CHAP.12

1475 Words
linggo ngayon, kaya wala akong pasok. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nahalikan ko ang malambot na labi ni Jessie. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay Lola para mapapayag ito, pero kahit ako ang tatanongin, kahit palagi pang maglapat ang aming mga labi, okay lang basta si Jessie 'yon. Nabigla lang naman talaga ako kahapon dahil hindi ko inaasahan ang sinabi nito. Sino nga bang gustong humalik sa isang katulad ko? Inayos ko mona ang makapal kong salamin bago lumabas. Malabo na talaga ang paningin simula nong bata pa ako. Sabi daw ng doctor, namana ko raw ito sa pamilya namin na Kahit bata pa malabo na ang mata. "Lola, pahinga ka muna, ako na jan," aniya ko kay Lola nang tuluyan na akong lumabas ng bahay. Nagwawalis kasi ito ng bakuran. Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil hindi na kami mauulanan ni Lola dahil kay Jessie. Pero may parte parin sa akin na nahihiya. Ikaw pa naman babae ang nanligaw sa 'yo tas ito pa ang nag gastos saamin pakiramdam ko tuloy wala akong silbi. Sinabihan ko na itong wag nang manligaw, pero ayaw paawat. gustohin koman na ako ang manligaw rito , alam konaman Kong saan ako lulugar at paulit ulit Kong sasabihin ito ,hindi kami nababagay ni Jessie dahil subrang baba ko kumpara Kay Jessie wala akong binatbat sa nababalitaan Kong nanliligaw Kay Jessie, minsan nga naiisip Kong imposibleng nag kakagusto sakin si Jessie dahil sa subrang yaman panaman nang manliligaw ni Jessie samantalang ako wala, ni bubong diko nga kayang ipa ayos. "Apo, anong balak mo kay sa kaib-- iste manliligaw mo pala?" biglang tanong ni Lola sa akin. Ano nga ba ang plano ko kay Jessie? Si Lola nga hindi pa rin makapaniwalang may nanliligaw sa 'kin. "Wala namang masama kahit babae ang manligaw, apo. Pero ayaw kong niloloko ka," aniya ni Lola sa 'kin. Pakiramdam ko tuloy para akong isang babae pinapayuhan ng Isang Ina. "Lola, wag mo na pong alalahanin yon," aniya ko kay Lola. Ramdam ko naman ang pagkatotoo ni Jessie sa tuwing sinasabi nito na gusto ako. pero may parte parin sa'kin ang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi nito. Baka lang kasi pinagpustahan lang ako ng mga kaibigan nito pero may ganon ba sa totoong Buhay?. at tiyaka napapansin ko, parang palaging mag-isa si Jessie, parang wala itong mga kaibigan. Ngunit hindi parin ako nakakasigurado dahil.hindi kopanaman ito lubosang kilala "Ikaw ang bahala, apo, o siya punta muna ako sa loob at nang makapagpahinga saglit," saad ni Lola sa 'kin bago pumasok sa loob ng bahay. Ako naman ay pinapatuloy ang ginawa ni Lola kanina. Ganito naman ako minsan, ginagawa ko ang pangbabaeng gawain dahil ayaw kong mapagod masyado si Lola. "Mahal kong Jacob," napahinto ako sa pagwawalis nang may tumawag sa 'kin sa bandang likod ko. Kahit hindi ko pa ito lingonin, kabisado ko na ang maganda nitong boses na kaysarap sa taynga. Hindi konga maiwasang mapangiti sa kaloob-looban ko dahil sa tinawag nito sakin. pero kalaonan ay nagtaka naman ako, dahil bakit nanaman narito ito? dahan dahan konanga itong nilingon gayon nalang ang pag kagulat dahil sa hindi makapaniwala sa pinapasan nito ngayon papaano nga ba jindi magugulat Kong ang pasan nanaman nito ngayon ay Isang sakong bigas na kinanganga ko ,tayka papaano nito nakayang pasanin ang Isang sakong bigas . napatingin naman ako sa kamay nitong may tali rin napinagtakaka ko, kaya sinondan ko Kong saan nang gagaling ang tali na iyon maslalo naman akong nagulat nang malaman ko Kong saan nang gagaling ang taling hawak nito. walang ibang pinang gagalingan ang tali na iyon kondi sa Isang malaking kalabaw na katabe lang Pala nito .... shitt aanhin nanaman nito ang kalabaw Kahit ano ano nalang talaga ang dinadala ng babaeng to nong una bubong pangalawa malaking mesa na letiral nitong pinasan at ngayon bigas at kalabaw nanaman nagtataka rin ako Kong bakit ba parang napakalas nito "j-jessie Anong ginagawa mo dito "takang tanong ko rito kahit alam konanamang anong isasagot nito " ayan kananaman balik balik lang ang tanong mo sa tuwing pumopunta Ako rito" aniya nito para bang nag tatampo "B-bakit may dala kang bigas?" tanong ko rito habang ito , dahan-dahang ibinaba ang isang sakong bigas na walang kahirap-hirap. "Malamang para kakainin n'yo," simpleng sagot nito sa 'kin. na kinanganga ko dahil sa hindi makapaniwala. "Pero bakit may kalabaw?" takang-tanong ko