“Posted na raw sa bulletin board ‘yong official list ng mga contestant na nakapasa sa elimination round. Tara, tingnan natin!” Kapapasok ko pa lang sa main gate ay ‘yon agad ang bumungad sa akin. Kaya rin pala mula rito kung saan tanaw ang pwesto ng bulletin board ay nagkakagulo roon ang mga estudyante, ‘yon pala ay dahil posted na ang listahan ng mga nakapasa sa elimination round ng pa-singing contest ng Student Council. Dapat nga ay no’ng nakaraang araw pa ‘yon pero ano pa nga ba ang aasahan ko—lagi namang late mag-post ang SC, e. “Hindi mo ba sisilipin ‘yong list?” untag sa akin ni Mama. Muntik ko nang makalimutan na kasabay ko nga pala siyang pumasok ngayon—actually, lagi naman kaming magkasabay. Pft. “Naroon ka man sa listahan o wala, ‘wag kang matakot na tingnan, anak. Maging masa

