Chapter 71

1657 Words

“A-Ano-” Hindi pa man din ako tapos sa pagsasalita ay biglang hinatak na kami no’ng mga estudyanteng sa tingin ko ay namamahala ng Jail booth paalis sa lugar. Malamang ay sa DIY na kulungan nila kami dadalhin—at hindi ako natutuwa. “Para makalaya, kinakailangan n’yo pong maubos ang samyang na ibibigay po namin sa inyo,” rinig kong hayag ng isang babae habang naglalakad. “Tig-isang mangkok po kayo at kailangan n’yo pong ubusin ‘yon sa loob ng kalahating oras… nang hindi po umiinom ng tubig.” “Ate, ‘pag ba nagkaroon kami ng almuranas, sagot n’yo ‘yong pagpapagamot sa amin?” sarkastikong tanong ko. Ewan, ha? Pero ang OA naman na para makalaya kami sa pagkakakulong, na eme eme lang naman, kailangan pa talaga namin na kumain ng maanghang para sa kalayaan? Kailangan pa namin na magka almurana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD