NANG MAGAWI ANG tingin niya sa box na inaakala niyang bigay ng katrabaho, dinampot niya iyon at muling kinalog. Binasa niyang muli ang nasa card nun na tanging pangalan lang niya ang nakasulat. Mabilis niyang tinanggalan ng balot at napasinghap siya ng makita ang laman nun. Isang itim na box na may naka-engraved name na Rolex. Kaagad niya iyon binuksan at halos mapanganga siya sa nakita. Totoong Rolex watch nga. Napayakap siya rito at hindi makapaniwala. Sino naman kaya ang magreregalo sa kanya ng ganito kamahal na relo? Could that be Benjamin? Minasdan muli ni Evie ang rolex watch niyang silver lace and gold plate inside na may jems sa bawat numero nun. Kaagad niya iyon sinukat at sakto sa pulso niya. It's like really made for her! Inusisa pa niya ang box at baka may naiwang note pa d

