"Ayoko nga, Sir Dwine. Kayo na lang." Kasabay no'n ang sunod-sunod kong pag-iling dahil ayaw talaga akong tantanan ni Dwine na hatakin para sumama sa kanila ni Mari na mag-ice skating. "Wala naman tayo sa office, Aya. Kahit 'wag mo na akong tawagin na sir, okay?" 'Sus, akala mo lang talaga. Noon pa man ay labag na sa loob ko na tawagin ka na sir, 'no!' "Basta… ayoko. Kayo na lang. Panonoorin ko na lang kayo rito at kukuha ng litrato," saad ko, "tiyaka kanina pa si Mari doon, oh? Puntahan mo na! Baka naiinip na 'yon kahihintay sa iyo." "Sure ka bang ayaw mo talaga--" "Puntahan mo na si Mari." At itinulak ko na siya para magsimula na siyang maglakad patungo sa anak kong mukhang inip na inip na kahihintay kay Dwine. Masaya na ako sa gan'to… na matanaw ang anak ko na masaya sa ginagawa

