JACOB POV.
_______
"Apo, bilisan mo na." Untag na anya sa akin ni Lola. Iwan ko kay Lola, bigla nalang ako nitong inaya na magsimba kaya't nagmamadali akong mag bihis ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit barong ang pinasuot sa akin ni Lola. Ayaw ko sanang suotin 'yon, ngunit sabi raw nito para magmukhang tao daw ako. Ano bang palagay sa akin ni lola? Hindi mukang tao.
Nagtaka rin ako hindi naman kasi araw ng Linggo ngayon, kaya bakit may Simba? Pero wala na akong magagawa, ang matanda na ang nagpumilit na magsimba raw kami.
Naka-liban, patuloy ako nang dahil kay Lola. Sabagay, minsan lang naman ito humingi nang pabor.
Baka pumasok ngayon sa Unibersidad si Jessie. Nasanay kasi akong palagi itong pumupunta rito sa bahay tuwing walang pasuk .
hangang bgayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Jessie., sobrang nagulat rin ako sa inasta nito kahapon. Nagawa patalaga ako nitong totokan ng baril para sagutin ko lang ito. Tinanong ko nga dito kung totoo ba 'yung baril na hawak nito, pero laroan lang daw 'yon, kaya nakahinga naman ako nang maluwag. Wala kasi akong alam sa baril kaya hindi ko matukoy kung ano ang laruan at totoo.
Ngunit kahit hindi pa ako nito totokan ng baril, sasagutin ko na ito. Ura mismo ang totoo nga, matagal ko na itong sinasagot sa unang panliligaw pa lang nito sa akin. Pero tila hindi ko 'iyon mabigkas tuwing nararamdaman ko ang presensya nito para kasing pag katabe ko ito gusto kolang ito palagi ang masusunod.
Ang tagpo namin kahapon ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko ,na halos wala nang paglagyan ang aking nararamdaman sa sobrang tuwa.
Masaya nga ako nang sinabi nito na wala itong pakialam sa lahat, basta kasama lang ako nito. Ngunit may nagbabadyang takot pa rin sa akin na baka dumating ang panahon na ako mismo ang dumurog sa magandang puso nito. Ayaw ko mangyari i'yon ngunit paano kung ang kapalaran na nga ang mag-alay sa amin ng ganoong kapalaran?
"Apo, ano kaba? Tayo na," aniya ulit ni Lola. Kaya naman nabalik ako sa realidad ,dali-dali na narin akong lumakad para lumabas natagpoan ko nga si Lola na bihis na bihis, tila ba may-dadaluhang kasal dahil sa suot nito.
Si Lola talaga.
"Hali ka na, apo, baka mahuli ka," sabi ni Lola ngunit hindi ko ito maintindihan.
"Lola, bakit ganyan po ang inyong suot?" tanong ko kay Lola nang makasakay na kami ng tricycle.
"At pinagsuot nyo patalaga ako ng barong kahit magsisimba lang naman tayo," dugtong ko pa.
"Ano kaba apo? Tama lang ang suot natin ngayon at tingnan mo nga, bagay na bagay sayo," nakangiting sagot ni Lola saakin . ngonit hindi ko na lamang ito pinansin at tinuon na lamang ang tingin sa harapan.
Hanggang sa makarating kami sa pinakamalaking Simbahan dito sa lugar namin, agad namang napakunot ang noo ko dahil sa medyo marami-rami rin ang mga tao. Alam ko naman na marami talaga kapag nag-sisimba, pero bakit iba ang kanilang kasuotan? Lalo na sa mga babae, naka-ayos sila ng puting bestida at may belo pa ang ulo. Sa mga lalaki naman, naka-barong rin katulad ko. parang sa mga nakikita kong kasuotan nila ngayon, para talaga silang ikakasal.
Dika kaya dadalo lang talaga kami ng kasal ni lola, pero wala naman akong nabalitaan na kakilala ni Lola na ikakasal. O baka hindi ko lang talaga alam. ngonit bakit sinabi ni Lola na mag-sisimba lang daw kami? Bakit dinala niya ako? Sana nag sabe na lang sana ito na dadalo lang pala kami ng kasal , kailangan ba talaga kasama ako sa pagdalo .
"Apo, ano kaba? Bumaba ka na riyan dahil kailangan munang pumila," aniya ni Lola sa akin. Kaya dali-dali na akong bumaba sa tricycle, pero agad naman akong napakunot sa sinabi nito.
Pumila? Saan 'diyan? Sa mga pumipilang ikakasal? Anong kinalaman ko d'yan?
"Saan, Lola?" tanong ko rito.
"Saan pa, apo? 'idi doon," turo nga nito sa mga pumipilang magkaparihang ikakasal . Ngayon Kulang rin napagtanto na kasalan ng bayan pala ito.
Ngunit bakit naman ako sasama sa pila nila? Hindi naman ako ikakasal.
"Lola, anong kinalaman ko sa kanila hindi naman ako ikakasal at bakit hindi mo na lang sinabi na dadalo lang pala tayo ng kasal? Sana hindi na lang ako sumama," ungot ko kay Lola. dahil kung may ikakasal man diyan hindi ko kilala at si Lola lang naman ang naka kilala.
"Ay nako, hindi iyon maaari, apo. Halika ka na nga," aniya ni Lola bago ako hinila nito , ako naman ay nagpahila na lamang.
Hanggang sa makarating na nga kami sa mga magkaparihang pumipila at naghihintay ng kanilang paglalakad.
Hindi ko rin malaman kung bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon. Para akong kinakabahan, na hindi ko mawari kung bakit.
"Ito na ba ang groom ni miss agullion?" tanong nang Isang babae alam ko Kay lola ito nagtatanong ngonit alam Korin na ako ang tinotukoy nito.
groom ? sino Ako?
"oo ito nga " sagot ni Lola na kina bigla ko tayka anong ibigsabehin nito ?
nang mag tatanong pasana ako hindi Kona natuloy dahil sa pag dating nang Isang babaeng nag iisang nag mamay ari nang puso ko, Hindi ko alam ngonit mas Lalo pang bumilis ang pag t***k ng puso ko nang muli Kong masilayan ang maamo nitong mukha, kakababa lang nito sa big bike parang hindi korin ma alis ang aking paningin sa mukha nito ngayon
alam Kong palagi itong maganda saaking paningin ,ngonit kakaiba ngayon mas Lalo pa itong gumaganda maslalong bumabagay rito Ang soot nitong puting bestida may nakalagay ring bilo sa ulo nito na maslalong nag palitaw sa kaputiaan nitong taglay na aking kinangiti , nakatingin ito saakin napansin korin ang dala nitong Isang pung-pung na mga bulaklak
tila ba naging mabagal ang galaw nito nang maglakad ito patungo sa gawi ko parang lahat ata nang galaw nito binabagayan nang musikang ako lamang ang nakakarinig
kaya hindi ko tuloy magawang igalaw ang aking katawan at patuloy lamang nakatulala habang nakatingin rito. Ito lang ata ang pinakamagandang bride na nakita ko sa buong buhay ko at wala nang mas pinakamaganda rito dahil ito lang ang nagtatangi na pinaka maganda sa mata ko.
Pero nagtaka naman ako kung bakit ganyan ang itsura nito, para rin itong ikakasal. Tayka ikakasal? Kanino? Bakit ito ikakasal? Akala ko ba mahal ako nito? 'Yon pala ikakasal na ito. Para atang sumakit ang puso ko sa naiisip ko ngayon.
"Oh ito na pala ang bride n'yo, sir. Sobrang napakaganda ng iyong bride, sir. Napakaswerte n'yo naman," kinikilig na sabi sa akin ng babae na kausap kanina ni Lola. Ngunit sino ba ang tinutukoy nito? Imposible rin namang iba ang sinabihan nito dahil sa akin rin naman ito naka-tingin.
Ngunit ano bang sinasabi nito? Kaninong groom? Imposible sa akin. Pwera na lang kung Tama ang hinala ko.
Teka, mukhang tama nga ako. Ginawa siguro nito dahil alam nitong hindi ako papayag. Hindi naman sa ayaw ko itong pakasalan dahil kahit naman ako ay gusto ko itong maging akin, ngunit ayaw kong ako ang maging dahilan kung bakit hindi nito magawa ang mga bagay na gusto nitong gawin dahil nakatali na ito sa akin. Gusto kong i-enjoy muna nito ang pagiging dalaga at saka sobrang aga pa para matali ito sa isang katulad ko.
Baka kasi pag-gising nalang nito isang araw, hindi pala talaga ako nito mahal at tanging illusion lang ang lahat
"Apo, bakit ka natulala riyan? Sabagay, sobrang ganda naman ni Jessie ngayon. Pero umayos ka, apo," aniya ni Lola. So tama nga ako, alam pala ni Lola ito.
"Lola, tayka, ano 'to? Akala ko mag-sisimba lang tayo, bakit may ganito?" takang tanong ko kay Lola.
"Ano ka ba, apo? Ikakasal ka ngayon, ikaw ha? Hindi mo sinabeng sinagot muna pala ang manliligaw mo," aniya ni Lola sa akin. Alam ko naman na magaan na ang loob ni Lola kay Jessie, pero ngayon tila kampante na talaga ito para sa amin.
"Napakagwapo mo ngayon, Jacob," biglang puri sa akin ni Jessie nang nakalapit na ito sa gawi namin, kaya naman bigla tuloy akong nahiya.
"Aalis muna ako, mga apo," aniya ni Lola sa amin. At "apo" patalaga ang tawag nito kay Jessie.
"Jessie, ano na naman 'to?" tanong ko kay Jessie. Kahit hindi ko pa rin maalis ang aking paningin dito, sobrang ganda talaga nito kahit may kuloriti man o wala.
