*SILENT NIGHT.. Holy night... Nagsimulang kumanta ang mga nasa sampung taong nakatayo sa harap ng pintuan ni Evie. Nakatayo lamang din sila ni Silver roon at nanonood. *All is calm.. All is bright.. Round yon virgin, mother and child.. Nakita naman ni Evie ang ginang na kapitbahay niya na isa sa mga carollers kaya nginitian niya ito. *Holy infant, so tender and mild.. Sleep in heavenly peace, ooh.. Sleep, sleep in heaven, heavenly peace.. Magkatabi sa pintuan sina Evie at Silver na nanonood at nakikinig sa mga carollers. Nang matapos ang pagkanta ay inabutan sila ng sobre at tila nagagawan sina Evie at Silver doon. "Ako na." saad pa ni Evie na hawak ang sobre. "Ako na." ayaw din ito bitiwan ni Silver. "Sa akin binigay, ako nakatira dito." "Ako na nga lang sabi eh." Para silan

