Chapter 47

2103 Words

"Papayag ka talaga?" manghang tanong ko. Hanggang ngayon ay halos hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang biglang pagsang-ayon ni Dwine na turuan sa pagkanta ang anak ko. Baka lang kasi nabigla lang siya kaya ako naninigurado. "Malamang ay nabanggit na sa iyo ni Veron ang tungkol sa nakaraan ko with music. Naging mahirap sa akin noon na bitiwan ito't kalimutan kasi no'ng time na 'yon ay natututunan ko na itong mahalin at pahalagahan. Tapos biglang..." Mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, sapat na upang maging visible sa mukha niya ang labis na kalungkutan. "Nangyari 'yong isang bagay na sobrang hindi ko inaasahan na mangyari." "Pero matagal naman na 'yon, Aya." Muling lumiwanag ang mukha niya at ang mga mata niya ngayon ay tila mga bituin na nagniningning na nakatingin sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD