Hindi na napigilan ni Evie na humalam ang luha sa mga mata niya dahil na rin sa galit na nadarama. Hindi naman makapaniwala ang lahat ng naroon ngunit walang gustong magsalita o gumalaw man lang. Napapakuyom ng kamao si Silver at bahagyang lumalapit kay Evie. "r***d you? Tss! Yan pa rin ba ang gusto mong palabasin sa lahat? You gave yourself to me kapalit ng pagbibigay ko sayo ng pera para makabayad ka sa utang mo!" Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Evie dahil hindi na niya malaman kung papaano pa dedepensahan ang sarili ngunit mabilis niya pinahiran ang mga ito at kahit pa nananakit na ang lalamunan niya, pilit siyang nagsalita. "You forced me dahil alam mong nangangailangan ako. Hindi ko magawang magsumbong dahil alam kong mababaligtad lang ako, sino nga ba naman ako para paniwalaan? K

