Currently happening the final round of the singing contest. Nasa backstage na ako’t tapos nang maayusan, gano’n din naman ang mga kasama kong nakapasok sa final round. Kumpara sa naging kaba ko nga no’ng first and second round, dito sa panghuli ay mas nag-triple pa ‘yong kaba na nararamdaman ko. Pangalawa kasi ako sa magpe-perform, and this time… we are asked to sing the song na pangmalakasan na naming. Kung baga, pangbirit kasi final round naman na. And actually… this is the song na ilang beses ko nang inensayo na kantahin ngunit hindi ko talaga makuha ‘yong timpla ng birit sa bandang gitna. Although okay naman daw sa pandinig ni Tito Dwine ‘yong way ng pagkakakanta ko sa huling song ko, para sa akin ay hindi para sapat. Ramdam kong may kulang pa. Ramdam ko na ‘yong birit ko sa kanta, b

