"Vica, okay ka lang ba?" tanong ko kay Vica. Para kasing kulang ito sa tulog, palagi kong napapansin na parati itong puyat. Yung parang may problema pero pag magtatanong naman ako dito, okay lang naman ang sagot kaya pinapabayaan ko nalang. Minsan ayaw ko rin kasing makialam sa pribado nitong buhay, baka isipin nitong masyado na akong nakikialam at parang wala na itong kalayaan.
"Okay lang talaga ako, Ate," sagot nito sa akin na naka-ngiti. Nandito pala ako ngayon sa bahay, simula noong nangyari kahapon umuwi na ako. Kinuha kasi nito ang pasador kong suot.
Ang masasabi ko lang talaga kay Jacob ay isa itong mandirigma.
"Baka naman masyado mong ini-stress ang sarili mo sa pag-aaral," aniya ko rito. nag-sisimula na rin kasi itong pumasok sa unibersidad ,baka masyado nitong binababad ang sarili sa pag-aaral.
"H-hindi n-naman, Ate," nag-aalalangan nitong sagot sa akin. Ako naman ay napabuntong hininga na lang at tumango.
"Vica, kapag may problema ka wag kang mahihiyang magsabi sa akin ha," mahina kong saad dito. Baka lang kasi may problema ito at nag-aatubili lang magsabi sa akin.
"Opo, Ate. S-salamat," nakangiting sagot nito sa akin bago ako tumayo galing sa pagkaka-upo.
"Vica, aalis muna ako," paalam ko rito. Pupunta kasi ako ngayon kina Jacob dahil dadalawin ko ito.
Ngayon korin gustong sagutin ako nito. aba, hindi naman sa nagmamadali pero kingina naman, mauubosan na ako ng pera pero hindi pa rin ako nito sinasagot.
Kaya naman nagdala narin ako ng aking baril pero syempre wala itong bala, ipapanakot ko lang naman dito kung sakaling hindi ako nito sagutin.
"Sige, Ate. Mag-iingat ka," sagot ni Vica sa akin bago ako tuluyang makaalis. Hindi na ako pumara ng taxi dahil gagamitin ko na lang ang big bike ko para mas madali akong makarating sa bahay nila Jacob.
Nag-soot lang rin ako ng red dress na hindi umabot sa tuhod ko kaya litaw na litaw ang maputi kong binti. Pinagsama ko na rin ng flat shoes na bumagay rin naman ito kasi ang sinuot ko dahil sa sobrang init talaga, wala na atang balak umulan ang kalangitan.
Mag-iisang oras rin bago ko narating ang bahay ni Jacob. Nagdala rin ako ng pizza, syempre, para kainin namin.
Ramdam ko na man ang pagkagulat nito nang makarating na talaga ako sa bakuran ng bahay nila. Nagulat siguro ito dahil sa hindi agad ako nakilala ,naka suot kasi ako ng helmet at naka-sakay sa big bike. nasanay na siguro ito dahil sa Parati lang akong nag ta-taxi kapag pumupunta dito.
Bigla na lang akong nailang sa paninig nito sa akin. Joke lang,
bakit naman ako maiilang, ako nga mismo nanligaw tas maiilang paba ako. Pero ramdam ko na man ang panay lunok nito nang pinasadaan ako ng tingin. Ganun parin ang itsura nito, naka-suot ng makapal na salamin at medyo buhag hag rin ang buhok hindi daw kasi nito pwedeng kunin ang salamin nitong soot dahil malabo raw ang mata nito.
Halata naman, kaya nga nag-salamin...
"J-Jessie?" mahinang tawag nito sa akin bago ko kinuha ang aking helmet sa aking ulo . Sinadya ko talagang i-slowmo ang pagtanggal ko sa helmet para maging action star ang dating . Pati rin pagbaba ko sa aking big bike dinahan-dahan ko rin. Nagtaka naman ako nang bigla nanaman itong namula kahit wala naman akong ginagawang kababalaghan.
"Jacob, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko rito sabay punta sa gawi nito at agad kinapa ang noo nitong natatabunan parin ng makapal nitong buhok.
"O-okay lang," aniya nito pero namumula pa rin.
"Bakit ka namumula? Hindi ko naman hinawakan ang pagk----" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang tinakpan agad nito ang aking bibig. Bakit ba sa tuwing nagsasabi ako ng p*********i, nahihiya ito?
