Chapter 68

2171 Words

“Tulad rin naman ng inaasahan ko, alam kong gagawin mo ‘yan dala ng galit mo sa akin. At naiintindihan ko, Aya. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo sa akin dahil maski ako ay alam ko sa sarili kong hindi ako naging mabuting ina sa iyo.” Muling rumagasa ang luha sa mga mata ni Lola, na tipong naitatakip na niya ang mga kamay sa kanyang mukha para subukang itago ang kanyang emosyon. “Hindi ko dapat isinisi sa iyo ang kapabayaan ko noong kabataan ko kaya ka nabuo. Hindi ko dapat ipinaramdam sa iyo na buong buhay mo ay hindi blessing ang turing ko sa iyo. Nagkamali ako sa part na ‘yon. At maniwala ka sa akin, Aya… na mula noong nawala kayo ng papa mo sa buhay ko, kahit na sabihin na mayroon na akong bagong pamilya, hindi ko pa rin maiwasan na malungkot at mangulila sa inyong dala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD