“Hindi n’yo pa nga nakukumpleto ‘yong isang linggo n’yong parusa na community service, nandito na naman kayong dalawa,” ang salubong sa amin ng guidance officer habang hinihilot nito ang kanyang sentido. “Ano na naman ‘tong nakarating na balita na nag-aaway na naman kayong dalawa? Ipatawag ko na ba ang mga magulang n’yo?” “Not my mom. She’s busy.” “Edi tatay mo na lang, Miss Allejo?” “Mas lalong ‘wag ang tatay ko-” “Gano’n naman pala, hija,” pagputol nito sa pagsasalita ni Gwy. “Ayaw mo palang napapupunta sa guidance office ang mga magulang mo, sana iwas-iwasan mo na rin ang pakikipag-away, ‘di ba?” “Bakit ako lang ang pinagagalitan mo?” Pinanlisikan ako bigla ng mga mata ni Gwy. “E, si Mari naman po ang nanguna! Kahit itanong n’yo pa sa mga kaklase ko, si Mari ang unang sumugod sa ak

