CHAP.13

1346 Words
JESSIE POV. ____________ Isang buwan narin akong nanliligaw kay Jacob at sa isang buwan na iyon mas lalo ko itong nakilala at mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko dito , pero ang gago hindi pa rin ako sinasagot. Kapag ako talaga, hindi makapagtiis. Papakasalan ko talaga ito. Marami akong binibili para kay Jacob na Kahit ano-ano nalang , wala kasi akong maisip. Kaya nabilhan ko ito ng buhay na kalabaw. Minsan dinadalhan korin ito ng mga grocery. Nabilhan ko rin sila ng ref para paglagyan ng mga stock Kong mga binibili. Pero minsan naman, hindi ko ito nadadalaw dahil may mission rin ako. Hindi pwedeng hindi ko tugunan ang mission dahil baka mawalan na ako ng pera. Paano na lang ang panliligaw ko kay Jacob? Tumawag na rin ako ng panday kahapon para mapa ayos ang bahay nila Jacob. Sa totoo lang, kahit gumastos man ako nang malaki kay Jacob, basta si Jacob iyon ay, walang kaso sa akin. Kahit ubusin ko pa nga ang pera ko. "Ma'am, kumusta naman po si Vica?" tanong ko sa tutor ni Vica. Magtatatlong linggo na rin nag-aaral si vica dito sa bahay . sina Kori naman nakakapag-aral na rin. Nakakatuwa lang at mas lalo pa silang tumalino kaysa sa akin. Si Vica naman, nakikita korin ang pag progress nito na kinatuwa ko. "Isang pagsusulit na lang, Jessie, tiyak makakapasok na si Vica sa paaralan," sagot ng tutor ni Vica na si Renelyn. Hindi naman nakapagtataka kung madali lang makakapag-aral si Vica dahil hindi naman ito mahirap turuan. At tiyak, nakikita ko naman na nag-sisikap itong matuto. Minsan nga, nagigising na lang ako nang hatinggabi, gising pa ito dahil sa pinag-aaralan daw nito ang mahirap nitong maunawaan. Kaya alam kong malayo ang mararating ni vica. "Salamat, Ma'am," nakangiti kong aniya kay Ma'am Renelyn. Kung ako rin ang tuturuan ni Ma'am Renelyn, siguradong madali rin akong matuto dahil bukod na mabait ito, hindi pa boring magturo dahil palagi lang itong nakangiti yong tipong Hindi ma tatakot ang studante mong magtanong "Matalino naman si Vica kaya madali lang siyang makakapag-aral sa Universidad. Pano, aalis na ako, Jessie," sagot ni Ma'am Renelyn sa akin. "Baka gusto n'yo munang mag-merienda, Ma'am," alok ko kay Ma'am nang maglalakad na sana ito. "Nako, hindi na, Jessie. Nagmamadali rin kasi ako," aniya nito na kinatango ko. Nagpaalam naman ito uli bago tuluyang umalis. Kaya naman, naisipan konalang rin na pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si Vica na nag-huhugas ng pinggan. Nagpapasalamat rin ako kay Vica dahil sa kasipagan nitong taglay halos wala nanga ata akong nagawa dito sa bahay dahil sa ito nahalos gumagawa.. "Ate, narito ka pala. Umupo ka at maghahain ako," aniya ni Vica na kinangiti ko. "Vica, malapit ka nang makapag-aral sa paaralan" Saad ko rito "oo nga ate sa katunayan nga subrang saya ko" nakangiting bulalas nito ako rin naman ay masaya dahil matutupad na nito ang gusto nitong Gawin pero hindi kuparin maiwasang mag alala " vica alam monanan sigurong Marami kang makakasalamuha at makakahalubilong tao sa paaralan diba? . Kaya sanay sabihin mo sa akin kung may mambastos o manakit man sayo," mahabang litanya ko rito. Isa rin sa napapansin ko kay Vica ang sobrang mapagkumbaba nito. Wala namang masama kung masyado kang mapagkumbaba, pero sanay wag namang sobra dahil aabusuhin din 'yan. hindi rin naman ako masisi Kong mag aalala ako rito baka Kasi pariho nang paaralan ko ang paaralan nito na puro mga hayop ang mga ugali nang mga studante "Si ate talaga, wag kang mag-alala ate. Ganito lang ako pero hindi naman ako papayag na api apihin lang" sagot nito sa akin na kinangiti ko. "Mabuti nang malinaw, ayaw kong makarinig na inaaway ka nang walang dahilan. Vica, malapit ka sa akin at lahat ng malapit sa akin ay masyadong mahalaga para sa akin," paliwanag ko rito. Matagal na kaming magkakilala ni Vica kaya sobrang mahalaga na 'to sa akin. At ang mahalaga sa akin ayaw kong makitang masaktan lalo na si Jacob. "Ate, alam ko naman 'yon at ganon rin ako