Unang araw ng Foundation Week ay nasa kwarto lang ako at planong magkulong na lang dito. Ilang beses akong kinakatok ni Mama at pilit na pinagagayak pero ang paulit-ulit ko lang na isinasagot sa kanya ay inaantok pa kako ako. Puro booths, ball games at mga speeches ng mga bisitang konsehal lang naman ang aabutan ko sa dalawang araw na FWeek, e ano namang mapapala ko roon? Sa isip-isip ko nga, sa third day na lang ako magpapakita sa school. Balak ko kasi na ‘yong first two days ay ilaan na lang sa pagpa-practice sa kanta na i-pe-perform ko. Plantsado na, e. Okay na okay na ‘yong plano ko sana… kaso ito namang si Mama ay ayaw akong tantanan na pagayakin at pasamahin sa kanya na magpunta ng school. “Hindi ka ba talaga lalabas ng kwarto mo, Mari? Hihintayin mo pa ba na magalit ako?” At hayan

