HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping. "Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo. Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga. "Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?" Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata. "Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver. "Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito. "Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maab

