Ngayong araw ang nakatakda para sa patimpalak na sinalihan ni Mari sa kanyang school. Ang sabi niya sa akin ay bandang alas tres daw ng hapon ang simula ng program kaya't nangako naman ako sa kanyang hahabol ako. Hindi kasi ako pwedeng hindi pumasok ngayong araw sa trabaho dahil ayaw kong matambakan na naman ako ng gawain sa bahay this weekends. Tiyaka isa pa... may naka plano na akong gagawin sa Sabado at Linggo. Family day, of course. But this time, hindi muna namin kasama ni Mari si Papa dahil hanggang ngayon ay stranded pa nga rin sila sa Cebu. Nami-miss ko na nga rin na kahuntahan si Papa tuwing gabi kaso wala naman akong magagawa... wala naman akong kapangyarihan o kakayahan man na lumipad para masundo ko si Papa sa Cebu. "Mic test." "Microphone." Sumenyas ako kay Cal na okay na

