"Hindi naman siguro ako naging pabigat sa iyo this time, Aya?" Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya pabalik sa event venue, binasag niya ang katahimikan. "O sakit ng ulo pa rin ako sa iyo?" Ayoko namang itanggi sa kanya na naging maayos ang trabaho niya ngayon. Kaso ang iniisip ko, baka once na mapuri ko ang babaeng ito ay bigla na lang lumobo ang ulo at bumalik na naman siya sa dati niyang pag-uugali. Tiyaka isa pa, hindi sapat ang ginawa niya kanina para makumbinsi niya ako kaagad na nagbago na siya. Nakukulangan pa rin ako. "Just keep up the good work," ang naiwika ko na lamang habang nakasandal ako sa upuan at nakatingin lamang sa dinaraanan. "You mean good work--" "Not too good. Nakalimutan kong sabihin." Nakakaramdam kasi ako na magiging mataas na naman ang magiging tingin niya sa