sayo. Pero ate, hindi ako bagong mulat na sanggol. Tandaan mo, nang galing ako sa kalye, kaya alam ko na ang klase-klaseng ugali ng tao. Alam ko kung sino ang mapagkakatiwalaan o hindi," paliwanag nito sakin. Tama nga naman, bakit hindi ko na isip yon. sino nga bang hindi maagang mapapamulat sa realidad kung nakatera ka sa lansangan? Bakit hindi ko naisip na matagal na itong mulat sa katutuhanan? Sana hindi ko na lang 'to pinag-aral, naging matured tuloy... Syempre, biro lang 'yan. Sa ayaw at sa gusto, mo kailangan motalagang mamulat sa mundong kinalalagyan mo. Kailangan mong malaman na hindi lahat ng nilikha dito sa mundo mabubuting tao. Kaya minsan, kailangan nating maging makasarili para mauna lang ang sarili nating kapakanan. "Vica, aalis ako ngayon para sunduin sina Kori," paalam ko Kay Vica. "Sige ate, pero kumain ka muna," saad ni Vica sa akin. "Wag na, Vica. Mamaya na lang pag-uwi ko," sagot ko rito bago umalis. Hindi pala ako pumasok ngayong araw kasi wala namang klase Tanga to!. pero namiss ko si Jacob . Hindi ako nakapunta kina Jacob dahil sa may mission nanaman ako kanina nag pagawa napala ako nang Bank account para kina vica para kahit papano magamit naman nila sa pag aaral sumakay lang ako nang taxi dahil kailangan Kong pumonta sa paaralan nina Kori para sundoin sila hindi naman nag tagal ay nakarating nanga ako Hindi naman Kasi masyadong malayo ang paaralan nila Kori sa bahay nang makarating nanga ako nang tuloyan ay agad konamang nakita ang mga batang studanteng naglabasan sa hamba nang gate kaya agad Kong hinagilap sina Kori bigla naman akong napangiti nang makita ko si mika na tumatakbo patungo sa gawi ko "ate ganda !" tawag nito sakin bago yumakap sakin na tinogon konaman bago hinalikan ang noo nito " si Kori at Carter ,mika hindi Mona Nakita?" malambing Kong tanong rito hindi Kasi sila mag kaklase nina Kori dahil grade three palang ito samantalang si Kori at Carter grade four na kaya sila ang magkaklase "hindi ko sila nakita ate ganda kaya umuna nalang ako" sagot nito sa akin "nandyan napala sila ate oh" turo nito kina Kori, nakakarating lang sa gawi namin wala pa ring pinagbago, masayahin pa rin ang mukha ni Kori samantalang si Carter sobrang napakaseryosoong naglalakad "hi my girlfriend" masiglang bati sa akin ni Kori bago ibunoka ang dalawang kamay para magpabuhat na ginawa ko naman, ganito talaga si Kori dahil gustong-gusto daw nitong magpabuhat sa akin. Hindi naman ito masyadong mabigat. Isang sakong bigas nga nabuhat ko ito pa kaya hindi naman mahirap sa akin ang pagbuhat ng mabibigat na bagay dahil bago pa ako naging magaling na assassin, sinanay ko na ang katawan ko sa mabibigat na bagay kaya nga kakaiba ang lakas ko kumpara sa mga babaeng walang insayong katulad ko. "kumusta ang school, Kori?" tanong ko rito bago hinalikan ang noo nito, ganito rin palagi ang ginagawa ko sa kanila, palagi kong ginagawaran ng munting halik ang kanilang noo para iparamdam ko kung gaano ko sila kamahal. "okay lang, my girlfriend marami akong naging kaibigan," nakangiting sagot nito sa akin. Napatingin naman ako kay Carter na nakatingin rin pala sa akin, kaya ginawaran ko rin ito ng magaan na halik sa noo. "Ganun ba?, Carter at Mika, marami rin ba kayong naging kaibigan?" malambing kong tanong sa kanila. "mayroon akong naging friend, ate ganda, si Chichai, crush daw niya si Jungkook" sagot ni Mika na kinatawa ko bago ako tumingin Kay Carter "I don't need friends" seryosong sagot ni Carter sa akin na kinatigil ko. Kailangan nga ba natin ng kaibigan? Siguro kailangan nating magkaroon, pero yung totoong kaibigan. Ako nga, walang matinong kaibigan. Hindi ko na lang pinansin ang sinagot nito at hinawakan na lamang ang maliit nitong kamay para umalis, idadaan ko muna sila sa Jollibee para makakain. Sigurado rin Kasi akong gutom na ang mga ito. "Mika, hawak ka sa kamay ni Carter" utos ko kay Mika, pasan ko kasi si Kori kaya hindi ko ito mahawakan pano ayaw mag pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD