Pagkatapos ng aming klase, halos wala akong ginawa magdamag at nakatingin lang sa magandang mata ng katabi ko. Ramdam ko ang pagka-ilang nito, pero kasalanan ko ba kung gusto kong titigan ang kanyang mga mata?
Siya naman ang may kasalanan eh, bakit kasi sobrang ganda ng mga mata nito? Hindi ko rin alam sa sarili ko, ni hindi ko nga magawang tumitig noon ng ganito katagal sa mga kakilala kong lalaki pero sa lalaking nerd nato, parang kahit maghapon ko lang itong titigan okay lang. at sa palagay ko'y pabor paata yon sakin
Hindi ko rin alam kung dapat na ba akong magpacheck-up mamaya sa doctor dahil itong buang na puso ko sobrang lakas ng t***k kahit wala namang nakakatakot at maslalong, wala namang nakakakaba rito.
Ramdam ko rin ang pasimpleng pagtingin nito sa akin pero pinagsawalang bahala ko na lang. Agad naman akong napatayo nang bigla itong tumayo at nagmamadaling magligpit ng gamit.
"Uuwi ka na?" tanong ko rito na kinahinto nito sa pagliligpit ng gamit. Pansin ko rin sa lalaking ito, mukhang matalino kaya bagay kami dahil bobo ako, matalino ito.
Luuh, bakit ko ba nasabing bagay kami? Ito talagang utak ko, kung ano-ano lang ang nasasabi.
"A-oo," sagot nito sa akin na kinatango ko. Nang matapos na itong magligpit, umalis na agad ito pero hindi natuloy dahil sa agad kong nahawakan ang kamay nito.
Ayan na naman yung pamilyar na kuryente na dumadaloy sa kaibuturan ko. Meron bang electric ang katawan ng lalaking ito? Kasi sa tuwing magdadampi ang aming mga balat, para akong kinokoryente.
"B-bakit? M-may kailangan ka ba?" tanong nito sa akin bago inayos ang makapal nitong salamin.
"Punta muna tayo sa cafeteria," aya ko rito. Wala akong paki kung papayag ba ito o hindi, basta pupunta kami sa cafeteria.
"S-sige," sagot nito na kinangiti ko bago ko ito hinila palabas ng classroom. Rinig na rinig ko na naman ang mga bulong-bulongan ng mga estudyanteng walang ginawang kabulohan bagay at puro nalang pang hihimasuk sa buhay ng may buhay pero wala pa rin akong paki.
Nang makalabas na kami ng tuluyan, dumiretso na agad kami sa cafeteria dahil ang totoo, kanina pa ako nagugutom.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko rito nang nakaupo na ako sa bakanteng upuan. Ito naman ay priti parin nakatayo na pinagtataka ko.
"K-kahit ano," sagot nito na nakatayo parin. Wala ata itong balak umupo, may balak ata itong magka-arthritis.
"Umopo kanga" Saad ko rito dahil ako lang ata ang nahihirapan sa ginagawa nitong pagtayo ngonit hindi parin ito gumagalw at nakitingin lang sakin parang sa paraan nang pagkakatitig nito saakin parang may halong pag nanasa pero ang totoo ay joke lang talaga
palagay konga hindi ito nakakaramdam nang libog pagnanasa pakaya
kaya lang talaga ito naka tingin sakin Kasi nagagandahan will alam konaman yon ...tsee
napabuntong hininga nalang akong tumayo at hinawakan ang magkabilang balikat nito at tinulak pa upo sa upoan na kina upo naman nito
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko ulit dito.
"I-ikaw," sagot nito na kinatigil ko. Wait, ako? As in me, like myself talaga? May lahi ba itong karnibal para kumain ng tao?
alam konamang masarap akong tao like you know I'm yummy down there pero may bubuhayin paakong tao hindi rin ako pwedeng mamatay dahil hindi paako nakakatikim nang mashalap nilang sinasabe ..
"A-ang ibig kong sabihin, i-ikaw na lang bahalang mag-order," pagtatama nito na kinahinga ko nang maluwag. Kaya naman tumango ako rito at nag-order na kaagad ng dalawang sandwich at dalawang soft drink. Pagkatapos kong mag-order, bumalik na agad ako sa table namin.
Ngunit hindi pa ako tuluyang makabalik ay biglang nag-init ang ulo ko dahil sa nakikita kong mukha ni Nikolai at ang mga asungot nitong barkada na ginagalaw ang walang kalaban-laban kong Jacob.
Kaya dali-dali na akong pumunta sa gawi nila upang patigilin ang mga pangit na ito.
"Oy, Jessie, nandito ka pala," aniya ng barkada ni Nikolai. Nakakaasiwa ang mukha nito, may hikaw pa ang labi, akala mo naman kinagwapo.
"Ano na naman yang ginagawa nyo?" tanong ko sa kanila bago nilapag ang inorder kong pagkain sa mesa. Nagulat na lang ako nang bigla itong kinain ni Nikolai na mas lalong kina-inis ko.
maikli lang ang pasinsya ko sa mga katulad nitong gago pero hindi ko ito magawang patayin dahil hindi naman ito kasali sa mission ko, kaya hindi ko ito pwedeng pakialaman
Nakita kong tatayo sana si Jacob upang pumunta sa gawi ko pero ang gagong alipustoris ni Nikolai hinawakan ang balikat ng Jacob ko para mapatigil.
tayka Jacob ko?
