SIGHT-SEEING PA rin si Evie sa kabuuan ng building habang nakatayo pa sa tabi ng kotse ni Silver. "Tara sa loob." saad pa ni Silver at sabay naman na silang naglakad papasok roon. Pinagbuksan naman sila ng guard at napatanaw kaagad si Evie sa kabuuan ng receiving at reception area. Parehong silang lumapit sa may reception. "Good afternoon madam, Sir." "We have an appointment, Silver Alessandro." sagot naman ni Silver sa receptionist. "For a moment Sir." tila may kinalikot ito sa monitor ng computer niya bago nakangiting nilingon muli sila. "On third floor Sir, show room three." "Thanks." yun lamang at nagtungo na silang elevator. Pagkarating sa ikatlong palapag ng gusali ay kaagad silang naglakad at hinanap ang show room 3 na tinutukoy sa kanila. Kaagad rin silang pumasok sa glass d

