MAAGA PA RING pumasok si Evie sa opisina kahit pa sobrang namumugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak at kulang sa tulog. Naging tahimik lamang siya at casual hanggang sa dumating rin si Benjamin na opisina. Casual lang din bumati si Benjamin sa kanya kaya buong akala ni Evie malamang ay nagtatampo na ito, hindi lang dahil iniwan niya ang mga ito kahapon sa Palawan, kundi pati hindi niya pagsabi rito ng totoong nangyari sa buhay niya. Hindi man sanay si Evie sa medyo cold treatment ni Benjamin, but she have to deal with it. Hindi siya kinakausap nito kung hindi tungkol sa trabaho at sa trabaho lamang, parehas silang ni hindi nag-lunch break. She felt off and relieved at the same time, mas nakapag-focus siya sa iba pang trabaho niya na parang wala lang ang nangyari sa kanya kahapon. Na

