CHAP.5

1467 Words
Pagkatapos ng tagpo kanina, dumiretso na ako sa public market para bumili ng ulam namin. Bumili rin ako ng donuts para sa mga bata. Pagkatapos kong mamili, agad na akong sumakay ng taxi para umuwi morning schedule lang naman kasi ako kaya wala akong pasok mamaya. Hindi naman nagtagal, nakarating na ako sa bahay nagpasalamat muna ako kay manong driver bago pumasok sa loob ng bahay.Nakita ko sina Kori at Mika nanonood ng TV. mukhang hindi ata nila napansin ang pagdating ko dahil sa hindi nila pagtingin sa aking gawi. "Oy, ate, nandyan ka na pala," bungad ni Vica sa akin dahilan rin upang mapatingin sa akin si Kori at Mika. Halatang bagong ligo pa si Vica dahil sa basa pa ang kanyang buhok. "Kumain muna kayo," sabi ko kay Vica sabay abot ng donut na binili ko kanina. "My girlfriend is here," masayang sigaw ni Kori na ikinatawa ko ,ngayon lang din ako natuwa ng ganito kasi sa tuwing dadating ako dito sa bahay noon, diretso lang ako sa tulog o kaya'y mag-momoni moni na lang minsan kasi nga mag-isa lang ako. Kaya ngayon, parang nababagohan ako. Hindi ako sanay ng ganito pero nagugustuhan ko yong tipong may maghihintay sa iyo, yong tipong may mag-aalala sa iyo. "Ate Ganda, ano 'yan?" tukoy ni mika sa dala kong donut. "Donut 'yan, Mika. Hindi ka pa ba nakakakain ng donut?" mahinang tanong ko bago hinalikan ang noo nito. "Hindi, Ate Ganda. Bananaque lang ang nakain ko," sagot nito na kinatango ko, sabagay. "My girlfriend, asan ang kiss ko?" biglang tanong ni Kori na kinatigil ko bigla. napatingin tuloy ako bigla kay Vica na nakatingin rin pala sa akin. Tumango naman ako kay Kori at hinalikan rin ang noo nito. "Ah, Ate, pupunta muna ako sa kusina para lutuin 'tong dala mong ulam," paalam ni Vica na kinatango ko. Sumunod naman si Mika kay Vica dahil mukhang excited pa ata itong makakain ng donut. Tinignan ko naman si Kori , nakatunganga lang ito sa akin at nakasimangot. "Oh, bakit nakasimangot, Kori?" tanong ko rito bago hinimas ang ulo nito. "Bakit sa noo mo ako hinalikan, may girlfriend?" nagtatakang tanong nito. Ako rin naman ay nagtataka, saan nga ba dapat nito gustong mahalikan? "Saan mo ba gustong halikan kita? Sa pisngi ba?" malambing kong tanong rito ngunit umiling lang ito na lalo pang pinagtataka ko. "No, dapat sa lips," seryosong sagot nito na kinangiwi ko. Wala namang sigurong masama kong hahalikan ko ito sa labi dahil wala namang malisya iyon para sa akin. Siguro ganito lang talaga si Kori, sweet na bata. Kaya naman wala akong pag-aalinlangan, hinalikan ito sa labi na ikinangiti nito. "Hmm, yummy," sabi nito pagkatapos kong halikan. Dinilaan pa talaga nito ang labi animo'y sarap na sarap talaga. Jusko naman, 'tong batang 'to... "Ikaw talaga," sabi ko rito bago binuhat. Iwan ko na lang talaga sa batang 'to, iwan Korin Kong saan ba ito nag mana Bahagya ko pang pinisil ang matambok nitong pisngi. naisipan konangang Pumunta na sa kusina para makakain na ito ng donut, dami kasing alam. "Ate, masarap pala ang donut," masayang bulalas ni Mika na ikinangiti ko. Natawa naman ako dahil sa kumakalat na chocolate sa mukha nito. Ito ang gusto ko sa kanila, kahit sa konting bagay na-aappreciate nila parang sobrang laki na ng binigay ko. "Sige, kumain ka pa, mika, tiaka nga pala Vica, si Carter nasaan?" takang tanong ko kay Vica habang binababa si Kori sa pagkakabuhat ko. "Nasa silid mo, Ate. Iwan ko ba doon, ayaw lumabas," sagot ni Vica na kinatango ko. Iwan ko rin kung bakit parang sobrang tahimik at napakaseryoso ni Carter. "Ganon ba, sige, pupuntahan ko na," paalam ko kay Vica. "Sige, Ate," sagot nito bago tuluyan akong umalis patungo sa kwarto ko. Naalala ko rin na kailangan ko pa lang magbihis dahil sa naka-uniform pa lang ako. Nang nakarating na ako sa silid ko, agaran na akong pumasok dahil kwarto ko naman 'yon, bakit pa ako kakatok. Agad kong nakita si Carter na nakatalikod ito sa akin at nakaupo sa dulo ng kama. "Carter," pagkuha ko sa atensyon nito. Sana lang talaga maka-intindi ito ng Tagalog. Ang totoo, nakaka-intindi naman ako ng English pero hindi ako marunong magsalita. Hindi ko rin ma-explain kung bakit nakaka-intindi ako pero hindi ako marunong mag salita Kasi Kapag sinobukan kong mag salita ng English pakiramdam Koy parang end of the world na.. Nang lumingon ito