CHAP.23

1595 Words
ngayon araw na kami aalis sa resort dahil limang araw lang naman dapat kami dito baka rin kasi sumasakit na ang ulo ng Lola ni Jacob dahil sa mga bata. at kailangan na rin talaga naming umuwi dahil ilang araw na kaming absent wag lang sana kaming ibagsak ni Jacob, okay lang sana kung ako lang ang mababagsak pero kung si Jacob baka makapatay ako ng guro. ''Wife tayo na,'' sabi sa akin ni Jacob, katatapos lang kasi nitong mag-impake ng gamit namin. Tumango lang naman ako dito bilang sagot. Kaya agad na kaming lumabas sa silid na tinutuluyan namin. Bumili rin pala ako kanina ng mga pasalubong ko kay Vica at sa mga bata, syempre pati rin sa lola ni Jacob. Maya-maya lang ay nakasakay na nga kami sa sasakyan, alangan naman sa bubong diba! Syempre sa sasakyan. Hindi rin naman nagtagal nakarating rin kami sa airport. Habang naglalakad kami sa airport, bigla kaming nagulat ng may marinig kaming putok ng baril Kong hindi ako nag ka kamali malapit lang sa amin ang putokan. Bigla naman akong nataranta nang biglang magsigawan ang mga tao sa loob ng airport na parang hindi nila alam kung ano ang gagawin at kung saan rin pupunta. ''J-Jacob,'' sambit ko kay Jacob. Hindi man lang ako nito sinagot at sahalip hinila lang ako nito patungo sa kung saan para siguro magtago. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako kay Jacob, baka ito na ata ang mga kalaban ko. Paano kaya nila ako nasundan? ''Wife, okay ka lang? Hindi ka ba natamaan?'' nag-aalalang tanong ni Jacob sa akin nang makapunta na kami sa ilalim ng mesa. Bahagya pa kaming nakayuko at nakakip ang dalawang kamay sa ulo imbis na tenga dapat ang takpan. Ano to lindol? ''Okay lang ako,'' sagot ko rito habang nakayuko pa rin. Mas lalo pang nataranta ang lahat ng tao nang hindi parin tumitigil ang putokan ng baril. Maging mga flight attendant ay sobrang nataranta rin. Malamang sabi ko nga lahat ng tao syempre flight attendant kasama rin tsee! Ramdam ko ang takot sa mga taong tumatakbo, maging ang mga bata nag-iiyakan narin sa takot. Akala ko kalaban ko ang narito, hindi pala dahil nakita kasi ako ng nagbabarilan kanina, pero hindi naman ako binaril ni hindi manlang ako pinansin. Gusto ko nang sumali sa barilan nila para tumigil na ang kabaliwang to, ngunit wala akong dalang baril, kaya wala akong pagpipilian kundi magtago nalang sa tabi-tabi. Bigla naman akong hinawakan ni Jacob nang makita nitong papalapit na sa amin ang mga armadong lalaking nagbabarilan. Sobrang higpit ng kapit nito sa akin, parang ayaw na akong bitawan. Bigla naman akong napasigaw dahil sa biglang pagkabulagta ng isang lalaking may balbas ang mukha. Ito yung lalaking tinignan lang ako kanina habang may kabarilan, may dugo na ang damit nito ngayon at naka pikit na ang mata. ''Wife, okay ka lang?'' nag-aalalang tanong nanaman ni Jacob sa akin bago ako nito niyakap kahit narito pa kami sa ilalim ng mesa. akala siguro nito natatakot ako. Hindi naman ako takot nagulat lang ako kanina. Ngayon pa ba ako matatakot kung madami na akong napatay? ''Okay lang ako, Jacob,'' sagot ko rito. Napalingon naman ako sa kaliwa nang may matandang humihingi ng tulong. Nakaupo ito sa sahig habang sumisigaw ng tulong. Kaya wala sa sariling tumayo ako naalala kong nasa ilalim pala kami ng mesa. Kaya ayun, nauntog tuloy yung ulo ko sa mesang kinaroroonan namin... bwesit! Iwan ko rin kung bakit may mga lamisa dito sa airport. ''Wife, bakit ka tumayo? Nauntog ka tuloy,'' aniya sa akin si Jacob habang ako ay napapahawak nalang sa ulo. dahil sa sakit sobrang lakas kasi ng pagkakauntog ko. ''Kailangan kong tulungan si Lola, Jacob,'' turo ko sa matandang kanina pa humihingi ng tulong, ni wala manlang huminto para tulungan ito. ''Dito ka lang, ako na ang tutulong,'' aniya nito sa akin bago tumayo. Nakinauntog rin ng ulo nito. Ay, bobo! Nakalimutan rin ata nitong nasa ilalim rin ito ng mesa. Pagsasabihan ko pasana ito, pero bigla na itong umalis sa ilalim ng mesa upang puntahan ang matandang humihingi ng tulong. ''T-Tayka, J-Jacob!'' tawag ko sana dito ngunit tuluyan na itong pumunta sa matandang umiiyak. Parang lumakas ang kabog ng dibdib dahil sa takot. Deretso lang kasi itong naglakad samantalang ang armadong mga lalaki nasa paligid lang nito at patuloy na nagbabarilan. Gayon nalang ang paglaki ng mata ko ng makita ko na itong dugoan. Hindi!! Hindi!! Parang bumagal ata sa paningin ko ang pagbagsak nito sa sahig habang dilat parin ang mata. Ang matanda namang tutulongan sana nito, ramdam ko rin ang pagkagulat. Parang hindi ako makatayo at kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa mata, alangan naman sa ilong sipon na ata yon. Pinikit-pikit ko pa ang mata ko, baka sakaling namalikta mata lang ako at panaginip lang ang lahat ng nakikita ko ngonit hindi kitang kita ko mismo ang katawan ni Jacob na nakahandusay sa sahig na Wala ng buhay ,kaya nilakasan ko talaga ang loob Ko upang umalis sa ilalim ng misa para pumonta sa gawi nito "J-jacob"nanlalabo ang paningin kong sambit sa pangalan nito hanggang sa tuloyan nanga akong mapunta sa gawi nito nakapikit ang mata nito ngayon ang matanda naman ay maslalong nataranta Ako naman ay parangwala nang paki sa nag liliparang bala sa paligid ko dahil nakatotok lang ang paningin ko Kay Jacob na naka higa sa sahig ,Wala rin sa sariling napaluhod ako dahil sa panghihina maslalo namang bumohos ang aking luha ng makita ko ang dugoan nitong damit "J-Jacob, gumising ka!" basag na boses kong aniya rito bago ko ito niyakap. Para namang piniga ang dibdib ko ng dumapo bigla ang dugo nito sa kamay ko na bahagya pa iyong nanginginig. "Jacob, ano ba? Gumising ka!!" naiiyak kong singhal dito sabay yugyog sa katawan nitong walang malay ,nagba-bakasakaling gigising ito ngunit hindi pa rin. "Jacob, asawa ko!! Gumising ka, please!" parang pinipiga ang puso ko sa sakit pakiramdam ko'y halos lahat na ata ng luha ko , bumuhos na sa aking mata. Nasa bisig ko si Jacob habang nakapikit parin ang mata nito at sobrang putla na. "Parang awa nyo na, tumawag kayo ng doctor!!" pagmamakaawang sigaw ko sa kanila ngunit parang hindi manlang sila gumagalaw at nakatitig lang sa akin. Ganito na ba sila ka walang puso? Please, Jacob, asawa ko, gumising ka. wag mokong Iwan parang awa mona asawa ko!!! Walang humpay ang pag-agos ng aking luha habang tinitignan ko itong dugoan sa bisig ko. Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang sakit. Parang hinati yong puso ko. parusa naba ito sakin. Kong parusa ito sana Ako nalang . wag na ang asawa ko please. "Cut!!!" napatigil ako sa pag-iyak nang may biglang sumigaw sa harapan ko. Isang lalaking may dalang isang hugis-kahon na may nakalagay na "Take One". Ano 'to? At dito pa talaga sila nagtataping? "Okay, good take," aniya pa ang lalaking nanggaling sa likod ko. "Derick, hindi naman sila kasali dito," aniya ng babaeng maarte na may mga dugo pa sa damit. na sa tingin ko ay piki Ano bang ibig sabihin nila? Hindi ba nila nakita na dugoan na ang asawa ko? "Hindi ba? Akala ko sila ang bida, ang galing kasi nilang umarte," sagot ng lalaki na sa tingin ko ako ang tinutukoy. "Ano bang pinagsasabi nyo? Hindi nyo ba nakita na dugoan ang asawa ko?!" hindi ko mapigilang singhal sa kanila kaya bigla naman silang napatingin sa akin. "Tse, umaarte pa rin kahit hindi naman kasali," maarting aniya ng babae sa akin. Pinaikotan pa ako ng mata na kina-init ng ulo ko. "Ay, ining, akala ko kasali ka sa taping. Pumunta kasi 'tong asawa mo sa gawi ko," saad sa akin ng matanda kanina. Tayka, akala ko humingi ito ng tulong. Bakit parang sobrang kalmado nito ngayon? "Kasali?" nalilito kong tanong kahit humihingos parin ako dahil sa pag-iyak. "Hindi ka ba na-inform, ining? May taping ngayon dito sa airport," saad nito sa akin ,para atang umorong lahat ng luha ko dahil sa sinabi nito. Tinignan ko naman ang paligid na tila ba nagbalik lang ang lahat sa normal at parang walang nangyari. Napatingin naman ako sa mga lalaking may hawak na camera.... Peste! Taping nga!! ... hindi ko man lang napansin ang mga camera kanina dahil sa sobrang pag-aalala kay Jacob. Pero impossible, bakit hindi manlang gumagalaw si Jacob? "Jessie, my wife?" bigla nalang akong nanigas nang may tumawag sa akin na pamilyar na boses,. Para namang magsisimula nang bumuhos ang luha ko dahil sa saya. Akala ko talaga nawala na ito sa akin. "J-Jacob, asawa ko," naiiyak kong sambit dito bago ko ito niyakap. At wala nang pakialam kong naka-kandong man ako dito. Hindi ko na mapigilang humikbi dahil para atang lahat ng pangamba ko kanina ay nawala ,ngonit sa aking inis sinontok ko parin ito sa dibdib. Sobrang pinag-alala ako nito bakit ako nito nagawang takutin. "Bakit ka hindi gumalaw kanina? Alam mo bang halos mamatay na ako sa pag-aalala?" hindi ko mapigilang bulyaw ko dito habang humikbi parin. "Sorry, wife, kong pinag-alala kita. Akala ko kasi totoong na baril ako. T-takot kasi ako sa dugo kaya nahimatay ako," hinging tawad nito bago pinunasan ang luha kong kanina pa tumutulo. Buong puso naman nitong tinanggap lahat ng suntok ko hanggang sa mapagod na ako. Takot sa dugo? Kailan pa? Nagpapatawa ba ito? Hindi nga ito natakot nong kinain ako nito sa gitna tapos piking-dugo lang hinimatay na ito. "A-akala ko mawawala ka na talaga sa akin," hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD