"My schedule for today was quite busy..." panimula nito the moment I entered his huge office. "Pero kung tungkol naman sa anak ko ang pag-uusapan, I'm always free." "You know... nahihirapan akong maghanap ng pwedeng maging tutor ng anak ko sa Math. Most of the applicants ay mga English major, mayroon din naman akong na-interview na educ graduate din at major in Math, kaso nga lang ay bagsak ang communication at teaching skills no'ng in-interview ko na." He rubbed his chin while his eyes still gazing at his monitor. "And that's when I realize na siguro mas maiging mag-hire na lang ako ng magiging tutor ni Gwy na kakilala ko or naging employee ko na before. I asked my personal assistant na i-message niya lahat ng mga taong connected na ako in the past four years na mga college graduate at