" anong ano nanaman to?, diba sabe ko nga Sayo mag papakasal tayo " simpleng sagot nito saakin
"alam ko Jessie pero hindi konaman sinabe sayo na ngayon na ,at tyaka subrang napaka aga pa para sa ganito Jessie"
"Ano ka ba, wala namang pinagkaiba kung magpapakasal tayo ngayon o bukas o kahit kailan. Dahil sa huli, magpapakasal rin naman tayo. Kaya bakit hindi ngayon?" mahabang litanya nito sa akin.
Kakaiba talaga ang babaeng 'to kaya mas lalo akong humanga rito.
"Pero Jes--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila na ako nito. Ngayon ko lang napagtanto na kami na pala ang maglalakad. kaya wala na akong nagawa sinabayan nalang ito sa paglalakad lahat nang mga kagaya naming ikakasal rin napapatingin saamin namay pagka mangha alam konamang sa babaeng kasama ko ang hinahangaan nila dahil sa Ganda panaman nito , Kahit sinong tao mapapa hanga talaga rito mapababae man o lalaki.
kita kita korin si Lola sa tabe na tila umiiyak dahil sa panay pahid nito sa mata.
Hanggang sa makarating nanga kami sa harapan para pumirma ng papel na magpapatibay na mag-asawa na kami. Sa pagkakaalam ko, marriage contract iyon.
Ramdam ko ang kasiyahan sa mukha nito at wala rin itong pag-aalinlangan pinirmahan ang marriage contract. Ako naman tila hindi ko alam ang gagawin. Masaya ako ngayon, ngunit parang hindi pa talaga ito ang tamang panahon para matali ito sa akin.
"Oh, ikaw naman, Jacob, pirmahan mo na, dali," dinig kong utos sa akin ni Jessie. Kaya napagtanto kong tapos na pala ito sa pag-perma at ako na lang ang hinihintay.
"Jessie, sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong ko rito.
"Oo, siguradong sigurado Jacob. Alam mo kanina pa kita napapansin. Ayaw mo ba akong pakasalan?" parang naiirita nitong tanong sa akin.
"Hindi naman sa ganon, Jessie. P-pero ka--" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may binunot nanaman itong bagay sa hita . Hindi na sana ako matatakot dahil baka baril na laruan lamang ang dala nito. Ngunit nakita ko kung paano nito kinasa ang isang kalibre na baril kaya na pagtanto Kong totoo talaga.
Jusko naman, at dito pa talaga sa simbahan.
"Alam mo nang hindi ito laruan na baril Jacob, kaya ayusin mo ang desisyon mo, ," seryosong sabi nito sa akin na kinatakot ko. Saan koba na pulot itong magandang babae na 'to at bakit ganito ang ugali ?
"Jusko ko," rinig kong sambit ng mga kasama namin. Pati rin ang pari , parang gusto nang tumakbo dahil sa takot bahagya pa itong nag sign of the cross. maging si Lola nagulat rin sa inasta ni Jessie
"J-jessie, h-hindi magandang biro 'yan," nauutal kong aniya rito ,kahit hindi ko man sabihin halatang kabado ako.
"Hindi ako nagbibiro, Jacob. Kaya ko itong ipaputok sayo ngayon. Kaya mamili ka sasamahan mo ba ako habang buhay o Hanggang dito ka nalang habang Buhay" seryosong usal nito sakin habang naka totok parin saakin ang kalimbre nitong baril bakit ba palagi ako nitong tinatakot
"parang awa mona permahan mona masisira ang kasal namin " paki usap nang mga tao rito ramdam korin Kasi ang pag katakot nila
kaya wala nanga akong nagawa at pinirmahan konalang ang contract na mag papatibay na akin na si Jessie asawa Kona ito nakakahiya mang aminin pero napakasarap isipin na asawa Kona si Jessie ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa boong mundo.
tila nakahinga naman ang lahat nang tao rito, nang ibalik na ni Jessie ang kanyang kalibre sa kanyang hita . ako naman ganoon rin para rin nawalan ako ng tinik sa dibdib.
"Pasensya na po kayo," hinging ko paumanhin ko sa lahat.
Si Jessie kasi, kung ano-ano na lang ang ginagawa.
"Pe-perma naman pala, eh," aniya sa akin ni Jessie na nakangiti. Hindi nalamang ako sumagot at nanatiling nakatingin lang dito.
Sa lahat ng ginagawa ni Jessie , palagi na lang akong nasusupresa. Sana ako naman ang magbigay dito. Palagi na lang kasi itong nagbibigay sa akin. Kaya minsan, nahihiya nalang ako dito dahil sa halip na ako ang gumawa ng paraan para sa aming dalawa, tila ito pa ang gumagawa ng mga bagay na iyon.
Nang makita ko na naghalikan ang lahat ng magkapareha na tulad namin,ganoon rin ang ginawa ko. Wala ring pag-aalinlangan, korin itong hinalikan sa labi.
Kong may mahihiling man ako ngayon ay sana bago tawagin ng langit ang aking pangalan, ay sana magbunga muna ang aming pagmamahalan.