"Ang ibig mo bang sabihin ay…" Nananatiling kunot ang kilay ko bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "Kaya lang p-in-ursue ni Sir Dwine ang pagkanta ay dahil naging malaking impluwensya sa kanya ang girlfriend niya noon?" Tumango si Veron bilang sagot kaya't nagpatuloy ako, "At 'yong babae rin na 'yon ang naging dahilan ng pagtalikod niya sa pagkanta?" Kung sabagay… hindi ko rin naman masisisi 'yong tao kung gano'n man ang maramdaman niya. Kung nasa katayuan din ako ni Dwine, para maka move on ay syempre dapat kong kalimutan 'yong mga bagay na nagpapaalala sa akin sa taong nanakit sa akin. Sa kaso niya, hinubog ng ex niya ang talent niya sa pagkanta pero dahil naghiwalay na silang dalawa, 'yon din pala ang magiging ending point ng lahat… ng relasyon nila at ng talent ni Dwine na pilit niya

