,
"Ate sino siya" tukoy ni vica Kay Jacob pagkatapos Kasi nang kasal namin dumiretso na agad kami sa bahay ko si Lola naman umalis na pagkatapos nang kasal namin may pupuntahan raw Kasi ito kaya pinabayaan ko na lang.
"Asawa ko, vica" walang pagdadalawang isip kong sagot rito tutal ito na naman ata ang tamang panahon upang malaman nilang may kasintahan na ako ,hindi na pala kasintahan asawa ko na pala.
May pagtataka naman itong tumingin sa akin tila ba hindi pa ma-proseso sa utak nito ang sinabi ko.
"Ha? Asawa?" takang tanong nito sa akin.
"Oo, asawa ko na siya, Vica," aniya ko rito kaya naman bigla itong napatingin sa suot ko ngayon.
"Ha? Kailan ate?" tanong naman nito ulit sa akin. Si Jacob naman ay nanatiling nakatingin lamang dito.
"Ngayon lang," simpleng sagot ko.
"Ah, kaya pala ganyan ang suot mo," patango-tango nitong aniya sa akin. Kahit ramdam ko pa rin ang pagka-bigla sa mukha nito.
"Sorry, Vica, hindi ko kaagad nasabi sa inyo," hinging tawad ko rito umiling naman ito sakin at ngumiti bilang sagot.
"Okay lang, ate, hindi mo naman kailangan humingi ng tawad. Congratulations nga pala sa inyo," nakangiting bati nito sa amin kaya naman agad akong napangiti.
"Salamat, Vica. Siya nga pala, si Jacob," pakilala ko kay Jacob na hanggang ngayon parang tuod pa rin na hindi makagalaw sa kinatatayuan.
"H-hi, masaya akong makilala ka," aniya ni Jacob kay Vica.
"Ako rin, kuya Jacob. Pasok kayo," sagot nito kay Jacob kaya agad naman kaming pumasok
Hanggang ngayon ata klaro pa rin ang namumugtong mata ni Vica, tila ba isang linggo na walaparing tulog.
"Tiyanga pala Vica, Ang mga bata asaan?" tanong ko rito nang mapansin kong hindi Pala nito kasama ang mga bubwit.
"ay Oo nga pala, ate, nasa sala sila, nanonood na naman ng palabas," sagot nito sa amin bago kami pumunta sa sala. Naabutan nga namin ang tatlong nanonood ng palabas. Hindi ko rin alam Kong ano ang pinapanood nila .
"My girlfriend is here," aniya ni Kori, kahit hindi naman ito nakatingin sa akin.
"Pano mo nalaman?" takang tanong ni mika kay Kori habang nakatingin pa rin ito sa pinapanood nilang palabas.
Oo nga naman, pano ba nito nalaman na narito ako kung hindi naman ako nito tinitignan o napapansin.
"Because of my girlfriend smell," sabay lingon nito sa akin na kinangiti ko Ang cute talaga nito, sobrang mapilyo nga lang.
Pero, teka, sa amoy ko? May lahing aso ba ito at pati amoy ko ay nalalanghap nito agad?
"Tama nga ako," nakangiting bulalas nito bago pumunta sa gawi ko upang magpakarga na kinarga ko naman agad . Nasanay na rin ako sa ganitong tagpo namin na minsan nagpapakarga sila sa akin.
Nakita ko naman kung paano kumot ang noo ni Kori nang tumingin ito kay Jacob. Maging si Carter ay ganoon rin.
"Sino siya, my girlfriend?" tukoy ni Kori kay Jacob.
"Siya si Jacob, Kori. Ang magiging kuya nyo," sagot ko kay Kori bago ako tumingin kay Jacob na nakangiti Pala itong nakatingin sa akin bago nag-iwas ng tingin .
"So, ibig sabihin aampunin mo rin siya, ate ganda?" biglang tanong ni mika sa akin na kinatanga ko dahil sa maling pagkakaunawa nito.
"Hindi, Mika, ang ibig kong sabihin kuya na dapat ang itawag nyo sa kanya dahil asawa ko na siya," sagot ko rito na kinatingin sa akin ni Carter na may pagtataka.ngonit hindi parin naman ito nag sasalita
"Asawa?" takang tanong ni Kori sa akin.
"Pareho sa papa at mama ko, ate ganda?" aniya sa akin ni Mika na kinatango ko bago tumingin nanaman kay Carter na hanggang ngayon nakakunot pa rin ang noo.
Si Kori naman tila hindi makapagsalita at nanatili lamang nakatingin kay Jacob na nakakunot ang noo.
"Ganon ba, ate?" aniya sa akin si Mika sabay tayo nito sa pagkakaupo at pumunta sa gawi namin.
"Hi, kuya, pakarga naman," nakangiting aniya ni Mika kay Jacob. Si Jacob naman nabigla ata satingin ko ngayon lang siguro ito nakalapit sa bata.
Dibale na, gagawa rin naman kami eme!
"S-sige," sagot ni Jacob at agad nga nitong kinarga si Mika na hanggang ngayon nakangiti paring naka-tingin kay Jacob.
"Carter, halika dito," nakangiti kong tawag kay Carter na agad naman itong pumunta sa akin. Ibababa ko na sana si Kori ngunit para itong tuko na kapit na kapit sa akin kaya pinagpatuloy konalang ang pag buhat rito
Hinalikan ko naman si Carter sa noo bago kami pumunta sa kusina. Nakapagluto na raw kasi si Vica kaya syempre kakain na kami.
"Jacob, upo ka na," aniya ko kay Jacob nanatili pa rin kasi itong naka-tayo na parang nag-aalalang umupo. Iwan ko ba dito kay Jacob.
Mabuti naman, at umupo rin ito.
Hindi naman nagtagal nagsimula na rin kaming kumain.
_________
"Vica, gusto nyo bang sumama sa amin?" tanong ko kay Vica pagkatapos nga naming kumain kanina dumiritso na agad kami ni vica sa sala. Pupunta pala kami ngayon sa Bohol para sa honeymoon namin ni Jacob akala nyo naka limutan ko yon Hindi oyy!!.. yon nga hinihintay ko
" hindi na ate baka makaka abala pa kami sa inyo dito nalang kami nang mga bata" sagot nito sakin
"okay lang naman vica Kahit sumama kayo samin " aniya ko rito sila lang Kasi dito sa bahay Kong iiwan ko sila at tiyaka Isang linggo rin Kaming mawawala
"Hindi okay lang talaga ate at may pasuk rin naman kami kaya wag mo na Kaming alalahanin ako nang bahala sa mga bata " sagot nito sakin na kinangiti ko, pagkatapos rin kasi naming kumain kanina bumalik rin sila kori sa panonood nang palabas kasama na doon si Jacob dahil ayaw Kasing mag pababa ni mika Kay Jacob kaya sumabay nalang ito sandali lang rin naman ang panonood nila nang palabas dahil sa agad kona silang pinatulog maaga pa ,Kasi silang papasuk bukas mukang hindi rin ata ako makakapag paalam sa kanila nang maayos.
Naroon rin si Jacob sa silid ko dahil nakatulog kasi si Mika sa bisig ni Jacob habang nanonood nang TV. kaya naisipan nalang rin nitong ihatid sa silid ko upang hindi na magising si mika Iwan ko rin kung bakit hindi pa rin lumalabas si Jacob sa silid ko
"Sigurado ka?, isang linggo rin kaming mawawala?" aniya ko rito Kong sa pagkain nila ang pag uusapan ,Wala namang problema, marunong rin namang mamalengke si vica kung sakaling maubosan sila ng pagkain.
"Okay lang talaga kami ate, mag-enjoy na lang kayo doon. Ako na rin ang magpapaliwanag sa mga bata bukas," nakangiting sagot nito sa akin na kinabuntong hininga ko bago ngumiti at niyakap ito. Sana lang kapag may problema ito, maisipan nitong magsabi sa akin.
Ito rin kasi napapansin ko kay Vica, sobrang palangiti nito ngunit ayaw nitong nakakaabala ng tao, ayaw nitong nakakadagdag ng sakit ng ulo. Pero hindi naman ganon ang tingin ko sa kanya.
"Salamat, Vica," aniya ko rito bago kumalas sa pagkakayakap rito. Papuntahin ko na lang rin ang Lola ni Jacob para may kasama rin sila Kahit papano.
Naka-impake na pala kami kanina, syempre matik yan.
Nagtaka nga pala si Jacob kanina Kong saan raw kami pupunta. Alam ko naman hindi lang pagtataka ang nararamdaman nito kundi pagkabahala rin sa gastusin na wala namang problema dahil libre lang naman kami doon sa pupuntahan namin. Pabuya rin kasi iyon ng boss ko dahil sa nagawa ko nang mabuti ang missiong pinapagawa nito. Pati rin ang pag-book ng ticket, sila na rin ang bahala.
Dahan-dahan nanga akong pumasok sa loob ng silid ko. Naabutan ko naman sina Jacob na nakahiga. Napagtanto ko rin na nakatulog pala ito, bahagya pa itong nakayakap kay Mika si mika rin naman ganoon rin .
Kaya pala hindi na ito nakalabas. Naka-hubad ang salamin nito ngayon kaya klarong-klaro ang gwapo nitong mukha. Ayaw ko sana itong gisingin sa mahimbing nitong pagkakatulog, pero kailangan dahil baka mahuli na kami sa byahe namin ngayong gabi.
"Jacob, asawa ko," malambing kong sabi rito. Hindi parin ito nagising, kaya ang ginawa ko hinalikan konalang ito sa labi na hindi naman ako nag kamali dahil dahan dahan nga nitong minulat ang mata . Ako na rin mismo ang nagsoot ng salamin nito para agad nitong makita ang kagandahan ko.
"Jessie?" aniya nito sa akin bago dahan-dahang bumangon.
"Aalis na tayo," pabulong kong aniya rito. Baka kasi magising yong tatlong bata na mahimbing na natutulog.
Agad namang tumango si Jacob bilang sagot bago pumunta sa mga bagahi namin. Sabay rin kaming lumabas ng silid, ngunit bago ako makalabas nang tuloyan, hinalikan ko muna sila isa-isa at tuloyan na talagang lumabas.
"Vica, aalis na kami. nga pala, pupunta rito bukas ang Lola ni Jacob para naman may kasama kayo," aniya ko kay Vica medyo hindi rin kasi ako kampante na sila lang dito, kaya mas mabuting papuntahin ko na lang si Lola para pag may panganib, si Lola ang mauuna at Hindi sila vica. Biro lang...
"Sige ate, ingat kayo," sagot sa akin ni Vica bago kami tuluyang umalis. Nakasakay pala kami ngayon sa sasakyan ng amo ko dahil sabi konga sa inyo, sila na ang bahala. Pati kong Anong sasakyan namin papuntang Bohol.
Hindi naman umabot ng isang oras dahil agad Kaming nakarating sa airport, kaya agad rin naman kaming bumaba at naglakad para pumunta sa eroplanong sasakyan namin.
"Jessie, anong gagawin natin sa Bohol?" biglang tanong ni Jacob sa akin habang naglalakad kami.
"Ano pa, ide-mag-honeymoon," sagot ko rito.
"Ha! Bakit?" biglang aniya nito na kinatigil namin sa paglalakad. Grabe naman ata kong maka-react to.
"Anong bakit, Jacob? Ano bang ginagawa pag bagong kasal, ide-mag-honeymoon," sagot ko rito at hinawakan na lang ang kamay nito upang sabay kaming makapaglakad. Mabuti naman at hindi na ito nag-salita pa ulit.
Wala ba talaga itong alam sa ganitong bagay? Pero bakit parang maka kain ito sa akin, ay wagas.
"Kayo ba si Miss Jessie's ma'am?" tanong ng isang flight attendant sa akin. Anong miss, pinagsasabe nito
"Yes, ako si Jessie, pero hindi na ako miss, misis na po ako," nakangiting sagot ko rito. Hindi ba nito napansin na may suot akong sing-sing? 'Yon nga lang dahil ako naka soot pero si Jacob hindi ,
Hindi Kori alam kong bakit ayaw nitong suotin ang wedding ring namin, pero hindi na 'yon importante dahil kasal naman kami.
"Okay, misis Jessie, maari na po kayong sumakay," tukoy nito sa eroplanong sasakyan namin. Naka-private rin pala kami, kaya wala ring problema kung makakatulog man kami sa byahe.
"Sige, salamat," sagot ko rito bago kami pumasok. masasabi kong private nga ang sinasakyan namin dahil sa pag kakaalam ko kami lang ang pasaherong narito.. sa itsura Pala nang eroplanong halata nang subrang napaka mahal .
Wala na nga kaming sinayang na sandali at agad na kaming umupo sa malawak na upuan. Si Jacob naman ganon rin umopo din ito katabe saakin kaya isinandal ko ang aking ulo sa balikat nito.
" Jessie dikaya masyadong mahal dito?" tanong sakin ni Jacob pati banaman dito yon parin ang inaalala nito
" wagkanang mag aalala sa gastosin Jacob" sagot ko rito bago ipinikit ang aking mata medyo nakaramdam din Kasi ako nang pagod buong araw rin Kasi Kaming walang pahinga
"Jessie, ano bang trabaho mo?" tanong nito na biglang kinamulat ko ,oo nga pala hindi kopa nasabe dito ang trabaho ko pano Koba sasabihin dito dahil sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaction nito pag nasabe Kona ang trabaho ko baka Kasi mas lalong humindi ito sakin
Hindi korin Kasi alam Kong mahal ba ko nito or napipilitan lang talaga itong pakisamahan ako
"s-security" pa iwas Kong sagot rito sana nga maniwala ito
"security? dikaya mapahamak ka sa trabaho mo "parang nag aalalang saad nito sakin na kinangiti ko Hindi ko alam Kong nag aalala bato sakin pero napakasarap pala sa pakiramdam Kong totoong nag aalala talaga ito sakin
"Hindi naman sanay narin ako " sagot ko rito naramdaman konalang ang pagtango nito
" mga kapatid moba yong mga bata kanina?" tanong nanaman nito sila vica siguro ang tinotukoy nito
"Hindi mga ampun ko sila" sagot ko rito na kinabigla nito ,sabagay nakakabigla naman talaga sinong mag aakala na makaka ampon ako nang apat na bata ,okay lang sana Kong mayaman ako pero hindi eh.
"ampon mo sila? bakit nasaan ba ang mga magulang nila?"
"ano pa ide iniwan sila utang naloob korin ang buhay ko Kay Vica kaya Inampon ko ito ,yong tatlong bata naman natagpuan korin sa lansangan kasama si vica kaya sinama Konarin" paliwanag ko rito
hindi narin ito sumagot saakin nagulat nalamang ako nang bigla nalang akong umangat sa eri napagtanto Kong binuhat napala ako nito at pinakandong sa kandungan nito na kinagulat ko
maslalo pa akong nagulat nang bigla ako nitong halikan ngayon lang ata ito naging ganito saakin
"paano mo ako nagustohan Jessie subrang layo mo sakin " mahinang usal nito sakin habang nakayakap na sa maliit Kong bewang ako naman hindi parin uma alis sa kandong nito
"subrang napaka bait mo Jessie kaya bakit ako?" dugtong panito ,pabalik balik nalang ang tanong nito Kong bakit ito raw ang napili ko
hindi korin alam ang sagot eh.
"bakit naman hindi ? wag kana ngalang mag isip nang ganyan Hindi naman importante Kong bakit ikaw at Hindi sila dahil Isa lang ang nakikita Kong rason Kong bakit ikaw ang pinili ko dahil mahal kita at tiyaka Jacob Hindi rin ako anghel tulad nang iniisip mo" mahabang lintana ko rito.