"Saan ka pupunta lampa dito kalang " aniya ni Nikolai sabay hila Kang Jacob nakina upo nito pabalik , tumatawa pa ang mga kumag Kahit wala namang nakakatawa at ang kapal nitong tawagin ang Jacob ko na lampa.
Nakadalawa ka na, Jessie.
Hindi na ako nagsalita pa at agad pumunta sa kinauupuan ni Jacob na nakayuko lang. Agad ko itong hinila para mabawi sa pagkakahawak ni Nikolai.
"Wag ka nang makialam, Jessie," tiim bagang namang aniya sakin ni Nikolai pero hindi ko na lang pinansin at kinuha nalang ang bag ko sa misa para umalis.
Hanggang kaya ko pang umiwas sa gulo, gagawin ko. Dali-dali ko nang hinila palabas ng Unibersidad si Jacob at bago pa ako hindi makapag timpi, sa kanila na lang yong pagkain namin, pero sayang, nagugutom pa naman ako.
Rinig na rinig ko pa ang mura ni Nikolai bago kami tuluyang nakalabas.
"Jacob, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Wag na kayong magtanong kung bakit ako nag-aalala, dahil 'yon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ayaw ko itong nakikita na nasasaktan eme...
"O-okay lang ako. P-pasensya na kung nadamay ka. Hayaan mo na lang sila sa susunod, dahil baka pag nagkataon, ikaw naman ang saktan nila " mahabang litana nito na kinatigil ko. Ito ata ang kauna-unahang nagsalita ito nang ganito kahaba.
Pakiramdam ko tuloy nag-aalala ito sa akin, pero wala naman itong kailangan ipag-alala dahil kung totoo-sin wala pa sa kalingkingan ko sina Nikolai kumpara sa mga nakakalaban kong mga mafia.
Pero gusto ko sanang magtanong rin ito sa akin, katulad ng okay ka lang ba, maganda kong Jessie? May masakit ba sa'yo? Kung meron, hahalikan kita sa pwet. Pero wala eh..
, bahagya ko pang kinapa ang puso ko, para kasing sumasakit 'yon.
"Ako, okay rin ako. Walang masakit sa akin," aniya ko rito kahit hindi naman ito nagtanong. baka kasi nahihiya lang ito. Pero ang mga alagang bulati ko sa tiyan ay naglilikramo na. Kong bakit daw mas inuna ko pa ang, pakiki paglandian kaysa kumain.
"Mabuti naman kung ganon. nagugutom ka na ba?" tanong niya na kinangiti ko. Kong alam lang nito na hindi pa ako nag-umagahan.
"Kanina pa ako gutom. Kaya sa bahay niyo na lang tayo kumain," saad ko rito na kinagulat nito. Gusto ko rin kasi malaman kung nasaan ito nakatira..
Wala, basta gusto ko lang.
Arghh, ano ba kasing kakaibang pinaparamdam ng lalaking 'to sakin? Kong bakit ba hindi ko mapigilan.
"H-ha? B-bakit?" tanong nito sa akin. Bakit ba palagi na lang itong nauutal? Nakakatakot ba ang itsura ko?
"basta sa inyo lang na tayo kumain. Kaya halika na," aniya ko dito sabay hila patungo sa taksi na pinara ko. Wala naman itong nagawa at sumakay na lang din. Wala naman talaga itong magagawa dahil gusto ko ako dapat ang masusunod dahil sobrang gutom na talaga ako.
Ayaw kong kumain sa mamahaling restaurant o sa karinderya dahil kailangan kong mag-ingat. Hindi ko hawak ang panahon at pagkakataon at mas lalong hindi ko kilala ang lahat ng taong nakapaligid sa akin. Kaya todo-ingat ako.
Mahigit isang oras rin ang byahe namin bago kami nakarating sa bahay nito.
Dumaan kami sa liblib na lugar bago marating ang tahanan nito. Bigla akong napahinto nang may sumalubong sa aming matanda o kong tamang sabihin kang Jacob. Abot-tinga ang ngiti nito habang sumalubong ng yakap Kay Jacob na agad namang nitong ginantihan. Natagpoan ko lang ang aking sariling nakangiti habang nakatingin sa kanila ,ngayon lang talaga ako nakakita ng apu na lalaki na malapit sa Lola.
"Oh apo, sino ba itong magandang dilag kasama mo?" tukoy ng matanda sa akin Plus points ka sakin Lola dahil sinabehan mo akong maganda.
"Ka-klase ko po, Lola," sagot ni Jacob sabay punta ko sa matanda para magmano na mas lalong kinangiti ng matanda.
"Ayy, ganoon ba? Patuloyin mo siya, Apu. At may hinanda akong kakanin sa loob," saad ng matanda Bago umalis.
Mas ngayon ko talaga masasabing hindi deserve ni Jacob ang pang-aalipusta o pangbubully nila Nikolai dahil wala naman itong ginawang masama .
Sumunod lang ako kay Jacob papunta sa bahay na tinutuluyan nila. Para atang bigla akong naawa sa kalagayan nila ngayon.
Kasi sa unang apak ko palang sa bahay nila, parang masisira na ata lalo na sa bubong nilang pinagtagpi-tagpi nalang ng tarpulin para hindi maulanan. Mabuti at naisipan pang magpatuloy ni Jacob sa pag-aaral dahil kasi sa karamihan ay mas pinili na lang magtrabaho kaysa mag-aral.
"Pasensya ka na sa bahay namin," mahina nitong usal.
pero Wala naman itong dapat ihingi nang pasinsya okay lang naman. ganito ang bahay nito at least maganda ang mata