"Yung bibig mo, Jessie, baka marinig ni Lola," mahinang saway nito sa akin bago kinuha ang kamay nito sa bibig ko.
"Bakit ka nga namumula?" tanong ko ulit dito.
"Y-yung Spider-Man mong panty, n-nakikita," namumula namang saad nito sa akin. Ako naman biglang nanlaki ang mata. Ngayon lang ata ako nahiya, bakit ba kasi nag-slowmo pa ako. Spider-Man rin pala ang design ng suot kong panty. Hindi na rin ako nag-short kasi mainit nga.
Pero teka, ako nahihiya? Mayroon ba ako nun?
"At bakit ba yan ang suot mo? Hindi pa talaga nagsoot ng panloob," seryosong saad nito sa akin.
"Mainit kasi," sagot ko bigla nalang akong nagulat nang hinila ako nito bigla. Dala-dala ko pa naman ngayon ang pizza at helmet ni hindi manlang nito naisip na ilagay muna ang dala ko bago ako nito hilahin
Hindi ko alam kung saan na naman ako nito dadalhin. Basta dumaan lang kami sa liblib na lugar
"Jacob saan ba Tayo pupunta" nagtatakang tanong konaman dito, dahil sa mga puno na ang nadada-anan namin at halos wala narin akong bahay na nakikita
wait! wag mong sabihin dito nanaman namin gagawin ang ginawa namin sa likod ng Uneversidad kahapon, wala namang problema dahil tapos nanaman ang dalaw ko pero dapat sagutin mona ako nito bago gawin namin yon olit.
"saan Tayo pupunta Jacob"tanong ko nanaman oli rito medyo marami narin kasing mga bato ang dinaanan namin hanggang sa mapunta kami sa Isang bundok
tayka bundok? may nakatagong bundok pala dito ?..sabagay hindi rin naman mapapansin Kong hindi talaga sadyang alam ang lugar na ito
"Jacob dito ba natin gagawin olit " takang tanong dito, nang makahinto na kami nang tuloyan sa pag lalakad
"'Ang alin?'" Ito naman ang nagtataka.
"'Yung ginawa natin kahapon sa likod ng Unibersidad," nakangiting sagot ko dito pero umiling lang ito.
"Damn! Jessie, wag madumi ang utak , Tumingin ka na lang sa kaliwa mo," sabi nito sakin,kaya agad ko iyong sinunud . Gayon na lang ang pang laki nang mata ko dahil sa pag kamangha .
Hindi ko alam na may magandang tanawin pala dito. Akala ko simpleng bundok lang hindi ko rin napansin kanina,
Napaka-aliwalas ng tanawin wala Kang makikitang kabahayan at puro bundok lang. Kahit pa sobrang init, hindi mo iyon mararamdaman dahil sa mga punong nagsasayawan at medyo malakas din ang hampas ng preskong hangin.
Mas nagulat pa ako dahil mayroon din palang ilog dito. Kaya pala parang may maingay kanina sa likod ko. Ito lang pala sobrang linaw rin ng tubig at klaro rin ang malalaking bato na pwedeng upoan nang Isa o dalawang tao.
"Napakaganda dito," namamanghang saad ko kay Jacob bago niya kinuha ang helmet at pizza kong dala. Hindi ito sumagot sa akin, bagkus ay ngumiti lang ito na kinangiti ko rin.
Sumunod naman ako dito nang pumunta ito sa malaking bato at parang ina anyayahan akong umupo doon. Kaya naman wala na akong pagdadalawang-isip at umupo na agad rin naman itong umupo sa tabi ko.
"Jacob, paano mo nalaman na may ganito palang lugar dito?" Tanong ko rito habang namamangha pa rin na nakatanaw sa paligid. Nakakatuwa rin pagmasdan ang mga ibon na lumilipad, pati huni nila napakasarap ring pakinggan.
"Noong namatay si Mama, 'yon din ang araw na natagpuan ko ang lugar na ito," sagot nito na kinabuntong hininga ko. Ramdam ko na ang lungkot sa mga mata nito. Sino nga ba ang hindi malulungkot?
"Jacob, hindi naman sa minamadali kita pero kailan mo ba talaga ako sasagutin?" Biglang tanong ko rito. Mabuti naalala ko na ito rin pala ang sadya ko bukod sa gusto kong makasama ito.
