CHAP 14

1211 Words
Maaga akong gumising ngayon. Sina Kori naman ganon rin kasi maaga rin itong papasok sa unibersidad at kailangan Korin na ihatid ang mga bata. Hindi ko na ginising si Vica dahil siguradong natutulog pa 'yon. Late na naman kasi siyang natulog kagabi dahil sa kagustuhang makapasa sa huling pagsusulit nito para makapasok naraw sya sa unibersidad. Gusto raw nitong makapag-aral sa totoong paaralan. Nagsasaing nanga ako ngayon para sa aming almusal. Nagprito na rin ako ng hotdog at itlog bago nagtimpla ng tatlong baso ng gatas. "Good morning, my girlfriend," masayang bati sa akin ni Kori bago ito umupo sa tabi ko. parang patagal na patagal kong nakasama sila, vica nasasanay na ako sa mga ugali nila at medyo kabesado ko na rin ang kanilang bawat galaw, lalo na si Carter. Magsasalita lang ito pag may hindi ito nagustuhan. "Good morning, Ate Ganda," masayang bati rin sa akin ni Mika. Humikab pa ito bago pumunta sa gawi namin. "Morning," sumunod naman bumati si Carter sa akin bago rin pumunta sa aking gawi. Akala ko ay uupo ito sa kabilang upuan, ngonit nagulat na lamang ako nang biglang kumandong sa akin. Ngayon lang ata ito nagpakandong sa akin dahil si Kori lang naman parating malambing sa akin. O baka naghahanap lang talaga ito ng magandang timing, pero mas nagulat ako nang makita ko itong nginingisan si Kori na parang inaasar Luh!?.. Si Kori naman ay hindi nakasagot dahil sa pagkabigla, pero kalaunan sumimangot na ito , na parang maiiyak. Gusto ko sanang matawa dahil sa reaction nito; ang cute kasi nitong tignan habang nanginginig ang labi. "Kori, okay ka lang?" mahina kong tanong dito bago abutin ang noo nito, pero hindi ko pa nga nahawakan ,umilag na ito na aking pinagtataka . Nanatili paring nakakandong sa akin si Carter habang ako nag-aalalang nakatingin kay Kori. Si Mika naman kumain lang na parang walang pakialam sa nangyayari dahil alam kong nasanay na ito sa ganitong tagpo. Palagi na lang kasi nag sisilusan ang dalawa kahit pa pinaliwanag ko na sa kanila na dapat hindi sila mag inggitan sa isat Isa. "Ayaw konang pumasok," mahinang saad ni Kori na kinatingin ko rito nang diretso. Nagmiwas ito ng tingin sa akin bago yumuko, kaya naisipan ko na lang munang ibaba si Carter. "Carter, baba ka muna ha," malambing kong saad kay Carter bago ito pinababa sa kandungan ko. Mabuti na lang talaga at hindi na ito umapila pa. Paano na lang kaya kung wala ako? Ano kayang mangyayari sa mga batang 'to? Wala na akong paligoy-ligoy pa at agad na tumayo sa pag kakaupo para buhatin si Kori sa kanyang kinauupoan, na agad naman itong kumapit para hindi mahulog sa pagkakabuhat ko. Iniwan ko muna sina Carter at mika para pumunta sa sala upang doon ibaba si Kori na humihikbi na pala ngayon , hindi ko alam pero ano kaya ang mararamdaman nila kung malaman nilang may nililigawan ako? Hindi ko pa kasi nasabi sa kanila dahil hindi pa naman ako sinasagot ni Jacob. "Kori, bakit ayaw mong pumasok?" mahina kong tanong rito pero ito , hindi pa rin sumagot at nanatiling nakayuko lang. "Kori, gusto mo bang magtampo ako sa'yo?" tanong ko rito. na agad naman nitong kinailing bilang sagot. "Pero bakit ayaw mong pumasok? Anong problema?" tanong ko na naman dito bago hinimas ang maliit nitong mukha. "Bakit mo kinandong si Carter, my girlfriend?" parang nagtatampo nitong tanong sa akin. Jusko, 'yon ba ang dahilan? Ang babaw naman ata. Sabagay, mga bata pa naman ito at hindi pa nila alam ang kanilang sinasabi at ginagawa. "Kori, ang ayaw ko sana ay ang magkainggitan kayo ni Carter dahil