MAS maagang nagising si Evie sa the usual na gising niya. Mahimbing pa rin ang bata kaya kaagad siyang nagpaspas ng ligo at pagaayos. Inayos niya na rin muna ang mga gamit ng bata na dadalahin niya bago itong ginising para paliguan. Naiyak sandali ang bata pero sinalampakan niya ito ng feeding bottle kaya natahimik at bumalik ulit sa pagkakahimbing bago pa man niya isakay ng kotse. "Good mor -- ning Miss Evie." halatang nagulat ang guard sa pagbati sa kanya ng papasok siya ng opisina. "Good morning po kuya Jorge." "Ahm, Miss Evie? Bakit po may --" "Long story, kuya! Aware naman si director rito." "Ah, okay po Ma’am." napatingin pa ito sa natutulog na bata sa stroller. "Ang cute cute naman po niya." Kung dati ay hand bag o shoulder bag niya ang dala niya, ngayon baby bag na. Habang m