Hindi ko naman talaga ito minamadali pero hindi rin ako makapaghintay na sagutin ako nito.
"J-jessie, hindi kita gusto," sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin. Medyo may kumirot din sa puso ko dahil sa sinabi nito. Bakit, may nagugustuhan na ba itong iba kaya hindi man lang ako nito magustuhan?
Pero hindi pa rin ako naniniwalang hindi ako nito gusto. Hello, kinain na kaya ako nito tapos sasabihin lang nito na hindi ako gusto. At wala rin akong pakialam kung gusto nito ako o hindi dahil sa ayaw at sa gusto nito, sasagutin ako nito ngayon.
Kaya wala na rin akong pagpipilian at inilabas ko na ang aking baril na ikinagulat nito.
"Jessie, anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nito sa akin. Alam ko na nagtataka ito kung saan ko nakuha ang baril na hawak ko pero hindi na iyon importante,
seryoso naman akong nakatingin dito. Kung hindi ko ito makukuha sa santong dasalan, kukunin ko ito sa santong paspasan.
"Ngayon, gusto mo ba ako, Jacob?" Seryosong tanong ko habang nakatutok ang aking baril sa tagiliran nito. Para atang hindi na ito makasagot dahil sa gulat.
"Sagutin mo ako, Jacob, dahil hindi ako magdadalawang-isip na kalabitin ang gatilyo nito," sabi ko sa dito kahit wala namang bala ang dalang baril ko. Hindi naman ako baliw para tutukan ito ng may bala.
"Jessie..."
"Isa, gusto mo ba ako o hindi?" Ulit kong tanong sa dito.
"Gusto... pero Jessie," nag-aalangan sagot nito sakin ngonit sobrang linaw sa akin ang una nitong sinabi.
Gusto naman pala ako nito, kaya ano nga ba ang pumipigil dito na sagutin ako?
"Wala nang pero-pero, Jacob. Sasagutin mo ba ako o itong baril ko ang sasagot sayo?" Seryosong tanong ko pa rin sa kanya. ito naman parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Namumutla nga ito na parang nakakakita ng multo.
"Sasagutin... pero Jessie, hindi tayo bagay," deretsong sagot nito na parang nahihirapang magsalita.
Nguni't bigla na lang nag-init ang ulo ko sa sinabi nito. At sino ba ang gusto nitong bumagay dito? Mas maganda ba sya sa akin? Kaya sa inis ko, mas dinikit ko pa lalo ang aking baril sa tagiliran nito.
"At sino ang nababagay sa iyo? Sabihin mo na para sumabog agad ang ulo," walang kaabog-abog kong saad rito. Walang nababagay rito kundi ako lang.
Abay, malaki na ata ang nagastos ko tas iba lang ang makikinabang.
"Hindi, Jessie. Ang ibig kong sabihin, hindi ako nababagay sa iyo. Masyado kang mamahalin para sa isang katulad kong mumurahin at walang maipagmamalaki kumpara sa mga nagpapapansin sa iyo. Masyado kang perpekto, Jessie, kaya bakit ako? " mahabang lintana nito na kina hinto ko ,ito lang pala ang dahilan Kong bakit ayaw ako nitong sagutin dahil sa tingin nito hindi ako ang nababagay sa Isang katulad nito at bakit nga naman hindi ito .
para saakin walang dahilan para hindi ko ito ligawan o magustohan
ngonit masyado naman ata nitong pinapababa ang sarili
" walang makakapag sabe at makakapag desisyon Kong sino ang nababagay saakin dahil ako lang ang maaaring makapag desisyon at gusto Kong ikaw ang nababagay saakin jacob, at wala akong pakialam sa kong anong kaya nilang ipagmayabang " sagot rito bago ko ibinalik ang baril sa aking binti
"Hindi din ako ganoon ka perpikto tulad nang iniisip mo " dugtong kupa ang totoo nga mukang ito pa ang mas perpikto kaysa saakin dahil sa marami na akong nagawang kasalanan, Hindi lang pang karaniwang kasalanan siguro nga sinosunog na ang kaluluwa ko sa imperyo, kahit buhay pa ako.
