"Ano 'yon, sir--" "Uhm, Cal… mauna ka na siguro sa office? Tulungan mo si Veron doon mag-print ng mga invitation cards." "Pero, may itinatanong pa sa akin si Sir--" "Bilis na. Para makatapos na tayo kaagad." Hinaluan ko ng inis ang boses ko para magmadali si Calvin na sumakay na ng elevator habang ang kanyang mga mata ay nag-aalalang nakatingin sa amin ni Dwine. Nang tuluyang maglaho sa paningin ko si Calvin, agad kong hinatak palayo roon si Dwine at tiyaka kami pumasok sa katabing room ng office ni Sir Jonas which is ang walang laman na computer lab. "Muntik nang makahalata si Cal sa atin. Mukha ka kasing nagseselos." "Hindi ba ako dapat magselos?" Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin. At ito 'yong klase ng awra ni Dwine na dapat hindi ko siya binibiro. "You meet… h

