NAPATAHIMIK NAMAN sina Evie at Fe pero halata kay Fe ang panggagalaiti. Gusto sana nitong sagutin ang katrabaho nila pero nagmi-make face si Evie na huwag na nitong patulan kaya kumalma na si Fe. Pagalis uli ng babae ay palihim na inambahan ni Fe ito. "Kapal! Palibhasa pangit!" sinadya nitong lakasan ito. "Hayaan mo na. Palibhasa hindi siya makabingwit." natatawang pagkindat pa ni Evie. "Truth! Inggetera much!" MATAPOS ang office hours kaagad na nagtungo sa parking si Evie, inalis niya ang alarm ng kotseng regalo sa kanya ni Silver. Kahit pa ilang araw na niya itong ginagamit ay hindi pa rin siya makapaniwalang binigay ito sa kanya ng binata. Minsan napapahinto muna siya sa harap ng kotse at minamasdan ito bago sumakay at mas maingat ng minamaneho. Dumiretso muna sa mall si Evie par

