"Bakit ka nakasunod sa akin?" takang tanong ko kay Kyla. Paalis kasi ako ng office ngayon para magtungong grocery. Dahil nga nakapangako ako kay Veron na ako na ang mamimili ng mga pang laman namin sa pantry ay eto ako't palakad na. Kaso ikinagulat ko namang biglang aso na nakabuntot sa akin si Kyla. "Ayokong may kasama 'pag namimili ako. Wala ka bang trabaho?" "Mayroon--" "Oh, 'yon naman pala. Mayroon ka palang trabaho, e bakit ka parang asong nakabuntot sa akin? Bumalik ka na roon." "Inutusan ako ni Sir Dwine na samahan ka raw magpuntang grocery." At ikinatigil ko ang sinambit niya. "Hindi mo raw kayang mag-isa kaya mas mainam daw na mayroon kang kasama." "Ang dami niyang option na pwedeng isama sa akin, ito pa talagang babae na ito ang nakita niya?" naaasar na bulong ko sa saril

