din ba si chairman?" "Hindi, nasa Korea pa yun. Kaya kay Ben -- kay director lahat ngayon ang trabaho dito sa bansa. At syempre -- nasa akin din ang kalahati ng mga trabahong yun!" "Yakang-yaka mo naman yun Miss Evie, wala ka nga yatang hindi kinakaya dito sa kompanyang ito? Buti hindi nai-intimidate si director sayo?" "At bakit naman siya mai-intimidate sa akin? Siya ang anak ng owner at founder ng Yu Solar Panels noh? Siya lang naman ang nagiisang tagapag-mana nito." "Akala po talaga namin dati nagkakamabutihan na kayo nun ni director? Medyo bagay naman kayo, eh?" "Hahaha!" Napalapit naman na si Evie sa tabi ng katrabahong si Fe na abala sa laptop nito. Naupos si Evie sa tabi nito at sinilip ang ginagawa sa laptop. "I admit, Benjamin became really close to me as a friend. As a brother. But I don't think that it will take into something more than that." Tumungo-tungo naman ito sa kanya na nagpipigil ng ngiti. "At saka may dini-date yun palagi. Ni hindi nababakante!" "Ay oo nga eh! Sayang naman! Alam mo, crush na crush ko pa naman si director kasi kamukha siya ni Yoo Seung Ho!" kinikilig-kilig namang komento pa nito. "Yoo Shong -- ano?" "Yoo Seung Ho! Oppa superstar yun sa South Korea!" Napairap naman si Evie rito at natatawa na lang. "Sorry, wala akong hilig sa mga ganyan. Wala akong time!" pagtayo na niya at nagpatay ng ilang ilaw. "Nako ikaw ah?! Sobrang subsob mo dito sa trabaho, paano ka man lang makakapag-lovelife?! Trenta ka na!" "Hoy! 28 palang! Sobra ka!" "Ay 28 palang ba? Hahaha! Ah basta! Malapit ka ng magtrenta! Magasawa ka na!" bulyaw pa nito ngunit mapait siyang napangiti lamang. Tila may kirot sa dibdib niya kapag naririnig ang salitang pagaasawa. Naalala na naman niyang muli ang nangyari sa kanya noong nakita niya ito sa mall na pinuntahan. Napahawak naman siya sa kwintas niya at hinimas-himas ito. Bakit ganito? Bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako? Matagal ng panahon yun!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD