"Akala mo ba ay hindi kita isusumbong kay Mommy--" "Sige lang. Magsumbong ka sa mommy mo magdamag, okay lang." Nginisian ko siya at upang makapantay ko ang pandak niyang height, patingkayad akong naupo. "Basta ba handa ka sa consequence ng action na gagawin mo, e. Sakaling magsumbong ka pa kasi sa nanay, mas lalo lang lalaki ang gulo. Gusto mo bang makarating pa sa daddy mo ang balitang dahil sa inggit mo sa anak ko, s-in-etup mo siya para mapagbintangan na magnanakaw? Tapos ngayon ay binubully mo pa, 'di ba?" "I didn't do that," nangangatal ang bibig niyang sagot. At gamit 'yon bilang basehan, alam kong guilty siya sa kasalanang ibinibintang ko sa kanya. Sobrang dali lang naman kasing basahin ng mga bata 'pag nagsisinungaling sila at hindi. "Hindi na mabibili ng pera n'yo ang katotoh

