“Ano bang pinagsasasabi mo r’yan?” may panggigigil na tanong ni Mama at hinatak ako sa may sulok, nang makalayo man lang kaunti at masigurong wala sa mga taong nasa dressing room ang makarinig sa pinag-uusapan namin ng nanay ko. “Nang dahil lang ba sa damit na sinira ng kung sinong maldita rito sa loob ng dressing room ay isusuko mo na lang lahat ng pinag-practice-an mo… lahat ng pinag-practice-an n’yo ng Tito Dwine mo?” Hinawakan ni Mama ang magkabila kong balikat nang may diin at mataman ang paraan ng kanyang pagtingin sa akin. “Akala ko ba ay mayroon kang gusting patunayan? Natatandaan mo no’ng araw na sinabi mo sa akin ang tungkol sa pagsali mo sa contest na ‘to? Na kahit ayaw kitang payagan, ipinilit mo pa rin dahil gusto mong patunayan ang sarili mo na kaya mong makipagsabayan. ‘Yon