"Damn, ano bang nagawa kong mabuti at binigyan ako ng isang katulad mo, Jessie?" Namumungay ang mata nitong saad sa akin, para din namang may humaplos sa puso ko nang bigla nitong haplosin ang pisngi ko. Sobrang napakaganda talaga ng mata nito.
"Natatakot ako, Jessie. Baka hindi ko maibigay ang mga gusto mo," lintanya nito, pero ngumiti lang ako bilang sagot at bago isinandal ang aking ulo sa balikat nito.
"Bakit ka naman matatakot? Wala naman akong ibang hinihingi kundi ikaw lang," sagot ko rito. wala nang importante saakin kondi ito bukod kina vica.
Masasabi kong sobrang saya ko ngayon. Bukod sa kami na ni Jacob, ngayon ko lang rin naranasan ang ganitong romantikong pangyayari. Napakasarap pala sa pakiramdam.
"Jacob, pakasal na tayo!" biglang aniya ko dito, kaya naman ay bigla itong napatayo dahil sa pagkagulat.
Alam ko namang sobrang maaga pa, pero bakit pa patatagalin kung sa huli ay magpapakasal rin naman kami?
"Jessie, seryoso ka ba?" tanong nito sa akin. Alin ba ang hindi seryoso doon? Wala naman akong sinasabi dito na hindi ko sineseryoso.
"Seryoso ako, Jacob, kaya wag ka nang magreklamo," saad ko rito na parang isang simpleng bagay lang.
"Jessie, hindi naman sa ayaw ko, pero napaka aga naman ata," saad nito sa akin. Nguni't ngumiti lang ako.
"Jessie, ayan, kana naman," aniya nito na naka-taas na ang kamay kahit wala naman akong ginagawa.
natakot seguro ito dahil may kinuha nanaman ako sa aking tagiliran.
"Ano ka ba, Jacob? Ito lang naman ang kukunin ko," tukoy ko sa isang maliit na kahon. Bumili rin pala ako kanina ng singsing kasi plano ko talagang pakasalan ito. Dalawang singsing rin ang binili ko para pareho kami.
Galing ko, 'di ba?
"Jessie, ano 'yan?" takang-tanong nito.
"Ano pa, i-de-singsing. Lumuhod ka, dali, tapos sabihin mo, 'Will you marry me, Jessie?'" Na-excite kong utos dito, pero hindi man lang ito gumalaw at nanatiling nakatulala lang habang naka tingin sa akin. Kaya ang ginawa ko, kusa ko nalang itong pinalohod at pinahawak ang binili kong singsing.
ang bagal Kasi..
"Jacob, ano ba? Magsalita ka, sabihin mo, 'Will you marry Jessie?' dali!" Na-iirita kong utos dito. naka-tulala parin kasi ito.
"Jessie, sigurado ka ba?" tanong nito nang mabalik na ito sa sarili.
"Oo, kaya dali na."
"O-okay, Jessie, w-will you marry me?" Nauutal nitong saad habang naka-luhod sa aking harapan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, pero ang masisiguro kolang ,walang ma paglagyan ang tuwang nararamdaman ko sobrang sarap, para akong dinuduyan.
"Oh my God, Jacob, totoo ba 'to? Sandali, pag-iisipan ko muna," konwaring gulat ko. Ito naman nagtaka rin sa naging reaksyon ko.
bakit bawal bang mabigla.
"Sige na nga, kung hindi lang kita mahal eh," aniya ko rito nakunwari'y napipilitan lang. Kahit ang totoo, ako naman ang may pakana. Nakangiti naman akong inabot ang aking kamay dito.
Mas lalo pa akong napangiti nang isinuot na nito ang singsing sa daliri ko. Ang totoo, gusto ko nang umiyak sa tuwa. Ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Hindi rin maipagkakaila na sobrang bagay sa akin ang singsing.
syempre ako ang bumili.
"I-suot mo rin sa iyo, Jacob, dali," exited kong utos dito.
"Wag mo na ngayon," aniya nito na kinawala ng ngiti ko. Bakit ayaw ba nitong magkapareho kami ng singsing?
O baka gusto lang talaga nitong suotin sa mismong kasal namin.
"Bakit, kailan mo ba gustong suotin sa kasal ba natin?" tanong ko dito.
"Hindi gusto ko ikaw mismo ang magsuot nito sa akin Kapag nasa huling hantungan na ako."