sakin , agad naman akong pumunta sa gawi nito at umupo sa kama. "Carter, may problema ba?" mahina kong tanong rito pero umiling lang ito bilang sagot. "Gusto mo bang lumabas? May dala akong donut," tanong ko rito bago tumayo Kasi kailangan konatalagang mag bihis dahil sa nangangati na ang balat ko "Do you only want Kori?" bigla naman akong napatingin Kang Carter dahil sa seryosong tanong nito ,bakit ba Kong makapag salita ito parang hindi na bata "hu?" takang tanong ko rito bakit naman nito nasabeng si Kori lang ang gusto ko eh..lahat naman sila gusto ko at mahal ko bilang Kapatid. "you only kissed kori pero ako Hindi " parang nag tatampong aniya nito na kinagulat ko anong bang pinag sasabe nito?, hinahalikan Korin naman si mika at tiaka pano ko ito hahalikan Kong napakaseryoso parang ayaw mag pahawak "if you don't like me pwede mo akong paalisin " seryosong aniya nito na kinataranta ko para kasing nag daramdam na talaga ito "Hindi, hindi, Carter. Pareho ko kayong mahal, kayo ni Mika," pagpapagaan ko sa loob nito bago ito binuhat. Mabuti naman at hindi ito umangal. "Then why did you only kiss Kori?" mahinang usal nito sa akin bago ako umupo sa kama habang naka-kandong pa rin ito sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip at hinalikan ito sa pisngi para hindi na magtampo. "Ayan, hinalikan ka na ni Ate, ha. Dapat happy ka na," sabi ko rito sabay korot sa ilong nito. napangiti naman ako nang bigla itong namula, pati rin ang tinga nito namumula. "Hindi ibig sabihin na hindi ko na kayo hinalikan, hindi ko na kayo mahal. Ate nyo ako kaya mahal na mahal ko kayo. Naiintindihan mo ba 'yon, Carter?" paliwanag ko rito bago ito pinaupo sa kama. Bahagya naman itong tumango na ikinangiti ko . "Jan ka muna, Carter. Magbibihis lang ako," paalam ko rito bago tuluyang umalis patungo sa cabinet para kumuha ng damit. Pagkatapos dumiretso na agad ako sa banyo para doon magbihis, nag-suot lang naman ako ng terno na Spiderman Paborito ko kasi ang Spiderman. Ang angas ko nang tingnan... Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko pa rin si Carter na halatang naghihintay sa akin. malamang sinabi ko naman kanina na dito lang ito kaya naghintay.. "Halika na, Carter. Labas na tayo," pukaw ko sa atensyon ni Carter. Tumingin naman ito sa akin pero diretso sa suot kong damit. Siguro idol rin nito ang Spiderman. Hinawakan ko naman ang maliit nitong kamay para sabay kaming lumabas ng silid ko. Nang makalabas na kami, naabutan ko sina Mika na parang nagbabangayan ata sila ni Kori habang si Vica naman ay nagluluto at parang hindi na papansin ang dalawa. "Madami ka nang nakain, Mika," reklamo ni Kori. ang donut ata ang tinutukoy nito. "Dalawa pa lang nakain ko, Kori," sagot ni Mika. Pinataas pa nito ang apat na daliri na kinatawa ko dahil sa maling pagkakabilang nito. "That's not two, Mika, that's four," pagtatama ni Kori kay Mika pero inikutan lang ng mata ni Mika si Kori na lalo pang kinatawa ko. "Mga baby, wag na kayong mag-away. May isang box pa naman," aniya ko sa kanila na kinatingin naman nila sa akin bago lumapit si Kori sa akin. Binuka nito ang dalawang braso pahiwatig na mapapabuhat ito sakin. "My girlfriend, carry me please," pacute nitong aniya sa akin kaya wala naman akong pag-aalinlangan binuhat ito,dahil kung tatanggihan ko ito ay baka magtampo na ayaw Korin namang mangyari. Sa totoo lang, gusto ko silang i-spoil gusto ko Kasi na kahit sa akin man lang ay hindi nila maramdaman na iniwan sila ayaw Kong maramdaman nila na mag Isa lang sila gusto long maramdaman nila na narito lang ako palagi ang hirap kaya mag Isa... "Kori, stop calling her girlfriend," biglang anas ni Carter na kinatingin ko rito. Nakasimangot na naman ito ngayon at nakaupo sa upuan. "Girlfriend ko siya, Carter, dahil nag-kiss kami," diretso nitong aniya ni kori na kinaubo ko . Ayan na naman 'tong batang 'to, minsan tuloy napapatanong ako kung may nagturo ba kay Kori na maging ganito. "She kissed me too," seryosong sagot ni Carter na kinatingin ni Kori sa akin ng diretso parang maiiyak ito na kinataranta ko. ito na nga bang sinasabi ko, eh? "My girlfriend, you cheated on me," maluluhang aniya nito at nag-sisimula nang manginig ang labi, pahiwatig na maiiyak na. naloko na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD