“Totoo ba ‘yang nabalitaan mo? Sasali si Gwy sa contest bukas?” gulat kong tanong kay Kevier. Aksidente kasing nagkita kami sa isang Korean convenience store. Lumabas ako saglit ng bahay para bumili ng mga Korean noodles, drinks and snacks kasi paubos na ‘yong stock ko nito sa bahay. E, sa may counter ay nagkita kami ni Kevier dahil mukhang may sinadya rin siyang bilhin sa lugar. At dahil sa pagkikita namin, ibinalita niya na rin sa akin ang masasabi kong sobrang unexpected na balita ng taon. I’m not judging Gwy. Pero kasi… ang alam ko… she can’t sing. Ni isang beses ay hindi ko pa siya nakikitang kumanta kaya takang-taka talaga ako na sasali ang babaeng ‘yon sa singing contest. Ang lakas naman yata ng loob niya. “Malamang ay sumali lang ‘yon para kalabanin ako,” ang duda ko, “dahil hi

