Maaga akong gumising dahil may pasok pa ako ngayon. Nagtaka naman ako dahil parang may nakadagan sa aking mabigat na bagay.
Kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata upang malaman kung anong bagay iyon. Bigla na lang akong napangiti dahil si Kori lang pala. Nakadapa ito ngayon sa ibabaw ng katawan ko habang mahimbing na natutulog.
Ginawa pa atang unan ang dibdib ko. Tinignan ko naman si Carter na dito rin natulog sa kwarto ko. Hindi naman nito sinabi sa akin kagabi na dito ito matutulog pero ayaw namang umalis kaya ayun, dito ko na lang talaga pinatulog. Wala namang problema sa akin. Nakaharap rin ito sa akin ngayon at sobrang dikit.
Si Vica naman at Mika ay sa ibang silid ko natulog. Gusto daw sana nilang dito matulog sa kwarto ko pero masikip na daw.
Buong ingat kong kinuha si Kiro sa ibabaw ko para ihiga ito sa kama at dahan-dahan bumangon. Mabuti naman at hindi sila nagising.
Tiningnan ko na sila saglit bago ako tuluyang lumabas para makapagluto. ngonit bigla akong mapatigil nang may narinig akong ingay nanggagaling sa kusina kaya dali-dali akong tumongo sa kusina upang alamin kung sino iyon.
Parang nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Vica lang pala akala ko Kong sino na. baka kasi kalaban ko na ang nakapasok baka nagkataon madamay pa sina vica.
napa-kunot noo naman ako nang napagtanto Kong nagsasaing pala ito Kahit hindi naman nito kailangang gawin.
"Ate, gising ka na pala. Kumain ka na, ate ,may pasok ka pa diba?" Nakangiting saad nito sa akin. Tumango naman ako rito at umupo sa bakanting upoan . Simple lang naman ang niluto nito, hotdog at ham.
"Ang aga mo naman ata, Vica?" tanong ko rito habang nagpe-prito pa rin ito ng itlog.
"Syempre, para maipaghanda kita. Ito na lang kasi ang maiaambag ko." Sagot nito na mas lalo ko pang kinakunot . Kahit pa man hindi ito gumalaw rito sa bahay, ay walang problema sa akin. Ayaw ko talagang nararamdaman nitong may utang na loob ito sa akin dahil unang-una, ako ang nagsabing kupkupin ito ..
"Anong ambag-ambag ka diyan? Kahit may ambag ka man o wala, walang kaso sa akin dahil hindi naman kita kinukupkop para gawing taga-luto ng almusal ko." Mahabang sagot ko rito na kinangiti naman nito ng malawak.
"Salamat talaga, ate." Sensirong sagot nito sa akin. sa tingin ko , dapat naman talagang tulungan si Vica dahil mabait ito at kung hindi rin dahil kay Vica, baka napatay na ako dahil sa pagkaubos ng dugo.
Hindi naman ako nagtagal sa pagkain, dahil agad naman akong pumunta sa kwarto upang kumuha ng damit at tuwalya para maligo dahil baka Kasi malate pa ako.
Pagkatapos kong maligo, agad naman akong nagbihis ng uniform na hindi naman nag tagal, Kaya na isipan kona ngang lumabas sa banyo para pumonta sa may supa upang konin ang bag ko
"Vica, ikaw muna bahala kina Mika." Bilin ko kay Vica at nagpaalam rin dito.
"Sige, ate. Ingat." Sagot ni Vica ng tuluyan na nga akong nakalabas ng bahay.
Naglakad lang din ako papunta sa Unibersidad. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa bag dahil sa biglang pag tunog nito.
Napabuntong-hininga naman ako dahil pinapapunta na naman ako sa hideout na alam kong ano ang dahilan, sigurado na naman akong may ipapabura naman sa akin sa mundo.
Nang makarating na ako sa Unibersidad, agad na akong naglakad patungo sa classroom ko. Ayun, napapatingin na naman sila sa akin na parabang nakakakita ng multo.
Sarap taasan ng middle finger ng mga 'to.
Nang tuluyan na akong nakapasok sa aking silid , agad na akong umupo sa aking upuan na sakto namang wala pa ang aming professor kaya napabuntong hininga nalang ako at sinuot ang aking earphone para makinig ng tugtog. Kasi kung hindi, iba naman ang maririnig ko, yung mga chismis nila na walang katuturan.
Kaya ayun, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pag gising ko, wala nang mga estudyante na kinabigla ko ,kaya napatingin ako bigla sa aking cellphone. Ayun... kaya pala kasi lunch break na.
Paano ko naman kasi maririnig ang bell kung naka-soot ako ng earphone Kahit isa man lang walang gumising sa akin kasi nga wala namang may pakialam sa akin dito pero wala rin naman akong paki sa kanila.
Kaya pakyuu silang lahat.
Naisipan kong hubarin ang suot kong earphone para lumabas ,may mission pa kasi ako mamayang gabi kaya kailangan ko nang umuwi. naisip ko rin kung titigil pa ako sa pagiging assassin paano na kaya sila, Vica? Balak ko rin kasi silang pag-aralin .
nang tuloyan nanga akong makalabas ng building ,bigla akong napahinto dahil may nakita akong Isang lalaking dahilan ng paglakas nang t***k nang puso ko hindi Korin malaman Kong bakit basta bigla nalamang itong kumabog
na parang hinahabol.
Impossible ring kinakabahan ako wala namang kakaba kaba rito..
medyo mahaba ang buhok nito na tumatabing ngayon sa kanyang noo naka suot rin ito ng makapal na salamin pero Kahit may salamin man ito hindi parin matatabunan ang maganda nitong mata nakulay chocolate matangos ang ilong pati rin labi ay subrang pula palagay ko'y nasa kabilang unevirsity building ata ito nag aaral dahil ngayon kulang ito nakita rito
bahagya kopang kinapa ang aking dibdib dahil hanggang ngayon hindi parin tumigil sa pag kabog iwan ko pero ngayon lang ata may naka pukaw ng atinsyon ko sa Isang lalaki . ..
kalaunan bigla nalang kumoyom ang kamao ko nang napagtanto Kong binubully pala ito kaya pala buhaghag ang buhok at gusot narin ang uneforme ,patuloy parin itong pinagtatawaman nang mga walang magawa sa buhay habang nakaluhod sa lupa
Isa-isa nitong pinupulot ang mga gamit nitong nakakalat sa lupa pero putangina, hindi nito mapulot lahat dahil sinisipa naman papalayo ng isang estudyante.
Hindi ko na talaga matiis silang panoorin kaya agad ko itong pinuntahan para awatin ang mga kumag na 'to.
Tinulak ko ang isang lalaking biglang humarang sa akin bago ako lumuhod sa lupa upang tulungan itong pulutin ang kanyang mga gamit. Ngunit hindi ko pa na-iaabot ang gamit nito bigla na itong napatingin sa akin dahilan rin nang pagkatulala ko ,mas gwapo pala ito kapag nasa malapitan pero agad korin pinilig ang aking ulo para mabalik ako sa realidad, Kong ano-ano na kasing pinagsasabi ko.
Teka, bakit ko ba ito sinabihang gwapo? Jessie, tumigil ka. Pokus lang dapat tayo sa goal.
"Jessie, umalis ka diyan," bigla naman akong napatayo dahil sa sinabi ng isang lalaki na napagtanto kong si Nikolai pala. Isa pa itong bully dito sa university, wala ring makapalag dahil anak ito ng isang mayor na may-ari nitong university. Pati guro natatakot rin dito.
Nagtaka rin ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako may pinakialamang binubully. Noon kasi wala akong pakialam kahit nasa harapan ko na ang binubully. Hindi ako nakikialam kasi ayaw kong madamay pero bakit ako biglang nakialam ngayon?
Tinignan ko naman ng masama si Nikolai pero ngumisi lang ito na mas lalong kinakulo ng dugo ko.
"Nikolai ano nanaman to ha !" lakas na Singhal ko rito dahil sa inis pero ang gago maslalo lang ngumisi .
"insan mukang pinag tatangol ata ang nerd nato " Isa pa ito panay tawag na insan Kang Nikolai Kahit dinaman magka ano ano mekus mekusin ko kaya ang muka nito tignan lang natin Kong makatawag pa ito nang insan
maslalo namang kumoyom ang kamao ko nang kiniwilyuhan nito ang lalaking naka salamin kaya lakas luob ko itong tinulak at kinoha ,gayon nalang ang pagka hinto ko dahil sa nararamdaman kong parang kuryinte na dumaloy sa aking katawan kaya Wala sa sarili kong nabitawan ang kamay nito.
"Wala naman sigurong ginawa 'yong tao sa inyo diba?" madiing tanong ko sa kanila bago nilabanan ang mapang-asar na titig ni Nikolai. ngunit tiim bagang naman itong tumitig saakin
"Wag kang makialam rito, Jessie, kung ayaw mong madamay," parang may pagbabanta Ang pagka kasabi nito sa akin. ngunit tinignan ko lang ito, pahiwatig na hindi ako natatakot dahil hindi naman talaga.
Kung hindi lang ako naka-disguise, matagal ko na itong sinuntok para magtanda.
"Sumosobra na kayo, Nikolai! Walang ginagawa ang tao sa inyo pero sinasaktan n'yo!" bulyaw ko rito pero ang mga gong gong nagtawanan lang parang may nakakatawa eh wala naman.
"Wag mo 'kong ginagalit, Jessie," tiim bagang na anas nito sa akin. Parang mauubosan na talaga ng pasensya pero hindi ako sumagot rito at nag-middle finger lang na kinatanga nito.
"Pakyu ka," aniya ko rito bago hinila ang lalaking naka-salamin na parang natulala rin sa ginawa ko. bakit, ngayon lang ba sila nakakakita ng nag-middle finger na babae?
Nang makalabas naman kami sa gate, binitawan ko na 'yong lalaking naka-salamin at tinignan ito ng diretso kaya bigla itong umiwas ng tingin sa akin.
"S-salamat," aniya nito bago nito bago dali daling umalis na kinatigil ko. Luh, 'yon lang, salamat? Dapat may kiss.
"Psst, oy!" tawag ko rito at dali-daling hinabol . Parang nahihiya Kasi ito na natatakot o natatae na Iwan..
"Psst!" ulit kong tawag rito ,nang maabutan ko na nga ito agad ko itong hinawakan para huminto sa pag lalakad .
humarap ito saakin bago inayos ang makapal nitong salamin . na kinatulala ko na naman. hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin hindi naman ako ganito noon kahit napapaligiran na ako ng mga gwapo parang wala lang sa akin. Pero itong lalaking 'to, ito lang talaga ang nagpapatulala sa akin ng ganito hindi ko rin alam kung ano ang meron sa nerd na 'to.
"B-bakit?" nauutal nitong tanong sa akin. Tinignan ko muna ang maganda nitong mata bago ko ito sinagot.
"Anong pangalan mo?" seryosong tanong ko rito. hindi ko alam, basta gusto ko lang malaman ang pangalan nito.
"J-Jacob," sagot nito ,bakit ba parati itong nauutal? Wala naman akong ginagawa at sa tingin ko naman hindi nakakatakot ang itsura ko. Wag mong sabihin na tatakot ito sa akin dahil naniniwala itong may kaibigan akong multo.
"Ako, hindi moba tatanongin?" aniya ko rito. Kasi ang unfair naman diba ,ako nagtanong tapos ito hindi. Dapat magtanong rin ito sa akin para patas.
"Ah, oo nga pala. anong p-pangalan mo?" tanong nito na kinangiti ko. ganyan dapat nagtaka naman ako nang bigla itong umiwas ng tingin.
"Ako si Love," nakangiting sagot ko rito na kinatango naman nito. Mabuti at naniwala.
"S-sige, L-Love, mauna na ako. Salamat pala uli," mas lalo naman akong napangiti dahil sa itinawag nito sa akin.
Hindi ko siya inutosan ah...sya lang kusang tumawag saaki ng love
"Wala 'yon, enebe," pacute na aniya ko rito sabay hampas sa braso nitong matigas nakina igtag nito sa gulat ...
_________________
Kong sa unang basa nyo palang wala na kayong maintindihan kindly leave salamat .