Chapter 35

2222 Words

Biglang napuno ng tubig ang magkabilang sulok ng mga mata ko kung kaya't inalis ko ang tingin ko sa labas. Nakayuko akong tinungo ang table ko para tapusin na lang ang mga kailangan ko pang tapusin. Pero… nang sa oras na makaupo na ako sa aking upuan, pagtulala lang sa monitor ang nagawa ko. Ayaw kumilos ng kamay ko para magsimula nang mag-type. Ang puso ko kasi… parang nag-iinarte na nasasaktan. Ha! Bakit naman ako masasaktan? Hindi ko naman gusto si Dwine, bakit ako masasaktan kung malaman ko man na girlfriend niya nga ang babaeng kayakap niya sa labas ng office… at nagawa niya pa talagang akayin 'yon papasok sa office niya. Nakangiti si Dwine na dinaanan ang table, gano'n din 'yong babaeng akay niya ngayon bago sila tuluyang makapasok sa office ni Dwine. "Girlfriend ni Sir?" rinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD