HABANG nagaayos si Evie ng kanyang mga gamit at damit sa kwarto niya, napansin niyang biglang tumayo si Steve mula sa pagkakahiga sa sahig. Nililingon-lingon ito ni Evie dahil wala naman siyang naririnig na kakaiba. Arf! Tila nagtatahol na naging sabik si Steve, paikot-ikot ito na hindi mapakali. "Steve bakit?" Tumapat ito sa may pintuan niya na tila gustong-gustong lumabas dahil kumakalabit sa pinto, kaya binuksan iyon ni Evie. Nagtaka naman siya dahil kapapalabas niya lang rito kanina para makadumi at ihi pero hinayaan na lang din niya. Halos manakbo ito at nagtatahol, hindi naman mukhang galit dahil tila nasasabik at panay kawag ng buntot. "Ano ba yun Steve? Wala namang nasa labas ah?" Binuksan ni Evie ang pinto hanggang sa gate dahil gusto talagang lumabas ni Steve kaya hinayaa

