Nang tuluyan akong makarating sa Perpetual, entrance pa lang ay sobrang sagana na ng mga taong nakakasalubong ko. Sobrang hirap makipagsiksikan sa loob na ultimo para akong isang sardinas na nakikipagsiksikan para lang makapasok ako nang tuluyan sa paaralan. "Paraanin n'yo ako." "Ate, tumabi ka nga--" "Ano ba! Huwag ka ngang manulak, miss!" Inirapan ko lang siya at itinulak dahil sobrang laking harang niya sa daan. Literal na malaki kasi mukha siyang dambuhalang balyena na naka spaghetti straps pa. Ipit na ipit ang kapal ng taba niya, 'di ba siya nahihiya sa gayak niya? Mukha siyang baboy na binibigti. At nang malampasan ko na ang sangkatutak na mga manonood na hanggang sa gate ay nakadungaw dahil sa sobrang siksikan na nga sa loob, panibagong butas ng karayom na naman ang lulusutan k