naman dito. Naiintindihan ko na may bigas itong dala, pero ang may kalabaw hindi ko na maintindihan. "May bigas, Jacob, kaya dapat may ulam," sagot nito sa 'kin. Teka, wag mong sabihin kalabaw ang magiging ulam namin. Wala namang problema sa'kin pero, pisteng yawa, papano namin 'yan mauulam kung sobrang laki? "Jessie, paano mauulam 'yan?" frustrated kong tanong rito. Palagay ko'y hindi na ata normal 'tong babaeng 'to. Kakaibang manligaw Kahit ano ano nang dinadala samin. pero okay lang. Kahit mabaliw man ito o hindi normal, palagi ko parin itong hahangaan at mamahalin. "pwede namang ihawin at lutoin, Jacob. Itali mo nanga lang ang kalabaw at dadalhin ko na 'tong bigas sa loob," saad nito sakin bago ibinalik sapag kapasan ang isang sakong bigas na parabang isang magaan lang na bagay. Iniwan ako nitong nakatulala habang ito ay tuluyan nang nakapasok sa loob ng bahay. Wala na akong nagawa pa at agad na tinali ang kalabaw na dinala ni Jessie. "Narito ka pala, jiha," dinig kong tanong ni Lola nang pumasok na ako sa loob ng bahay. "Opo, Lola, katunayan nga may dala akong bigas at kalabaw," sagot ni Jessie. Ramdam ko naman ang pagkabigla ni Lola. Sino bang hindi mabibigla? "Para kanino ba 'yang bigas, hija?" takang-tanong ni Lola kay Jessie. Ako naman ay dahan-dahang kinuha ang isang sakong bigas na dinala ni Jessie , nasa harapan lang Kasi nila Hindi parin ako makapaniwalang nakayang pasanin ni Jessie ang isang sakong bigas.hindi naman ito ganon kabigat para sa isang katulad Kong lalaki pero babae ito at subrang liit pa nang katawan kaya nakakapagtaka Kong bakit subrang napakalakas nito O baka naman omiinom ito nang vitamins.. "Sa inyo po, Lola," simpleng sagot ni Jessie kay Lola. "Hija, sobrang nagpapasalamat ako sa kabutihan at tulong mo sa amin lalo na sa apo ko. Pero hija, hindi kaya maubos ang pera mo niyan? Baka wala nang matira sa 'yo dahil inubos muna para samin." mahabang litanya ni Lola kay Jessie. Yan din namang ang iniisip ko, ayaw ko sanang tanggapin kahit anong mamahaling ng gagaling kay Jessie. Hindi naman sa ayaw ko, pero baka inubos na nito lahat sa amin at dito ay wala nang natira "Lola, kahit gaano karami o kamahal ang bibilhin ko kay Jacob para manliligaw, walang problema sa akin. At tiyaka, wag niyo nang alalahanin 'yon, lola. Mabuti at punta na lang tayo sa binili kong kalabaw," saad ni Jessie para atang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabe nito ito lang talaga ang Kaisa isahang babae ang nagparamdam saakin nang ganito "Hija, bakit may kalabaw?" nagtatakang tanong ni Lola. "Ulam n'yo, lola," aniya nito na mas lalong kinabigla ni Lola. "Sosmaryosep, hija! Kahit ihawin pa natin ang kalabaw na dala mo, hindi namin mauubos dahil sa sobrang laki. At tiyak, kawawa rin ang kalabaw na dala mo kung papatayin natin," paliwanag ni Lola na ikinatango ni Jessie. Ito din ang hinahangaan ko kay lola dahil sa sobrang bait nito. Sobrang mapagbigay rin, 'yong tipong kahit wala nang matira sa 'yo, basta makatulong kalang masaya kana minsan nga sinusuway ko na ito, wala namang masama kung tutulong ka. Pero sana, tignan o inuuna mo mona ang sarili mo bago ang ibang tao . Hindi naman siguro masama kung minsan magiging makasarili ka para sa ikabubuti mo . "Ganon ba, lola?" aniya ni Jessie kay Lola. "Oo, hija. Mabuti pa at magluluto na lang ako ng tinolang manok para makakain na tayo," ani ni Lola. "sige ikaw na po bahala, lola," sagot ni Jessie. "Apo, nariyan ka pala. Halika dito at tulungan mo akong magluto ng tinola," tawag ni Lola sa akin na kinalapit ko sa gawi nila. Napatingin naman ako kay Jessie na nakatingin rin pala sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa mapupula nitong labi, pero agad naman akong umiwas nang bigla itong tumikhim sabay ngisi. Hindi konalang hinintay itong magsalita pa at agad nang sumonod Kay Lola sa kusina para tulongan ito " apo sibakin mo mononayang kahoy para may pang gatong Tayo " utos ni Lola na kinatango ko bago kumoha nang itak para masimulan konang mag sibak ,napahinto naman ako bigla nang may makita akong Isang pares nang paa sa aking harapan,kaya tinignan konanaman Kong sino iyon bigla nanaman akong namula nang magkatitigan kami ni Jessie iwan ko pero sa bawat bigkas nito nang matatamis na salita , kusa nalang akong namumula ang galing Kasi nitong mambula tinalo pa ata ako na Isang lalaki
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD