CHAP. 24

1266 Words
Isang buwan na rin kaming mag-asawa ni Jacob at wala na akong masasabi pa dahil sobrang napakasaya ko na. At mas lalong Wala na akong mahihiling dahil kasama ko na ang asawa ko na si Jacob. Magkakasama na pala kami ngayon sa iisang bahay. Ayaw sana ni Lola pumayag dahil nakakahiya raw pero pinilit ko parin kaya wala na itong nagawa pa. Alam ko kasing mag-aalala rin si Jacob kung mag-isa lang si Lola sa tinutuluyan nila. Malalim na ang gabi kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Sinadya kong talaga na hindi makalikha ng ingay upang hindi magising si Jacob na nasa tabi kolang mahimbing na natutulog, bahagya pang nakadagan ang kamay nito sa bewang ko. Naparabang ilang sandali mawawala ako sa tabi nito. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay nito sa bewang ko at agad na bumangon galing sa pagkakahiga. Pupunta ako ngayon sa hideout upang lakas loob na tumiwalag sa organisasyon. Total, wala naman inatas sa aking mission kailangan kong talagang umalis sa organisasyon na ginagalawan ko dahil natatakot ako. Hindi para sa akin kundi kina Jacob at sa pamilya ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari na baka mapahamak ang mahal ko sa buhay. Yan din ang Isang dahilan kung bakit wala pang nagmamahal sa mga kasapi ng organisasyon dahil natatakot sila sa pamilya nila. Natatakot sila sa maaaring mangyari sa mga minamahal nila kaya wala silang pagpipilian kundi gumawa ng pader para sa damdamin nila para hindi magawang umibig. Ngunit ako, hindi ako kailanman gumawa ng pader sa puso ko dahil akala ko walang sinumang lalaki ang magpapaibig sa akin dahil sa kadahilanang hindi man lang ako naaakit sa mga nagagandahang lalaking pumapalibot sa akin. Akala ko talaga pagpatay na lang ang papel ko sa buhay. Akala ko lang pala dahil simula nang dumating si Jacob, wala na akong ninanais kundi matali at makasama ito habang buhay. Alam kong hindi madali ang kakaharapin ko kapag tumiwalag ako sa organisasyon pinasukan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang consequences na haharapin ko ngunit wala na akong mas kinakatakutan pa kundi ang masaktan ang tinuturing kong pamilya ngayon. Dahan-dahan na nga akong nagbihis at pagkatapos, lumabas agad ako ng bahay. Hindi rin naman nagtagal, pinaharurot ko na agad ang aking big bike na walang lingon-lingon sa paligid kung may nakakita ba sa akin. Malalim na talaga ang gabi at tanging sinag lang ng buwan ang nag sisilbing ilaw sa kapaligiran. Sinadya kong talaga na gabi ang punta ko sa hideout dahil gabi lang din nagpapakita ang tinatawag nilang highest lord. Hindi ito lumalabas ng umaga kahit pa nakasuot ito ng maskara. Kalahating minuto rin bago ko narating ang hideout namin. Sumalubong agad ang mga kampon ng kadiliman sa akin ngunit hindi naman nila ako pinakialaman dahil alam naman nila kung sino ako. "Why did you come here?" bungad na tanong sa akin ng under boss namin. Ganito talaga ito magsalita, sobrang seryoso. Tila ba hindi marunong ngumiti, mapaglaro din ito lalo na sa mga babae. Tiningnan ko lang ito ng nakataas noo. "Kailangan kong makita si highest lord." Diretsong sagot ko dito kaya naman napatingin ito sa akin na parang iniobserbahan ako. Siguro nagtataka ito, alam naman namin na hindi nagpapakita si highest lord sa amin. Pati nga ito na under boss hindi pa rin nakikita ang mukha ni highest lord pero hindi ko naman kailangan makita ang mukha nito, ang kailangan ko lang sabihin na aalis na ako sa organisasyon. "You knew that the highest lord would not show up." Seryosong sabi nito sa akin. "Alam ko, hindi ko naman kailangan makita ang mukha niya. Kailangan ko lang maka-usap ang highest lord." Sagot ko rin dito habang nilalabanan ang seryoso nitong titig. Ganito talaga dito, kailangan mong labanan ang mga nanguuyam nilang titig bago isipin nilang mahina ka. "Go to the private area. The highest lord is there." Sagot nito sa akin bago umalis na walang lingon-lingon kaya naglakad na rin ako upang pumunta sa sinasabi nitong private area. Alam ko kung nasaan ang private area na tinutukoy nito ngunit hindi pa ako nakapunta. Sobrang liblib na ng dinaanan ko at may katamtaman na rin ang kipot. Isang bumbilya lang din ang ilaw na nag sisilbing liwanag para makita ko pa rin ang daan na tinatahak ko. Hindi nakakapagtaka kung ganito ka protektado ang highest lord dahil isa itong boss ng mga mafia boss kaya maraming ring nagtatangkang umaagaw sa pwesto nito. Hindi lang umaagaw, marami ring sumubok na patayin ito kaya ganito na lang kahigpit ang seguridad nito. "Sa'n ka pupunta?" Biglang tanong sa akin ng isang lalaking sobrang laki ng katawan. Narito na kasi ako sa harap ng pintuan kung saan ang private area. Malaki man ang katawan nito ngunit hindi parin ako tinatablan nang takot sa kadahilanang Porsigido akong maka usap ang highest lord "Isa akong assassin dito at kailangan Kong maka usap ang highest lord " aniya ko dito tila naman nakuha nito ang gusto Kong ipahiwatid kaya agaran nitong binoksan ang pinto ngonit hindi parin ako nakapasok "our highest lord your assassin is here" Saad nito ngonit hindi para saakin Kong hindi sa gusto Kong maka usap na tao na nasa loob. Maya-maya lang ay nakita ko na ang pagtango nito, pahiwatig na pinayagan na niyang papasukin ako. Sa totoo lang, may nakakapang kaba na rin ako sa loob-looban ko. Sino ba namang hindi kakabahan kung makakaharap ko ang kinikilala nilang panginoon? Kinakabahan ako baka maling galaw kolang o dikayay maling salita akatapusan na ng buhay ko. Pero wala naman sigurong mali sa sasabihin ko dahil kailangan ko lang namang ipaalam na aalis na ako. "Pasok," saad nito sa akin kaya hindi ko na ito sinagot at agad na pumasok sa loob. Ewan ko ba, pero sa unang pasok ko pa lang sa silid na ito biglang nag-iba ang atmospera, o sadyang dala lang talaga ng kadiliman ng silid. Ngunit meron pa namang akong nakikitang liwanag, kaunti nga lang. Tila ba nagtitipid sila ng kuryente dahil isa lamang ang ilaw samantalang napakalaking silid. Wala akong nakikitang gamit maliban na lamang sa maliit na mesa kung saan nakaupo ngayon sa aking harapan ang lalaking malaharing nakaupo sa truno nito .Hindi ko ito napansin kanina dahil sa pagtingin ko sa buong paligid. Nakasuot ito ng nakakatakot na maskara at tanging tungki lamang ng ilong at mapupulang labi nito ang nakikita. Kahit pa man natatakpan ang kalahati nitong mukha, hindi pa rin maitatago ang kaseryosohan nito dahil na rin sa mata nitong parang kakain kung makatingin. Sobrang nakakailang ang presensya nito ngayon, parang naging malamig at nakakatakot ang silid dahil lang sa presensya nito. "Why are you here?" Malamig nitong tanong sa akin. Sa pananalita pa lang nito sobrang napaka-dominante na kaya hindi nakapagtataka kung walang nangahas na lumabastangan dito. "I'm your assassin, Highest Lord. Narito ako para ipaalam sa inyo na gusto kong kumalas." Walang kagatul-gatol kong sagot dito. Pinapanatili ko pa rin ang kalmadong boses ko kahit ang totoo gusto ko nang mangatog sa kaba. Tila naman hindi ito nabigla sa sinabi ko o sadyang hindi lang talaga halata ang reaksyon dahil sa soot nitong maskara. "Oh, my assassin is very brave." Hindi ko alam kung pinupuri ba ako nito ngunit pang-uuyam ang kinalabasan sa akin. "You probably know the consequences, right?" Saad nito sa akin na parang pinapaalala sa akin kung ano ang kakaharapin kong delubyo. Una pa lamang, alam ko na. Kaya sana lang, makakaya ko. "Alam ko," diretsong sagot ko rito. Wala man lang itong kahit na anong ngiti. Tumayo ito at tumingin sa akin. "Then prepare yourself," aniya nito na mas lalong kinabahala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD