Isang araw rin akong hindi nakagalaw dahil sa sobrang sakit talaga ng katawan at gitna ko. Kaya isang araw rin akong binubuhat ni Jacob mabuti na lang at nakatayo na ako ngayon. Akala ko talaga tuluyan na akong malulumpo dahil sa sobrang sakit.
Tatlong araw na rin kami dito sa resort at masasabi kong masaya kasama si Jacob, syempre asawa koyon eh.
"Jessie, ano yang sinusuot mo?" nagtataka niyang tanong sa akin ng makalabas na ako ng banyo.
teka anong problema sa soot ko?.
"malamang swemsuit ano paba?" sarkastiko Kong sagot dito pakiramdam ko Kasi hindi bagay saakin ang soot Kong pulang panligo ngayon dahil sa tanong nito
sexy naman ako ah.
"alam ko pero bakit yan ang soot mo?" tanong nanaman nito h,indi ba obvious na maliligo ako Kaya ito ang suot ko?
" malamang maliligo ako ,tayka bakit hindi ba bagay saakin" naiinis Kong wika dito maputi naman ako at maganda rin ang katawan kaya imposibleng hindi bagay saakin ang soot ko.
"No! I mean it suits you, pero sobrang lantad na ang makinis mong balat," sagot niya sa akin. Na kinangiti ko pero sa kaloob-looban lang dahil ano bang inaasahan nito na susuotin ko kapag nasa resort?,magsusuot ng jogging pants?
"Makikita naman talaga dahil sa suot kong swimsuit," simpleng sagot ko rito.
"No! Magbihis ka," seryosong sabi niya sa akin na kinainis ko.
Anong mag bibihis? ito na mismo ang nag sabing bagay saakin tapos pagpapalitin lang ako minsan talaga bindi ko ito maintindihan
"anong problema mo !?,sabe mo bagay saakin ang soot ko tapos pag bibihisin molang ako ?" singhal ko rito dahil sa inis
"W-wala," nakayukong sagot nito sa akin. Bigla tuloy akong nag-guilty dahil sa pagsigaw ko rito. Pero naman kasi, anong problema sa suot ko?
"M-masyado ka kasing maganda sa suot mong 'yan kaya alam kong maraming hahanga sa 'yo na mga lalaki kapag nakita ka na nila sa labas. G-gusto ko lang naman sanang ako lang ang makakita sa 'yo na nakaganyan," mahinang paliwanag niya sa akin habang nakayuko pa rin.
Pakiramdam ko parang may humahaplos sa aking puso sa sinabi nito, kaya wala sa sariling napangiti na lang ako dahil sa saya. Palihim lang pala itong nang-aangkin.
Kaya agad korin hinihakbang ang aking paa upang pumunta sa gawi nito at walang pagdadalawang-isip na pinatakan ng halik ang mapupula nitong labi bago hinawakan ng dalawang kamay ko ang maganda nitong mukha .
Kahit pa sandamakmak na nag-gwapuhang lalaki ang ibalandra sa akin, wala pa ring gwapo sa paningin ko kundi si Jacob lang. Ito lang ang pinakagwapo para sa akin wala ng iba ,pero bukod lang sa ama ko.
"Wala akong pakialam kung tinitingnan nila ako dahil hanggang tingin lang naman sila at mas lalong hindi sila makakahawak sa akin dahil sa 'yo lang naman ako magpapahawak," nakangiting sabi ko rito. Ito naman ay namumungay ang matang nakatingin sa akin bago kinabig ng dalawang bisig nito ang maliit Kong bewang upang mas mapalapit pa dito.
"Akin ka lang, my wife. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko," namumungay na sabi nito sa akin bago hinalikan ang noo ko na puno ng pagmamahal.
"Sayo lang ako, Jacob. Sa una pa lang nating pagkikita at akin ka lang din. Walang sinuman ang nakakapaghiwalay sa atin," mahabang litana ko rito. Mahal na mahal ko ito kaya mas lalong ayaw ko rin itong mawala sa paningin ko.
Maya-maya lang ay naisipan naming lumabas upang maligo sa dagat. Pero nag-suot na rin ako ng cotton shorts para kahit papaano ay masunod ko naman ang gusto ni Jacob. Hindi rin naman kasi pwedeng mag-jogging pants ako na maliligo, baka pagtawanan lang ako.
Habang papalakad kami patungo sa dagat, ramdam ko ang mga tingin ng bawat taong nadadaanan namin, lalo na sa mga kalalakihan. Kaya pati rin ang mahigpit na hawak ni Jacob sa maliit kong bewang ay ramdam na ramdam ko.
Hindi ko rin naman pinag-aaksayahan ng oras ang mga taong tumitingin sa akin at mas lalo pa akong dumikit kay Jacob at humawak rin sa matigas nitong bewang hanggang sa makarating na kami sa katabing dagat ,kaya agad naman Kaming umupo sa may buhangin.
Medyo masakit na rin ang sikat ng araw ngunit hindi naman masyadong mararamdaman dahil sa lakas ng hampas ng alon na nagdadala ng sariwang hangin. Marami rin ang naliligo sa dagat, sa tingin ko puro mga banyaga ang narito, kaunti lang ata ang Pilipino tulad namin ni Jacob napatingin naman ako sa mga batang nag lalaro ng buhangin parabang may binoboo sila
"Jessie, hindi ka ba maliligo?" biglang tanong sa akin ni Jacob habang ang aming tingin ay naroon pa rin sa mga batang naglalaro sa buhangin.
"Mamaya na lang siguro, malakas kasi ang alon," sagot ko rito bago ko naramdaman ang daliri nito sa hibla ng buhok ko na nakatabing ng kaunti sa aking mata. Itinago nito ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga bago ito tumingin sa akin na may paghanga.
"Gusto mo bang malakad-lakad na lang tayo?" malambing nitong tanong saakin na kinangiti ko ang gwapo talaga nito kahit gaano siguro kakapal ang soot nitong salamin , Hindi parin maipagkakailang subrang napaka gwapo nito
"sige " sagot ko rito bago kami magkahawak kamay na tumayo galing sa pagkakaupo
maging sa paglalakad magkahawak parin Kami na parabang walang gustong humiwalay saamin, nag lakad lakad lang kami sa tabi nang dagat at tila ba walang pakialaman sa paligid .
"Jacob"tawag ko korito habang naglalakad pa rin kami,
"Hmm?" simpleng sagot nito sa akin habang bahagya niyang pinipisil-pisil ang kamay ko.
"Pag sinabi kong 'knock knock', ang isasagot mo, 'who's there'?" ani ko rito. Wala lang, gusto ko lang mag-jokes. Tinignan naman niya ako na puno ng pagkalito ang mukha.
"Ha?" takang-tanong nito.
"Basta, isagot mo lang, 'who's there'," sabi ko rito bago kami huminto sa paglalakad. Ngayon ko lang napagtanto na malayo na pala ang nilakad namin kaya wala na akong makitang ibang tao.
"magsisimula na ako, knock knock," nakangiting sabi ko rito habang ito ay nalilito pa rin na nakatingin sa akin.
"W-who's there?" nag-aalangang sagot nito sa akin.
"Come back to me," ani ko rito.
"Come back to me?" nagtataka nanaman nitong sagot sa akin.
"Come back to me-bok ang puso, wala kang magagawa kundi sundin ito," pakanta kong sagot rito. Ngunit wala naman itong naging reaksyon at nanatiling nakatingin sa akin na may pagtataka pa rin sa mukha.
So ganon lang, hindi man lang ito nag-react. Kahit konting kilig o tawa man lang. Pakiramdam ko tuloy nag-uumpisa na naman akong mainis rito. pag ako talaga ang bumanat dito wala man lang itong reaksyon pero pag ito halos lalabas yong dibdib ko sa subrang kilig tas ito Wala lang... pinag isipan ko kaya yong jokes ko
"wala Kang reaksyon?" naiinis Kong tanong rito
" ha?" nalilitong tanong nito na maslalong kinainis ko ,so wala talaga itong naramdaman kaya sa inis ko naglakad nalang ako at iniwan itong nalilito parin ramdam konaman ang pagka alarma nito sa biglang pag alis ko ,kaya dali dali itong sumonod sa likod ko
"wife galit kaba?" nag aalalang tanong nito sakin bago hinawakan ang kamay ko dahilan rin ng aking pag hinto kaya tinignan ko naman ito ng nakangoso
" galit kaba sakin " mahinang tanong nito sakin ngonit hindi ko parin ito sinagot dahil sa inis
alam konamang sobrang babaw lang ng dahilan Kong bakit ako naiinis pero Iwan ko basta naiinis Ako.
" sorry na wife hindi ko Kasi alam Kong ano ba dapat ang maging reaksyon ko d-dapat bang tumawa ako " parang sinosubukan ata ako nitong suyoin
pero seryoso hindi talaga nito alam?.
"iwan ko sayo" aniya ko sabay alis ngonit bago paman ako makaalis nang tuloyan nahawakan na agad nito ang kamay ko para mapahinto ako sa pag alis
"sorry na g-gusto mo ako naman " malambing nitong saad sakin ngonit ako , nanatili paring naka busangot syempre dapat pakipot din tayo minsan
aba ako nalang kaya palaging sumosuyo dito
" k-knock knock" nag aalalangan Saad nito sakin
"who's there"kunwaring walang ganang sagot ko rito
"come back to me"
"come back to me who?"
"in I was dying inside to hold you I couldn't believe what I felt for you" pakanta rin nitong aniya saakin katulad ng ginawa ko kanina ngonit kumonot lang ang noo dahil sa pagtataka
ha?
ano raw ?
Saang parti ang come back to me doon sa kinakanta nito dati ata tong addict
ngayon kolang nalaman na subrang ganda Pala ng boses nito, pero hindi ko alam Kong dapat ba na mas lalo akong maiinis rito o matatawa wala naman kasing connect ang pinagsasabe nito mabuti nalang talaga at mahal ko ito
"M-mali ba?" nag-aalala itong tanong sa akin.
"Iwan ko sayo. Kung hindi lang kita mahal, tayo na nga," sabi ko rito sabay hila sa kamay nito papunta sa kinaroroonan namin kanina. Gusto ko rin kasing maligo sa dagat. Pansin ko kasing medyo hindi na malakas ang hampas ng alon.
Habang naglalakad kami, napansin kong wala na itong imik at parang may iniisip na hindi ko alam. Malamang hindi naman ako maghuhula.
"Jacob, ang tahimik mo ata," nagtataka kong tanong ko rito bago kami huminto sa paglalakad. Kanina talaga 'to tahimik.
"Jessie, hindi ka ba naaakit sa kanila?" biglang tanong nito a kinagulat ko. Mga kalalakihan siguro ang tinutukoy nito na kanina pa nakatingin sa amin. Iwan ko kong sa akin ba sila nakatingin o kay Jacob. Malay mo bakla sila. Hindi naman kasi maipagkakailang matikas ang katawan ni Jacob ,nakasoot kasi ito ngayon ng kulay puting polo at nakabukas pa ang tatlong butones kaya lantad na lantad ang matigas nitong dibdib.
Marami naman talagang maipagmamalaki ang mga kalalakihan na narito ngunit wala pa rin tutumbas sa Jacob ko.
"Ha? Kanino?" tanong ko rito kahit alam konamang sino ang tinutukoy nito.
"Sila. Hindi ka ba naaakit sa kanila? Mas gwapo sila sa akin," iwan ko ba kung pinupuri ba nito ang mga kalalakihan dito o masyado lang talaga nitong pinapababa ang sarili.
"Ano naman kung ganun?" baliwala kong sagot. May mas ga-gwapo ba sa asawa ko? Wala naman akong pakialam kung ano ang meron sa kanila.
"Wala rin silang suot na salamin katulad ko. Mayaman din sila at sinisigurado kong kaya kang protektahan," mahinang anas nito sa akin na mas lalong kinakonot ng noo ko. Halata namang kinokompara lang nito ang sarili sa iba.
At tiyaka kahit hindi man ako nito magawang protektahan, ide ako ang mag po-protekta dito. Hindi rin naman ako nito kailangang protektahan dahil hindi naman ito superhero.
"Ayan ka na naman, Jacob. Kahit gaano sila kayaman o wala man silang suot na salamin, wala akong pakialam. Maaakit lang ako sa kanila kung sila ay ikaw," mahabang saad ko rito para ipalawanag na ito lang ang nag tatanging nakaka akit sa paningin ko
"at Kahit Hindi mo ako kayang protiktahan ide ako ang gagawa, ako ang po protikta sayo" dugtong kopa na kinapungay ng mata nito bago ako niyakap nang mahigpit na wala konamang pagaalinlangan tinogon
"mahal kita Jessie pero dapat ako ang po-protikta sa magtangkang manakit sayo dahil asawa kita at dahil ako ang lalaki" mahinang anas nito na nakayakap parin saakin
Yan talaga ang mindset nang mga lalaki kiso lalaki sila dapat sila gumagawa nang ganito ng ganyan, Hanggang sa umabot na sa punto na papasanin na nila ang mga bagay na Kahit alam nilang hindi nila kaya para maipakitang, hindi sila duwag hindi ba pwedeng pantay pantay lang
Ang pagprotekta hindi lang naman naka-depende sa kasarian, kundi sa pagmamahal at pang-unawa na ibinibigay niyo sa isa't isa.
" hindi naman ibig sabehin na ikaw na ang lalaki dapat ikaw na talaga ang mag protikta saakin pwede naman tayong dalawa " Saad ko rito