"GOOD MORNING, Miss Evie!" "Good morning!" Magiliw naman din niyang bati sa mga nakakasalubong sa hallway sa opisina. Habang dala muli ang kape at almusal nila ng boss niya ay sumakay naman na kaagad siya ng elevator patungo ng 10th floor. Nang makarating siya roon ay kaagad niyang binuksan ang mga ilaw at lapag ng dala sa mesa niya. Hinawi ang mga ilang kurtina at binuksan na rin ang aircon. Kinuha niya ang kape at paper bag ng almusal para kay Benjamin at tuluyang pumasok sa opisina nito. "Oh, my f*****g God?!" "And good morning to you too." Bigla siyang napahinto at sigaw nang makita ang lalaking nakaupo sa couch ng opisina ng boss. Naka-de kwarto pa ito at tila relax na relax lang. "Wha -- what the hell are you doing here?!" "Is that how you really greet your clients?" Naghah

