DAHIL UMABOT NA siya sa dulo ng resort area, nagpasya na siyang maglakad pabalik dahil nakaramdam na rin siya ng gutom. Bumalik siya sa restaurant sa loob ng resort, kasama pa rin si Steve, at nagpasyang subukan ang mga pagkaing naroon. Kapansin-pansin pang world class ang menu ngunit may iilan pa ring authentic cuisines. At ang nakakatuwa pa ay may espeyal na menu para sa alagang hayop na kasama ng guest sa restaurant. Habang nagiintay ng in-order niya, namasdan niya muli ang tinatayong coffee shop na halatang kay Benjamin, hindi niya napigilang ngumiti at mailing dahil rito. Matapos niyang kumain, bumalik siya ng kwarto niya saglit upang kumuha ng ilang gamit at bumalik na rin sa beach front. Naglatag siya ng sapin niya habang nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno ng buko. Nasa tabi ni

