Hindi ako pwedeng magkamali, e. Kagayang-kagaya ng birthmark ng anak kong namayapa ang natagpuan kong marka sa palapulsuhan ni Gwy. Posible bang ang isang birthmark… pwedeng mapunta sa balat ng dalawang magkaibang bata? Kung coincidence man- “Mukhang malalim yata ang iniisip mo, Aya? Okay ka lang?” Bumungad sa pintuan ng bahay ang Papa kong matagal ko ring hindi nakita. Dahil sa pagdating niya ay nawasak ang mga walang-kwentang ideya na umiikot sa utak ko, at mula sa aking kinauupuan ay sinalubong ko siya ng isang mainit na yakap. “Na-miss ko kayo, ah.” “Sobrang na-miss ka rin namin.” Pagkaraan ay hinarap ko siya nang nakangiti. “Mas lalo ‘yong apo mo. Miss na miss na niyang i-spoil mo siya ng ice cream araw-araw.” “Kung bakit ba naman kasi sobrang higpit mo sa anak mo. Parang ice crea

