Nakasakay ako sa big bike ko ngayon at parang walang takot mamatay Kong magpatakbo parabang may kaibegan itong Isang demonyo pero syempre wala nohh.
baka kayo tss.
Nakasuot ako ngayon ng itim na damit at shorts may disenyo paring Spiderman. pinarisan ko nang boots , itim rin parang pang outfit check lang.
nakatago rin sa aking boots ang aking pinaka paburitong laruan na spiderman .
joke lang syempre baril ..
papunta Kasi ako ngayon sa hideout namin dahil may mission nanaman ako, utos galing sa kiataas taasan ang mga boss nang mga mafia boss ,tinatawag na the highest lord ito ang nag didiklara nang mga batas nang mga mafia satotoo lang konti palang talaga ang nakakakita Kang highest lord pati rin ako , hindi panakakakita sa mukha nito dahil Kong mag papakita man saamin nakatakip naman ang mukha dahil Kong sino man ang makakakita sa mukha nito hahatulan raw nang kamatayan iwan ko siguro pangit ito o dikayay pinoprotiktahan lang talaga ang sarili nito
kaya hindi konalang sinosubukan malaman ang mukha nito Kahit gaano pa ako ka curious sa Kong ano man ang itsura nito , baka yon pa ang ikamatay ko.
Magaling naman akong makipaglaban, pero hello, wala pa rin akong panama don! Isang utos lang ng highest lord , siguradong tigok ako.
By the way, nakarating na ako sa aming hideout. Agad akong binungad ng mga pangit na mga guwardiya na nakasuot ng itim na damit, parang mga kampon lang ng kadiliman. Siguro dahil sila'y pumapatay,
hindi lang pala sila, pati rin ako.
Bigla tuloy akong napahinto dahil iniisip ko, kampon nga ba ako ng kadiliman dahil sa pumapatay ako? Pero may choice ba ako? Wala naman diba? napa-buntong hininga na lang ako bago tuloyang pumasok sa hideout.
"What the heck, ang angas ng damit mo!" biglang usal ni Niño sa akin. I know, right?
Hindi ko na pinansin at nilampasan lang ito dumiritso na lamang ako sa couch at umupo doon alam ko kasing lalaitin lang nito ang suot ko.
Pero subukan lang nito tignan lang natin kung hindi mabasag ang bungo nito. Isang assassin rin si Niño katulad ko at siya rin ang nagtra-track ng mga devices sa tuwing may misyon ako. Napatingin naman ako rito nang may hinagis itong isang folder sa lamisang kaharap ko. as usual target ko nanaman.
Personal Information:
Name : Amper Dibenitis
age : 67
Date of birth: Confidential
place of birth: Confidential
CRIME COMMITTED:
killing inosent people
Yan ang nakalagay sa folder na nag painit ng olo ko. Ayaw ko talagang makabasa ng mga pinapatay na inosente,
kaya sisiguradohin kong babasagin ko talaga ang bungo nang matandang to hindi naman mahirap saakin ito dahil sa pag tingin kopalang sa personal information halatang ugod ugod na ang matandang target ko ,alam ko na marami itong mga bantay pero wala akong pakialam
Pagkatapos kong makuha ang personal information ng target ko, agad na akong umalis at hindi man lang tinapunan ng tingin si Niño. bakit pa kung nakatingin lang naman ito sa akin na nakangiti? Okay lang sana kung ngiting tao, pero hindi eh... iba ang ngiti nito, pang ngiting asu.
Pagkalabas ko sa hideout, agad naman akong sumakay sa aking big bike Kailangan ko rin makauwi nang maaga dahil may pasok pa ako bukas at baka nagising rin sila kori. Siguradong hahanapin nanaman ako ng mga yon nahirapan pa nga akong patahanin si Kori kanina, pero mabuti nalang talaga at napatahan ko. Pupunta pala ako ngayon sa pinakamalaking casino dito sa Pilipinas dahil iyon ang sabi ni Niño , madalas daw naglalaro ng casino ang target ko kapag ganitong oras.
