“Okay ka lang ba, Mari? May problema ba? Malapit ka nang sumalang, ah?” tanong sa akin ni Tito Dwine. Siya kasi ang guardian ko na kasama ko ngayon dito sa backstage samantalang sina Mama at Lolo naman ay nasa labas, sa bandang harapan sila nakaupo. “Bakit ka hindi mapakali riyan?” “Ang kati po ng paa ko,” naiirita kong sambit at tiyaka nilingon ang suot kong sandals. “May-“ “Mga mapupulang langgam ‘yang nasa suot mong sandals, ah? Paano nagkaroon ng mga langgam ‘yan?” Agad na naupo sa harap ko si Tito Dwine para tanggalin sa paa ko ‘yong suot kong sandals na ngayon ko lang din namalayan na mapupulang mga langgam pala ang sanhi ng pagkati nito. “Ano ngayong isusuot mo n’yan? May extra ka ba na dala?” Umiling ako. “Wala po.” Hindi ko mapigilang ikuskok ang paa ko sa sarili nito para k

