"Thank you nga pala." Sandali kong inihinto ang paghihiwal ng meat sa plato para tingnan si Dwine. "Sa ginawa mong pagkausap kay Mari kanina. Salamat sa pagpapaintindi sa anak ko kung bakit hindi ako nakarating nang sakto sa oras kahapon. Salamat sa ginawa mo… alam mo namang mas nakikinig 'yon sa iyo kaysa akin." "Hindi 'yan totoo, Aya. Mahal at respetado ka ng anak mo kaya 'wag kang magsalita nang ganyan." "Nga pala…" dagdag niya. "Ano ba talaga ang pinagkakaabalahan mo ngayon? Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin kung anong klaseng part-time job 'yong pinasukan mo?" Hindi ko inaasahan na biglang i-o-open pa ni Dwine ang tungkol doon amidst our romantic date. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya na pumasok ako bilang Math tutor ni Gwy. Kung sasabihin ko k