Makalipas Ang Isang Oras ,nakarating na agad ako sa sinasabing casino ni niño Kaya agad Kong tinabe ang aking big bike sa gilid na may kadiliman kailangan korin kasing mag bihis Kahit ayaw ko sana pero wala akong pag pipilian mag papangap Kasi ako ngayong dealer nang casino nato, nang magakapag bihis na ako nang tuloyan naisipan konang pumasok sa loob ng casino ayaw korin kasing mag panggap na manglalaro dahil siguradong maboboking ako.
pano naman Kasi Hindi ako marunong maglaro nang casino ,dahil wala naman akong interes aanhin kobayang pag lalaro nang casino masmabuti nalang na tumolong sa mahihirap kaysa mag maglaro .
nag soot narin ako nang salamin para dagdag narin sa kagandahan ko iste pang disguise
Ngonit bago paman ako makapasok sa loob may humarang na agad saakin malaking tao na lalaki halata namang guwardiya ito dahil sa nakabantay lang ito sa hamba nang pintuan.
Kong pang karaniwang tao kalang matatakot ka katalagang humarap sa taong ito dahil sa pangit at nakakatakot nitong mukha marami rin itong tatto na akala monanan Kina-angas mas Lalo tuloy itong pumangit .
Pero wala naman akong nakapang takot sa katawan ko , ngayon paba ako matatakot Kong palagi naman akong nakakaharap nang mga kampon nang kadiliman
"Sino ka?" matigas nitong tanong sa akin. Diba halata na staff ako rito kahit hindi naman totoo? Hello, naka soot ako ng uniporme bilang staff nyo.
"Isa po akong dealer dito kuya. Lumabas lang ako kanina saglit," pinahinhin ko talaga ang aking boses , yung tipong parang inosenteng babae. Ngunit hindi man lang nagbago ang expression nito, at parang nagdududa pa rin sa akin.
"Sandali lang," utos nito sa akin kaya naman mahinhin pa rin akong tumango at ngumiti. May kinuha ito sa bulsa, napagtanto kong cellphone pala iyon. may tinawagan ito, pero syempre hindi ko alam kung sino dahil hindi naman ako manghuhula.
Nang ibaba na nito ang cellphone, tumingin naman ito ulit sa akin.
"Sige, pwede ka nang pumasok." Sa palagay ko, ang tumawag siguro ito para i-check ang pangalan ko kung nasa listahan ng mga tauhan nila dito. Pero alam ko namang nagawan iyon ng paraan ni Niño kaya siguro madali akong nakapasok.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng casino, agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Halata talaga na pang-high class
ang lugar na ito .
dahil sa itsura at sa mga manglalaro pa lang rito mga bigatin na. Hindi rin naman nakakapagtaka dahil ito nga ang pinakamalaki at sikat na casino dito sa Pilipinas. Halos lahat ng banyaga dito pumopunta. Hindi ko na masyadong pinansin ang buong paligid dahil natutop ang paningin ko sa isang babaeng nakatingin rin sa paligid na parang namamangha. Hindi mapagkakailang maganda itong babae marami na akong nakikitang maganda at number one ako doon, pero kakaiba ang ganda nito. Nakasoot ito ng v-neck na red dress na sobrang hapit sa katawan nito at mas lalong nagpaganda rito.
"Hi," bigla naman akong napatingin sa bumati sa akin na babae. Sa tingin ko, dealer rin ito dito dahil pareho kami ng suot, nginitian ko lang ito bilang bati na rin pabalik.
"Ikaw ba ang bagong dealer dito?" tanong ng babae sa akin. Sa pagkakatansya ko, nasa desiotso ang edad nito dahil sa itsura nitong halatang bata pa pero maganda.
"Ah, oo," sagot ko rito.
"Pwede bang ikaw muna mag-assist sa mga manlalaro sa VIP room?" aniya nito na kinataas ng kilay ko. Luh, makapag-utos to pero sabagay, pabor rin naman sa akin yun para madali ko rin makita ang target. Siguradong nasa VIP room ang target ko ngayon.
"S-sige," sagot ko rito bago ako nito inabutan ng folder may mga numerong nakalagay sa folder, ito ata ang mga numero ng mga manlalaro sa VIP