pareho ko kayong mahal. Kung hindi kita hinalikan o di ka'y kinandong, hindi ibig sabihin non , hindi kita mahal dahil mahal na mahal ko kayo ," mahabang paglilinaw ko rito para ipaintindi ko kung gaano ko sila kamahal. Ayaw ko kasing madala nila hanggang sa paglaki ang inggitan nila. Para na rin silang magkapatid ni Carter. at tiyaka wala naman sa halik ko o yakap Kong gaano ko sila kamahal ang pina panatili ko lang sila sa puder ko ,sapat na iyon para ipahiwatid Kong gaano ko sila kamahal hindi lang mahal subrang mahal na Kahit sariling buhay ko itataya ko. "P-pwede pala na may dalawang boyfriend, my girlfriend?" inosenteng tanong nito sa akin. Tayka, bakit napunta na naman kami sa pagbo-boyfriend? Sino ba talagang nagturo sa mga batang 'to at kung ano-ano na nalang ang nasasabi? "Ha?" takang tanong ko rito dahil sa hindi ko ito maintindihan. "Diba sabi mo mahal mo kami ni Carter, so dalawa na ang boyfriend mo?" inosenteng tanong nito na kinalaki ng mata ko. Iba pala ang pagkakaintindi nito sa sinabi ko kanina. "Hindi, Kori. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Halika na nga," aniya ko sabay buhat dito. Pagod na akong magpaliwanag dito. Siguro hahayaan ko na lang na ito mismo ang makakaintindi dahil bata pa naman ito at marami pang dapat malaman. Nakasakay kami ngayon nang mga bata sa taxi dahil Kong hundi baka malate naman ang mga bata hindi lang mga bata pati rin ako ,si Kori kasi marami pang drama spunchbob naman ang desinyo nang bag, Yan nalang ang binili ko dahil spunchbob daw Kasi ang paburito nito . nang nakarating nanga kami sa paaralan nila agaran na Kaming bumaba marami naring mga studanteng pumapasok dahil malapit nang mag simula ang klase " magpakabait kayo sa klase " bilin ko sakinala bago binigyan sila nag tig iisang halik sa noo nag paalam na rin sila sakin bago tuloyang pumasok. Iniwan Kona si vica habang natutulog pa ito pero nag bilin naman ako nang sulat para hindi ito mag taka kong bakit wala kami sa bahay bumalik naman ako sa sinasakyang naming taxi kanina ,bago nagpahatid sa unibersidad na agad naman akong nakarating. At sine swerte ka nga naman, nalate pa ako. Pagdating ko sa silid namin, nagtuturo na si Prof. Seb. Alam ko namang napapansin ni Prof seb. ang presensya ko dahil sumulyap ito sa akin saglit. pero hindi man lang ako nito pinansin hindi tulad sa ibang guro na papagalitan ka Kapag nalate ka sa klase, pero ito hindi parang nag mistula lang akong hangin sa harapan nito, Kaya naglakas-loob nalang akong pumasok na parang walang pakialam kung nalate man ako sa klase. Pag wala ka talagang pera, it shapwera kana lang talaga dahil kung may pera ka , ikaw ang mas malakas. Ikaw ang magiging priority ng mga tao. Mahirap tanggapin pero 'yan ang totoo. Dahil patagal ng patagal tayo sa mundong ginagalawan natin, unti-unti ring naghahari ang pera. Parang hindi na ata ang tao ang gumagamit sa pera kundi pera na ang kumokontrol sa tao. Dahil may taong handang pumatay at magpagamit Kahit pa sarili nilang puri ang kapalit basta makakuha lang ng pera. At wala akong pinagkaiba sa mga taong 'yon, ang taong pumapatay para magkapera lang. Wala eh, wala akong pagpipilian. Marami akong pangarap na sana kung babalik tayo sa nakaraan ,sana hindi ko ginawa ang hindi pang taong gawain pero alam naman nating sa pelikula lang nang yayari yon at wala sa totoong buhay Tama na marami na akong nasabe agad naman akong napangiti nang makita ko ang aking Jacob na naka upo sa tabi lang nang aking inoopuan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD